18. The New Head

195 38 24
                                    

"Learn from everyone but follow no one."

Chapter Eighteen:THE NEW HEADDedicated to nevertofadingstars JackenJill_

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter Eighteen:
THE NEW HEAD
Dedicated to nevertofadingstars
JackenJill_

Riegan's Point Of View

Pagkapasok namin sa conference room ay nakaramdam ako ng kakaibang ng kaba, kasi bakit kasali ako rito?! Baguhan lang ako at wala akong alam! Nang makaupo kami ay agad din akong narelax dahil sa aircon.

Napatingin kami kay sir Romano na nakatalikod sa amin. Nakatayo lang sya doon at mukhang walang balak humarap. Pinapunta nya ba kami rito para titigan ang likod nya at bilangin ang iilang puting buhok nya sa bunbunan?

"Sir Romano?" Tawag ni Leslie sa kaniya pero tila wala syang narinig. Napatingin sa amin si Leslie na para bang nagtataka saka ibinalik ang tingin sa kaniyang amo. "Sir? Nandito na ang lahat."

Wala pa rin. Nagkatinginan kaming lahat.

Ngunit agad naming naibalik kay sir Romano ang aming tingin nang bigla syang natawa ng marahan. Para bang nakarinig sya ng joke kahit walang nag-salita ng joke sa amin, nakakapanibago sa maling paraan at nakakainsulto ang uri ng tawa nya. Alam kong mali para sa isang katulad kong lalaki ang kilabutan pero iyan ang naramdaman ko.

"Masyado syang mapagmalaki sa posisyon nyang matagal kong hinangad, mababa ang tingin nya sa akin porke mas mababa ako sa kaniya.."

Nanlaki ang aming mga mata sa gulat at muling nagkatinginan. A-anong pinagsasabi nya?!

"Kahit paghingi ng tawad sa nangyari sa anak ko, hindi nya ginawa!"

Muli syang nagsalita. Tila wala sya sa sarili. Tila ibang tao si sir Romano ngayon, para demonyo. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko, nanlalamig din ang aking mga kamay. Mukhang hindi maganda ang patutunguhan nito.

"S-sir? Okay ka lang?" Ani Leslie na alam kong katulad din ang nararamdaman sa akin, nakita ko ang malalaking butil ng pawis sa noo nya. Pero parang walang narinig ni sir Romano.

"At kahit ano pang sabihin mo, ikaw parin ang pumatay sa kaniya. Walang bahid ng dugo ni Laura ang mga kamay ko. Dapat lang sa kaniya iyon, dapat lang syang mamatay."

Narinig ko ang pagsinghap ni Heather at ang mahinang pagmura ni Rack... i-ibig sabihin ba, sya nga ang nagpapatay kay ma'am Laura? Pero sino bang kausap nya?! Anong—

"Huh?"

Parang tinadyakan ng kabayo ang dibdib ko nang bigla syang lumingon sa amin habang salubong ang kilay. Anong nangyayari sa kaniya?! Bumadha ang gulat sa kaniyang mukha at parang hindi nya malaman ang kaniyang gagawin.

The Man In Black ✔️Where stories live. Discover now