Together #13

198 26 4
                                    

Pagkatapos ng klase agad na lumabas si Angel ng classroom at naka abang na agad sa kanya si Dennis,nakakainis! Paano ko sya kakausapin kung palaging naka buntot sa kanya yun.

Sa bahay nalang nila siguro mamaya pupuntahan ko na lang sya.

"Babe,kausapin mo naman ako."

Bigla namang sumulpot sa unahan ko si Angelica na parang iiyak dahil sa garal-gal nyang boses.

"Gusto mong kausapin kita?"

"Oo please!"

",say sorry to her at kakausapin kita."

"What?! No! Hindi ako ang may kasalanan bakit ako mag sosorry?"

"Ok..." nagkibit balikat lang ako tsaka tumaligod as kanya.

Ayaw nyang mag sorry,e di hindi ko din sya kakausapin.Ang importante sa kin ngayon eh mapatawad ako ni Angel.

Angel's POV.

"Tol! Parang awa mo na kausapin mo na ako!"

Sigaw ni Edison sa labas ng bahay namin. Dinig na dinig ko ang boses nya dito sa loob ng kwarto ko.

Bumaba ako para buksan ang pinto.Kanina pa kasi sya nag nganga ngawa sa labas.

"Ang ingay mo! "

"Tol please patawarin mo na ako,hindi ko talaga alam kung paano na punta kay Angelica yung picture na yun..."

Tinitingnan ko lang sya.

"Please sorry na..."

"Umuwi kana,wala ako sa mood maki pag usap sayo ah."

Isinara ko ang pinto at nang pag harap ko ay naka tingin sa akin si Mama at tito Roi na halatang nag tataka sa nang yayari.

"Anong problema anak?"

"Wala po ma.."

Umakyat na agad ako sa kwarto at nag kulong ako doon hanggang sa umalis na si Edison.

Tagal nya din na naka tayo sa harap ng bahay namin. Naiinis ako sa kanya.Naging katatawanan
tuloy ako sa buong campus.

Tumayo ako sa harapan ng malaking salamin.

Nakita ko ang itsura ko at tinitigan ko ang mukha ko ng mabuti.

Para akong baliw,tumutulo pa ang luha ko habang gulo-gulo ang buhok na naka tali.

Inalis ko ang ipit ko kinuha ko ang suklay sa ibabaw ng study table.

Dahan dahan kong sinuklay ang buhok ko.

Mahaba na pala sya at dry na dry.

Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at nag search ako sa YouTube kung paano mapapaganda ang dry na buhok.

Ang sabi doon kailangan kong putulin ang dulo ng buhok ko na dry.

Pagka tapos ko naman daw mag shampoo ay mag conditioner ako twice a week para maging malambot at mag shine ang buhok.

Naging interisado ako.Kaya ginawa ko ang nakita ko sa YouTube.

Dahil manipis naman ang buhok ko ay ako na ang nag gupit. Naligo ako at nag shampoo humingi ako kay mama ng conditioner,binigyan nya naman ako.

Ginaya ko ang ginagawa sa YouTube,bino-blower nya ang buhok nya pagka tapos maligo,kaya yun din ang ginawa ko.

Nang hiram ako kay mama ng blower.Naka ngiti pa si mama ng iabot sa akin ang blower.

TogetherOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz