Together #15

184 18 2
                                    

Angel's POV

Palabas na ako ng classroom para pumunta sa canteen,lunch break na kasi namin.

"Tol— I mean Angel.."

Tawag sakin ng nauutal ko pang bestfriend.

"Bakit?" Lumingon ako sa gawi nya,nasa pintuan na kasi ako habang sya ay nag aayos pa ng gamit nya.

"Sasabay na ako sainyong mag lunch..ok lang naman yun diba?"

"Oo naman..."

"Babe!"  As usual...kailangan sisingit talaga si Angelica sa usapan namin.

"What?" Seryosong tanong ni Ed. sa kanya.

"Can I go with you...I want to go with you.."

"Sasabay ako kay Angel and Dennis mag lunch."

"Ok."

"Ok ka lang Angelica? Pagkatapos ng mga nang yari,sasabay ka sa amin para kumain?"

"Gusto kong makasama si Edison...not you."

Mas lalo naman ako,ni makita ka nga ayaw ko eh. Nag timpi nalang ako,ayaw ko na ulit pumunta sa Office ng Dean.

Sa Canteen...

Sa lahat ng table sa side lang namin ang tahimik,walang nag sasalita.Katabi ko si Dennis habang nasa tapat ko naman si Edison at katabi nya naman si Angelica.

Matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Gusto mo—" Si Dennis.
"You want—" Si Edison.

Magkasamay pa si Dennis at Edison na nag aro sa akin ng pagkain.Kay Dennis ay orange Juice, ang kay Edison naman gulay.

Nagka tinginan pa silang dalawa. Nakita ko namang sumulyap lang ng tining si Angelica pero binawi din yun.

Hindi nya maitatago sa paningin ko ang saglitang pagtaas ng kilay nya.

"Ahmm..thank you guys,pero my food ako oh."

"Ok! I lost my appetite...dyan na kayo!"

Mabilis na umalis si Angelica sa table namin,pinag titinginan tuloy kami dahil sa ginawa nyang pag taas ng boses at pag dadabog.

"Kausapin mo yung girlfriend mo ah,ang attitude masyado." Sabi ko kay Edison na napapailing na lang.

"Nag usap na kami,pero hindi nya parin maintindihan."

"Kumain na lang tayo para maka alis na tayo dito,ginagawa tayong desert dito eh." Sabi naman ni Dennis.

Kaya nag patuloy nalang kami sa pagkain.Pagkatapos ay lumabas na rin kami,kahit saan kami pumunta ni Dennis ay sumasama si Edison na dati naman ay hindi,lagi silang magka dikit ng girlfriend nya.

Nasa may field kami ngayon,nanunuod sa mga estudyanteng nag pa-practice ng sports nila.

"Ahm Angel kukuha lang ako ng tubig ah." Tumango Lang ako. "Ikaw Bro,gusto mo ng tubig?" Alok nya kay Edison.

"Sige." Sagot naman ni Ed.

Kami nalang naiwan ni Edison sa field naka upo kami sa bermuda.

"Bakit hindi mo sinusuyo ang girlfriend mo?"

"Ha?"

"Hay,obviously nag tampo sya sayo kaniya,dapat sya yung inalok mo ng pagkain."

"Hindi na kasi kami katulad ng dati Angel."

"What do you mean?"

"Gusto ko ng maki pag break sa kanya... pero ayaw nya."

"Ba-bakit?"

"I want a normal life... pag sya ang kasama ko,kontrolado nya lahat ng galaw ko...ayaw nya na makitang nakikipag usap ako sa iba.. specially sayo."

"Sa akin? Bakit naman e alam naman nya na mag bestfriends tayo diba?"

"Ang sabi nya...nag se-selos sya sa tuwing makikita nya tayong magkasama,dahil masaya tayo at may sariling mundo...and I actually miss that..don't you?"

Sa lahat ng sinabi nya,hindi ko alam kung paano ako mag re-react dun.Sobrang seryoso nya habang nag sasalita at naka tingin sa mga mata ko.

Mag aassume..na ba ako?

"Na-na mimiss din,pero gusto mo naman yun diba?"

"Kung gusto ko yun...bakit nandito ako ngayon? Kahit na dapat kayo lang ni Dennis ang magkasama ngayon pero sumama parin ako... kasi gusto kita makasama ulit.. I miss you alam mo ba yun?!"

"Ed—"

"Alam ko naman na wala na akong halaga sayo ngayon,kahit sabihin mo sa akin ngayon na we are bestfriends... wala na Lang yun,salita na Lang yun na madaling sabihin."

"Hindi totoo yan Ed."

Tumayo sya at saglit  na pinag pagan ang kanyang pantalon at dahan dahang tumalikod sa akin.Humakbang sya papalayo.

Sa mga oras na yun naka ramdam ako nang takot.Takot na pag hinayaan ko syang makalayo pa,baka sya naman ang mag disesyong maka limot.

Tumayo ako at tinawag ko sya.

"Edison Manuel!"

Lumingon sya sa akin.Masakit para sakin na makitang malungkot sya at mas masakit na ako pala ang dahilan nun.

Walang pag dadalawang isip na lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.Matagal tagal na rin ang huling beses na niyakap ko sya.

"So-sorry bestfriend."  Sambit ko nang nasa bisig nya na ako.

"I'm sorry din... Sorry talaga Angel.." Paos nyang sabi habang na ka yuko sya sa balikat ko. Dinig ko ang pag garal-gal ng kanyang boses kaya agad akong bumitaw at tiningnan ko ang kanyang mga mata.

His about to cry... he removed his eyeglasses.

"Wag ka ngang umiyak...ok na bati na tayo."

"Natatakot ako na mawala ka sa akin ng tuluyan,kahit wala akong girlfriend ok lang,basta andyan ka lang sa tabi ko..masayang masaya na ako."

At hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko,na touched ako masyado sa speech nya.Tama sya,we don't need a boyfriend or girlfriend... we just need each other.

Pinunasan nya ng mga daliri nya ang luha kong pumatak sa pisngi ko.

"Sabi mo sa akin don't cry... mas na una kapang umiyak sa akin eh."

"Kasi naman eh... ang drama mo eh."

Nag yakapan ulit kami..Muntik ko ng makalimutan na nasa field kami at siguradong marami na naman matang nakatingin .

Dennis's POV.

Nakita ko silang nag yakapan,malayo palang ako pero ramdam ko dito kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Kahit di nila aminin sa isa't isa alam ko...they love each other higit pa sa mag bestfriends.

"I'm too late." Sambit ko sa kawalan habang naka tingin sa kanila.

"You are not late.. you are just slow."  Narinig kong bumulong sa tabi ko,agad kong nilingon yun,si Angelica?! Kanina parin ba sya dito?

TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon