33. Useless Sacrifices

173 26 20
                                    

"I heard you're a player. Nice to meet you, I am the coach."

Chapter Thirty-Three:USELESS SACRIFICESDedicated to Zhannia20jessa_kyut7

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter Thirty-Three:
USELESS SACRIFICES
Dedicated to Zhannia20
jessa_kyut7

Heather's Point Of View

"Maligayang pagdating mga panauhin."

Ramdam ko ang kakaibang sensasyon sa ilalim ng aking balat nang makita ko ang lalaking naka-itim maging sa mga salitang binigkas nya. Na para bang ginagapangan ako ng maraming gagamba.

Sa gitna ng madilim na silid, naka-upo ang lalaki sa isang itim at gula-gulanit ng silya. May mga lumang kagamitan sa paligid na may telang naka-tikip at dahil sa makapal na alikabok nangi-ngitim na ang kulay. Tuluyan ng kinain ng lupa ang mga kahoy na pinto ng malaking doorway nito.

Ang pinag-mumulan ng liwanag ay mula sa mga bintanang sira na rin ang mga pinto.

So dito nga sya naglulungga?

Matapos ilibot ang tingin ay napatuon ako sa lalaki. Napagtanto kong sa akin lamang sya nakatingin ng hindi man lang kumukurap na parang ako lamang ang tao rito. Wala syang pake sa prisensiya ng iba.

"Papatayin mo na ba ako Heather?"

Ngumisi ito kaya napa-irap naman ako. Akmang sasagutin ko na ang lalaki ngunit narinig ko ang tunog ng pagkalugmok sa aking likuran.

"Teeron!" Sigaw ko ng makita muli ang kalagayan  nya... "Oh God!" Lalapit na sana ako pero biglang itinutok sa akin ni Dallia ang hawak nyang matulis na patalim.

"Hayaan mo sya riyan!" May kinuha si Dallia sa bulsa at inabot sa akin... "Heto, ito ang gamitin mo para patayin sya."

Nagbaba ako ng tingin sa kaniyang palad, isang matulis na bagay ang hawak nya. Hindi makapani-walang nagtaas ako ng tingin muli...

"Nababaliw ka na talaga Dallia." Pigil emosyon kong wika. Wala na ang elegante at maamong Dallia na nakilala ko. Para syang asong ulol.

"Hindi! Alam kong may kakayahan kang tapusin ang buhay ang lalaking yan! Kaya patayin mo na sya at gamitin mo ito!" Gigil na gigil sya sa bawat salita. Hindi ko alam paano sya pakakalmahin pero wala na rin akong balak.

"Bakit hindi ikaw ang sumubok?" Panghahamon ko. "Malay mo kaya mo pala."

Nakita ko ang pag-iiba ng timpla ng mukha nya. Pinaghalong desperasyon at galit. Napansin ko rin ang lalong pag-higpit ng hawak nya sa patalim at alam kong nasugatan sya sa ginawa.

Nakita kong handa na syang sumugod.

"Tsk, sa kasamaang palad ayaw kong piraso ng isang bildo lang ang tatapos ng buhay ko."

The Man In Black ✔️Where stories live. Discover now