28. The Power of Envy

139 27 21
                                    

"When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile."

Chapter Twenty-Eight:THE POWER OF ENVYDedicated to takoyakiNsushiQueenTheDreamer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter Twenty-Eight:
THE POWER OF ENVY
Dedicated to takoyakiNsushi
QueenTheDreamer

Dianna/D's Point Of View

"Hmm... I wonder how things are going." Hindi mapigilang tanong ko sa sarili. Habang naglalakad pauwi wala akong ibang iniisip kundi ang sinabing surpresa sa akin ng lalaking nakaitim. So imbis na pumasok dumiretso na lang ako ng uwi.

Naalala ko bigla ang nangyari nung nakaraang araw. Pulang-pula pa rin ang pisngi ko hanggang ngayon. Lahat ng nangyari ay dahil sa makasariling yun! Karma nya na din lahat ng nangyari sa kaniya!

Kaya wala akong dapat pagsisihan sa nagawa ko. Wala! Dapat lan sa kaniya ang magdusa.

Flashback: Two Days Ago

"Oo! Teka lang!" Magiliw akong tumakbo sa pinto ng apartment ko. I'm expecting something today kaya I'm excited masyado.

But I was disappointed when I saw a familiar face of the electric bill man, at sigurado na akong he's not the mailman at the same time. Binigay nya sa akin ang bill, binayaran ko iyon agad dahil hindi naman malaki, tipid akong gumamit ng kuryente.

"Sige po, salamat." Huminga ako ng malalim matapos isara ang pinto... mag-aapat na araw na simula nung pinadalhan ko si ate ng sulat, pero hanggang nagyon wala pa rin akong natatanggap na sagot.

Natigil ako nang mag-vibrate ang aking cellphone na nakapatong sa mesa. Isang kliyente ang tumaway kaya naghanda na ako at nagbihis.

Wala ako sa sarili na naglalakad. Iniisip ko ang kinahantungan ng buhay ko... Hanggang pokpok na lang talaga siguro ako. Hindi na 'ko makakatakas pa matapos ang lahat ng kababuyang ginagawa ng kung sino-sinong lalaki sa akin. Hindi ko na maalis yun sa katawan ko. My life has become a mess, habang si Dallia ay nagpapakasasa sa maranya nyang buhay. Talagang napaka-unfair ng mundo... ang malas ko lang kasi napagtripan ako.

Naikoyom ko ang aking kamao sa galit, puot, lungkot at pagka-inggit dahil sa buhay na meron ang ate Dallia ko ngayon. Bakit kasi ako lang ang kailangang mag-hirap?! Bakit solo ko lahat ng problema pati pa ang problemang iniwan ng mga magulang namin?! Napaka-miserable ng buhay ko. Namimilipit ako sa laki ng galit na nasa loob ko... kailangan kong ilabas 'to.

Kaya habang nasa trabaho, nagawa kong sakalin at palo-paluin ang costumer ko na wala namang reklamo kasi ganun ang gusto nila, yung sarap na may halong sakit. Matapos matanggap ang payment umuwi ako agad.

Pagdating ko sa aking apartment ay dumiretso ako sa banyo at naligo. Hindi ko mapigilang umiyak habang linilinisan ang katawan.... nandidiri ako sa sarili ko. Diring-diri ako habang naaalala ang haplos nila sa katawan ko, ang mga laway nila sa balat ko. Pero wala akong choice, kailangan ko itong gawin. Kahit dugo pa iluha ko ngayon, wala ng magbabago.

The Man In Black ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon