Together #14

195 23 2
                                    

Angel's POV.

"Huy!" Kaharap ko ngayon si Dennis na nasa tapat ng room namin.Hinahanap nya daw ako sabi ng classmate ko at nang lumapit ako sa kanya ay para syang naka kita ng multo at bigla nalang natulala.

"Huy ano ba? mag sasalita ka ba o papasok na ako sa loob."

"Angel ikaw ba yan?" Napapa ngiti pa syang tinuturo ang mukha ko.

"Hindi,ibang tao ako.Ako ang hinahanap mo diba?"

"Nakaka panibago,pero look...ang ganda mo bagay sayo yang new haircut mo..."

"Thanks...bakit mo ba ako hinahanap?"

"Sabay tayo mamayang lunch ah."

"Yun lang?"

"Oo,baka kasi maunahan ako ng iba eh."

"Oo na sige na..."

"Ayon..sige ah,punta na ako sa classroom ko."

"Ok." Matipid kung sagot sa kanya.Nakita ko ang mga estudyanteng dumadaan at nag bubulungan.Hangang ngayon siguro ay pinag uusapan parin nila yung nangyari.

Papasok na sana ako sa room ng makita kong papasok din si Edison.Napa hinto kami sandali at nagka tinginan.

Aaminin ko na,nawawala ang inis ko sa kanya pag tumititig sya sa akin ng ganito.Ang amo kasi ng mukha nya,pati yung mga mata nya napaka expressive.

Nararamdaman mo kung anong nararamdaman nya pag tinitigan mo sya sa mata nya.

Kaya siguro na fall din sa kanya si Angelica.

"Angel..mag usap tayo." Bigla nalang akong na himasmasan sa pagkaka titig ko sa kanya ng magsalita sya.Parang nakukunsensya naman ako sa pag iwas ko sa kanya at pag tataboy.

"Sa ibang araw na lang Ed."

"Please..."

"Sige,mamayang breaktime."

"Sa lunch?"

"Hindi... sabay kaming kakain ni Dennis mamayang lunch eh."

Pumasok na ako at upo sa upuan ko.Mayamaya ay tumabi narin sya.

"Si-sinagot mo na ba sya?"

"Hindi...hindi pa."

"So..may posibilidad na maging kayo?"

"Siguro...ewan ko."

Hindi ako tumitingin sa direksyon nya,nag hahalungkat lang ako sa bag ko,kahit wala naman talaga akong kukunin.

"Gusto mo sya?"

"Sino?"

"Si Dennis..."

"Hmm,ewan..pero he is nice to me,So maybe." Nagkibit balikat pa ako habang inilalabas ang notebook at pen ko. Ang manhid talaga! kailangan pang mag tanong obvious naman na sya ang gusto ko.

TogetherTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang