Together #8

155 16 2
                                    

Matapos ang klase agad akong sinalubong ni Dennis paglabas palang ng classroom.

Magkasabay din kami ni Ed sa paglabas kaya nagka tinginan muna sila.

"Angel,sa-sabay na tayong mag lunch." Bungad agad ni Dennis sa akin.

"Sige." Alam ko naman na hindi sasabay ng pag kain si Edison kaya pumayag na ako sa alok ni Dennis.Alam ko naman na way nya rin yun nang pag so-sorry.

"Tol,sabay tayong kakain diba?" Sabi ni Edison na nagpa kunot ng nuo ko.

Wala naman kasi syang sinabi na sasabay sya ngayon.

"Ed! Lunch tayo sa Rob." Sabay sulpot ni Angelica at ikinuyabit pa nya ang kanyang kamay sa braso ni Ed.

"Oh,may kasama ka naman mag lunch eh," sabi ko na lang sa kalmadong tono.Sa asta ni Angelica parang totoo yung naririnig ko about sa kanila.

Sa canteen...

"Ok ka lang? Kanina kapa tulala."

"Pasensya kana,iniisip ko lang,totoo kaya na sila na?"

"Dapat sinabi na nya sayo kung totoo diba?"

"Hindi ko alam,"

"Pasensya kana nga pala kanina,napaiyak kita."

"Sorry din,na pag initan kapa."

"Mukhang effective yung ginagawa ko."

"Ano yun?!"

"Pinag seselos ko yung bff mo sa tin,pero hindi ko intensyon na paiyakin ka ah."

"Tama na,hayaan na lang natin sila...di naman nakaka tulong.."

"Ok...kung yan ang gusto mo,pero ...Angel seryoso,pwede ba akong manligaw?"

"Ha?!" Halos mabilaukan ako sa sinabi nyang yun.

"Pwede bang manligaw?"

"Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba? Bakit manliligaw kapa?"

"Malay natin,mapagod ka kaka hintay na magustuhan ka rin nya more than a bestfriend diba,atleast alam mo na andito ako,nag hihintay."

"Seryoso kaba talaga?"

"Mukha ba akong nag bibiro?"

"Hi-hindi...bahala ka,pero hindi kita pinapaasa ah,ikaw ang may gusto nyan."

"Thank you."

Pagkatapos naming mag lunch ay nag paalam na sa akin si Dennis,may group project pa daw silang tatapusin.

Nag decide akong pumunta muna sa library.

Pero bago ko pa marating ang library ay may mga humarang na sa aking grupo ng mga babae. Ang Ilan sa kanila ay natatandaan ko ang mukha,dahil isa sila sa mga mean girls.

"Bakit? Anong kailangan nyo?"

"Sumama ka sa amin...." hinatak nung isang babae yung braso ko,tapos bigla silang pumwesto ng paikot para akong criminal na dinadala sa korte at sila yun mga pulis.Sa tantsa ko mga Lima sila.

Dinala nila ako sa bankanteng classroom,ang alam ko hindi na ito pinag-kaklasehan napaka init sa lugar na to,nasa likod na kasi at naka hiwalay sa ibang classroom.

"Bakit nyo ako dinala dito?!"

"Shhh,msyado kang maingay...may itatanong lang naman ako sayo." Umabante bigla ang babaeng mayka tangkaran at pinaka maiksing suot ng damit sa kanilang lahat.

"Ano yun?"

"Bakit kayo laging magkasama ni Dennis?at ni Edison ?"

"Duh! Bestfriend ko si Edison at friend ko si Dennis...so ano naman kung lagi kami magkasama?".

"Ok! You better leave them alone, gurl"

"And why?!"

"Ex ko si Dennis Montecillo at Boyfriend naman ng friend namin si Edison...kung ayaw mong masaktan,layuan mo sila!"

"Wow,natakot ako..."

"This is just a warning."  Tumaas ang isang kilay nya at tsaka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

Tapos sabay sabay silang nag alisan.

Akala naman nila masisindak nila ako.Duh! I'm angel Dale Katapang.

So totoo nga na sila na ng Angelica na yun,at di man Lang nya sinasabi sa akin!

Nang matapos ang breaktime,ay hindi ko na pinapansin si Edison,kahit kausapin nya ako ay gumagawa ako ng paraan para ma busy ako.

While Angelica still flirting with him kahit nasa classroom na.Panay din ang sulyap nya ng tingin sa akin. Gusto yata ng away nitong babaeng ito sa paraang ng pag tingin nya sa akin.

Wag nya lang talaga akong simulan...kahit gaano pa sya ka ganda at ka popular dito sa school,wala na akong Pakialam.

"Excuse me gurl."  Bigla na Lang akong hinarang ni Angelica sa may locker room,nag palit kasi kami ng pang P.E.

"Yes?" Kalmado Lang akong humarap sa kanya.Ngayon ay kami na lang dalawa ang naiwan sa loob.

"Pwedeng layuan mo na si Edison?!"

"Ilan pa ba kayong mag sasabi sa akin nyan?!"

"Alam kong alam mo na kami na,ayaw ko Lang naman ma tsismis ang boyfriend ko na two timer dahil lang sa pagdikit-dikit mo sa—"

"Bestfriend ko sya,natural mag didikit kami,tsaka wala ka pa sa buhay nya nag e-exists na ako-"

"Yes mag bestfriend kayo,pero hindi ka popular kaya hindi nila alam ang tungkol sa inyo. Kaya please leave him alone!"

Tsaka sya biglang umalis na parang ipo-ipo sa bilis ng paghakbang nya. Na paspas pa ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko na nasa gilid ng mukha ko.

Kaya ayaw ko sa kanya,masyadong maattitude. Hindi ko parin maintindihan kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Edison.

"Tol! Wait lang, partner pala kayo ni Angelica sa volleyball?"

"Ha?!" Literal na lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Edison.

Mag lalaro kasi kami ngayon ng valleyball para sa P.E hinati kami sa lima pero hindi ko alam na kasama ko si Angelica sa team, hindi sya binanggit kanina eh.

Pero nang sulyapan ko sya ay parang alam nya na magkasama kami sa team,tumaas lang ang kilay nya at ngumiti ng nakakaluko,sabay bawi ng tumingin si Ed. sa kanya.

Napapailing na lang ako.

"Ok girls,team work para maipanalo nyo ang team n'yo!" Sigaw ng teacher/coach namin na nasa dulo ng kabilang net. Pumwesto na kami ayun sa na pag diskusyuhan sa loob ng classroom kanina.

Si Angelica ang nag silbing Captain namin. Maya-maya ay ready na para mag serve ng bola si Captain A kuno sabi ng mga kasama ko sa kanya.

Bago nya pinalipad ang bola sa kabila ay kumindat muna sya kay Edison na naka upo lang sa bleacher. Tuwang tuwa naman ang mukong,may ibang nakakita sa ginawa nya na mga classmates namin,kaya naman tinukso sila ng mga ito.

Pumito na si Coach,hudyat para sa pag se-serve.
Maganda ang pasok ng bola,aaminin ko namang magaling sya dahil matagal na syang nag lalaro ng volleyball,high school pa Lang kami ay sya na ang representative ng school pag dating sa volleyball.

Bukod sa maganda at maputi,ay matangkad din sya.Matangkad din naman ako,hindi lang pansinin.

TogetherWhere stories live. Discover now