Together #7

177 22 5
                                    

After ng isang beses na pinaramdam sa aking kilig ng bestfriend ko eh,mag iisang linggo na kaming hindi nag sasabay sa pag pasok at pag uwi.

Kahit sa classroom parang hindi kami magkasama,dahil nasa cellphone nya lagi ang atensyon nya,dahil inaabangan nya ang pag message sa kanya ni Angelica pag wala ito sa classroom at nag pa-practice.

May mga naririnig akong tsismis na sila na,pero secret lang daw muna.Ewan ko kung totoo,ayaw kong tanungin si Ed.Gusto ko mag open sya sa akin,gaya ng dati.

Bigla akong naka ramdam ng lungkot ng  makita ko silang magkasama sa field,magka harap sila at parang may seryosong pinag uusapan.

Hindi na ako lumapit,ayaw kong maka istorbo sa moment ng bff ko.

Kaya nag desisyon na lang akong pumunta sa rooftop.

It's a cloudy day today.Parang nakiki simpatya ang langit,sa lungkot na nararamdaman ko.

Ang ngiti na nakita ko kay Ed kanina habang magka usap sila ni Angelica ay kakaiba,puno ng kilig at saya.

"Huy!"

"Ay palaka!"

Yung nag e-emote ka tapos may mang gugulat diba nakaka ireta!

"Ano ba Dennis!"

"Aba ang sungit mo ah.bakit?"

"Wala!tsk!"

"Hay,huhulaan ko,siguro nakita mo na naman mag kasama yung bestfriend mo tsaka si Angelica nuh? Nuh?!"

Ewan,ko bakit ba kapag na naririnig ko ang pangalan na yun,nagiging emosyonal ako,at nag self-pity. Yung lahat nalang ng bagay na meron sya ay wala ako...kaya siguro di ako makita ng bestfriend ko.

"Uy,nag seselos sya...hindi na nya kayang  itago."  Inaasar parin ako ni Dennis,kahit na dine-deadma ko na sya .

"Ano ba?! Sabing tama na nga eh! Oo na nag seselos na ako! Selos na selos ako! Ano?! Masaya kana!?"

TogetherWhere stories live. Discover now