Together #6

159 17 3
                                    

"Ano yan?! Sino yan!"

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

"Ano yan?! Sino yan!"

Nagulat ako ng ipakita sa akin ni Dennis ang cellphone nya. Nakita ko kasi ang picture ko.Akala ko naman ay titigilan nya na ako sa gusto nyang mangyari,hindi pa pala.

"Kumuha ako ng picture mo sa Fb,nag try akong i-filter,tingnan mo,ang ganda mag lipstick ka lang at mag blush on..ikaw na ikaw na to."

"Sira ka! Burahin mo na yan!"

"Hi Dennis "

Biglang may babaeng nag pacute sa harapan nya.

"Hello." Binati nya lang yung babae tsaka bumalik ulit sa cellphone nya ang kanyang atensyon.

Sa palagay ko ay isa lang yun sa mga nag kaka gusto sa kanyang mga junior students.

"Akin na ako ang mag bubura! Stalker ka pala eh." pilit kong kinukuha yung cellphone nya pero hinaharangan nya ang kamay ko.

Nasa hallway kami ngayon.

"Ehem!"

Napatigil kami ni Dennis sa pag kukulitan ng biglang may tumigil sa harapan namin, at naka Pamulsa pa ito.

Paitaas ko syang tiningnan,kaya nagulat ako ng makilala ko kung sino yung taong nasa harapan namin.

"Ed?!.."

"Tara na sa loob ng classroom."

"Wala pa si prof..."

"May exam tayo,hindi kaba mag rereview?"

"Oo nga pala,Dennis pasok na ako...tara na Ed."

"Sige Angel,ipapasa ko nalang sayo itong picture mo." Malawak parin ang ngiti ni Dennis na naka tingin sa picture ko. Pasaway din.

"Sira burahin mo na yan!"

Sa loob ng classroom..habang nag re-review.

"Ano yung picture na sinasabi ni Dennis?"

"Huh?" Medyo parang nabingi pa ako noon,hindi ko kasi expected na tatanungin nya yun.

"Tol,nabibingi ka na naman eh,ano nga yung tungkol sa picture?!"  Kita ko ang inis sa mukha nya.Napakamot pa sya sa kanyang ulo.

"Yung picture ko yun,naka upload sa fb kinuha nya tapos ifinilter nya."

"Bakit nya ginawa yun?"

"Kasi nga gusto nya mag ayos daw ako..."

"Bakit?!"

Sa sandaling iyon,nag ka titigan kami ni Edison. Seryoso syang nag hihintay ng sagot ko.

Hindi ko naman alam kung anong pwedeng idahilan.Muntik ko ng masabi na,*gusto ni Dennis na mag ayos ako,para ma notice mo ako.*

"Wa-wala lang,gusto nya lang..."

"Nakaka tawa..."

"Anong nakaka tawa? Mukha namang Seryoso ka?"

"Hindi pa kayo lubusang magkakilala,tapos gusto ka na nyang baguhin? Ako nga na bestfriend mo,hindi kita binabago...I like the way you are..tsk!"

Parang gusto kong mag wala sa kinauupuan ko ngayon sa sobrang kilig.

"Nanliligaw ba yun sayo?" Dagdag pa nyang tanong,hindi ko na tuloy napigilan na hindi ngumiti.

"Hi-hindi ah..." tinakip ko yung notebook na sinusulatan ko kanina sa may tapat ng labi mo.

"O bakit ngumingiti ka? Totoo nuh?! Naku Angel Dale sinasabi ko sayo isusumbong kita kay tita Lou. May usapan kayo na wala munang boyfriend hangga't di nakaka graduate ng college!"

"Hindi nga,ang kulit mo."

"Good.Sabihin mo sa kanya,dadaan muna sya sa akin bago ka nya maligawan...Ok?!"

Tumango-tango lang ako,habang pigil-pigil ko ang sarili ko na huwag ngumiti.

Mayamaya pa ay tumating na ang prof. namin,at nag simula na ang una naming klase ng umagang yun.

Unang beses kong makita ang reaksyong yun ni Edison,first time nya kasi akong makitang sumama sa iba.

Kahit noon pa,kami lang talaga ang magkasama,laging magka dikit. Para nga kaming wala sa earth eh,yung may sariling mundo.

Masarap sa feeling,kahit alam kong wala naman yung meaning,it's just for bestfriend thing.

Sana may maisagot ako sa exam namin mamaya.

TogetherKde žijí příběhy. Začni objevovat