01. They Call Him Death

923 101 130
                                    

"Be careful with whom to trust, 'coz even salt looks like fucking sugar."

Chapter One:They Call Him Deathdedicated to Eanticerym

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Chapter One:
They Call Him Death
dedicated to Eanticerym

Luna's Point of View

"Usap-usapan ngayon ang tungkol sa lalaking nakaitim sa lumang tulay. Sabi nila, kaya niyang patayin ang kahit na sinong tao na gusto mong mawala kahit na walang suhol."

"Isang bagay lang ang kailangan mong gawin, mag-iwan ka ng sulat tungkol sa taong gusto mong mamatay sa lumang tulay. Ayon sa haka-haka, matatagpuan na lamang ang taong laman ng iyong sulat na wala ng buhay kinabukasan."

"Tinatawag syang kamatayan ng mga naniniwala sa kaniya. At sabi pa nila, nasa paligid lamang sya, nagmamatyag. Kaya—

"VINCE!"

Napatingin kaming lahat kay Dianna dahil sa gigil nyang pag-sigaw.

"Pwede ba? Wag ka ngang maniniwala sa mga ganyan! Gaya nga ng sinabi mo haka-haka lang yan. Marami lang talagang kriminal na umaaligid ngayon kaya marami ang namamatay." Dagdag nya pa matapos tadyakan ang upuan ni Vince.

"E paano naman yung ibang namatay na hindi ma-identify ang cause of death? May nangyaring gano'n!" Sabat ni Althea.

"Don't tell me yung man in black suit ang may gawa no'n? Feeling ko totoo talaga sya!" Wika naman ni Zeyni.

Napa-irap ako sa kawalan at umayos ako ng upo mula sa pagkakasusob sa desk.

"Ano ba naman kayo. maraming dahilan para mamatay ang isang tao. Kahit nga natutulog, may hindi na nagigising. Wag kayong masyadong maniniwala sa mga ganyan, epekto lang yan ng panahon at krisis."

Tumango-tango ang barkada ko maging ang mga kaklase kong nakikinig sa sinabi ko.

"Teka! Ayon kasi sa haka-haka ginawang confidential ang kaso para hindi makalikha ng widespread panic sa mga tao. Kaya pinalabas na—

"Tama na Vince! Nabaliw ka na, chismoso ka kasi. Tama si Luna kaya don't panic." si Zac at inakbayan ako. Agad ko namang winaksi ang braso nya at inirapan.

"Ang sabihin mo dumadamoves ka lang kay Luna! Sorry dre, pero masyadong maganda si Luna para sayo." Asar ni Blake na pabirong sinuntok ni Zac.

"Wala kasi si Kris ngayon kaya mainit ang ulo ng maganda nating President!" Bulalas ni Althea at nagtawan lang sila.

Napa-iling na lang ako tumayo.

"Oh? Sa'n ka pupunta?" Si Zeyni nang makita akong tumayo.

"Sa cr, nabubwiset ako sa pagmumukha ng kambal mo." Nilisan ko ang classroom at dinig ko pa ang tawanan at pag-boo nila kay Zac.

The Man In Black ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz