Together #5

187 19 1
                                    

"Tol aalis na ako ah,ginamit ko nga pala yung towel mo. Hindi ko kasi alam kung saan mo nilagay yung towel ko eh."

Pupungas pungas pa akong bumangon at nag kusot ng mata.

Pagka mulat ng mata ko ay nagulat ko sa nakita ko sa salamin.

"Ahhh!" Sh*t mukha ko pala yun! Para pala talaga akong bruha lalo na sa umaga.

"Bakit!?" Takang tanong ni Ed sa akin.

"Wala... bakit ang aga mo? Six palang...nine naman ang first Class natin ngayon ah."

"Mag papalit pa kasi ako ng damit sa bahay,tapos didiretso ako sa practice ni Angelica."

"Hay,Fine sige na alis na!" Padapa akong humiga muli sa kama. Ang aga aga ma babadtrip agad ako. Awear naman sya na noon pa hindi ko na gusto si Angelica,kasi naartihan ako,kaya di na bago sa kanya ang mga reaksyon ko when its come to her.

Maya maya pa ay bigla nya akong hinila,tapos binuhat na parang Teddybear lang !

"Ano ba Ed! Matutulog pa ako!"

"Maligo kana,sasamahan mo ako sa School."

"Ayaw ko malamig pa !"

Hindi nya ako pinakinggan ibinaba nya ako sa loob ng CR at ini-ON ang shower.

"Maaaaa!ang lamigggggg!" Umalingawngaw sa buong CR ang boses ko sa sobrang lakas.

"Hahahahaha! Hindi kana sanay maligo Tol!"

"Nakakainis ka... labas kana,maliligo na ako!"

Tinulak ko sya papalabas ng banyo.Sobrang kulit nya pag kami lang dalawa ang mag kasama, mas lalo pa syang kumulit ngayon.

"Bilisan mo hihintayin kita sa baba ah!" Sigaw nya sa labas ng pinto.

Hindi ako nag salita . Bahala ka dyan,ayaw ko pa ngang bumangon eh.

Tsaka isasama pa nya talaga ako? For What?! Para maging thirdwheel nila.

Pagka tapos ko ay uminom lang ako ng kape at kumain ng isang pirasong hot dog tsaka umalis.

"Go Angel!"

Ugh! Nag cheer pa talaga.

"Ang galing nyang mag laro nuh,alam mo sa tingin ko,konte nalang sasagutin na nya ako,na fefeel ko."

"Wow,talaga... congrats in advance!" Sabay irap ko sa kanya.

"Ang taray mo? may mens kaba?"

"Wala... sige na pupunta muna ako sa library,na iinip kasi ako dito."

"Teka lang! " pinigilan nya ako sa pagtayo sa kinauupuan namin sa may bench.

"Ano bang problema? Parang madalas kang badtrip ngayon ah... hindi ka naman ganyan,pag na babadtrip ka sandali lang,tapos ok kana...gusto mo ba ng ice cream?"

"Ed...." seryoso na syang naka tingin sa akin. Anong sasabihin ko? Masyado nga siguro akong pa obvious.

"Angel Dale! Nandito ka pala."

"Uy,Dennis!"

Buti nalang dumating si Dennis,ang perfect ng timing.

"Hinahanap talaga kita. May ipapakita lang ako sayo."

"Ta-talaga, Sige... sandali Lang Ed ah."

Hindi naman nag salita si Ed,tumango lang sya.

TogetherWhere stories live. Discover now