"Ang ganda mo Veraaaaa" magiliw na sabi ni Allica at Afira. Napangiti naman ako. Nakagown din ang dalawa. Kulay dilaw kay Afira may korona na bulaklak. Si Allica naman ay kulay Abo at suot nya ang korona nya. Umupo ako sa gitna ni Afira at Allica.

"Maganda rin kayo." saad ko humagikhik naman ang dalawa. Napatingin ako sa harapan ko. Si Hyro ang nakaupo sa harap. Nakatingin ito saakin. Nakaasul ito na pang prinsipe at may korona. Napakakisig nito. Umiwas ako at tumingin napatingin kay Lucy nakaputi ito. At hindi bagay sa itim nyang aura.

"Hail to the King and queen." Napatayo naman kami. Yumuko kami ng pumasok ang hari at reyna.

"Have a sit everyone." Umupo naman kami.

"Kinagagalak ko kayong makita ulit mga prinsipe at prinsesa." Ani ng hari napatingin ito kay Lucy.

"You must be Princess Lucy of Lioht Palace. It's my pleasure to met you princess." ngumiti si Lucy. Napatingin saakin ang reyna.

"lady Vera. Congratulation for the Ranking test ikaw ang pinakamataas sa lahat." Nakangiting bati nito pati ang hari ay binati ako.

"Thank you my Majesties." sagot ko. Lalo itong ngumiti.

"Sige kumain na kayo. At alam kong hindi biro ang haharapin nyo." Ani ng hari. Nagsimulang kumain ang lahat.

"Vera hija." napatingin naman ako sa hari.

"Yes my king?" tanong ko. Ngumiti ito.

"May nobyo kana ba?" halos mabilaukan ako sa tanong nito. Napatigil rin sila Afira sa pagkain.

"W-wala po, my king." sagot ko. Lalo itong napangiti.

"My son is free too---" nahinto ang sasabihin ng hari ng sumabat si Erfie.

"My king, I like someone else and Vera doesn't like me either. May iba din s'yang gusto." Sabi ni Erfie na parang sigurado.

"It's that true Vera?" Ang reyna na ang nagtanong.

"Y-yes my queen." sagot ko at hindi ko alam kung bakit ko sinagot.

"He's lucky. Prince Erfie who's the girl you like?" tanong ng hari.

"It's Allica Forre my king." Sagot nito. Napatingin kaming lahat kay Allica namumula ito. Hawak ni Erfie ang kamay nya.

"Kayo na ba?" tanong ni Queen na nakangiti. Umiling si Erfie.

"Hindi pa my Queen pero malapit na." Lalong namula si Allica. Napuno ng asaran ang buong hapunan. Hanggang nagpahinga na kaming lahat.

Maaga akong nagising. Binigyan nanaman ako ni Ferra ng magarbong damit. Kulay puti ito. Wala akong nagawa kundi suotin ito. Pagbaba ko para sa agahan. Andoon na sila pwera kay Erfie. Wala rin ang hari at reyna ang alam ko nanalangin ang mga ito sa isang silid.

"Asan si Erfie?" tanong ko kay Hyro.

"Nasa gubat s'ya. Kailangan nyang makausap ang Deus ng Erthe." Sagot nito .

"Nakausap mo na ba ang Deus ng Hydōr?" Tanong ko. Tumango ito.

"Pero bata pa ako noon." Sagot nya. Napabuntong hininga ako. Naway pagbigyan si Erfie ng Deus ng Erthe. Sana makuha n'ya ang legendary weapon na bowé ab arwe (bow and arrow). Pagkatapos kumain nagpunta ako sa silid ko at umupo sa kama. Nangmabagot ako ay pumunta ako sa malaking bintana ng kwarto ko at doon ay naupo ako sa Veranda at pumikit. Maya maya naramdaman ko ang magaan na pwersang humihila saakin.

Pagmulat ko nasa isang lugar ako na puro hayop. Ginto ang paligid.

"Vera." napatingala ako. Isang babaeng berde ang mata at buhok. May kapa itong balat ng leon at kulay brown ang damit. May korona itong parang baging sa ulo.

"Sino ka?" tanong ko. Ngumiti ito.

"Ako si Ertherin ang Dyos ng Erthe." Agad akong payuko.

"Hindi mo kailangang tumungo." Ani nito.

"Bakit ako nandito?" tanong ko. Bumaba ito sa trono at lumapit saakin. Kinuha nya ang kamay ko.

"Nakakamangha. Kauna unahang nagyari ang ganitong bagay sa pgkalipas ng mga siglo." Ani nito. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.

"Magpakatatag ka Vera, Madami pang mangyayari. Sayo kami umaasa." Biglang nagliwanag pagkatapos ng sabihin iyon. Tila may humihila saakin.

Erfie Kyer Collins

Nakaupo ako sa lupa. Huminga ako ng malalim. I need to be success in this task. I need to talk to her. The Gōd of Erthe. Deus Ertherin. Babae ito. Una ko itong nakausap ay bata palang ako. Pumikit ako at pinakiramdaman ang hangin. Dininig ang sayaw ng mga halaman at puno. Pati ang mga huni ng ibon. Unti unti ko naramdaman ang paglutang ko hanggang naramdaman ko ang paghila saakin kung saan.

Pagmulat ko nasa isa na akong tuktok ng bundok kung saan kitang kita ang berdeng kagubatan.

"Erfie." Napalingon ako. Nakita ko ang isang babaeng may berdeng buhok at mata. Kulay brown ang damit nito na sayad sa lupa at balat ng leon ang kapa nya. May korona ito na parang baging sa ulo. Yumuko ako.

"Deus Ertherin." tawag ko dito.

"Tumingin ka sa baba Erfie." Sinunod ko ito.

"Anong mararamdaman mo sa nakikita mo?" tanong nito.

"Nakapapayapa." sagot ko.

"Tama ka Erfie. Pero pagnanalo ang kalaban. Mawawala lahat ng iniingatan mo." Biglang nawala ang berdeng kagubatan naging itim ito. Nagbago ang paligid napunta kami sa isang lugar na maraming hayop umupo si Deus Erthrin sa kanyang trono.

"Erfie hindi na kita susubukin. Pero pagmali ang pinanigan mo at nyo. Babawiin ko ang sandatang sa dugo ko mismo hinubog. Hindi mo ito pwedeng gamitin sa kasamaan." Ani nito. Biglang nagliwanag ang harapan ko sa isang iglap hawak ko na ang sandata nya ang pana at palaso.

"Lagi mong itatak sa isip mo. Pagnapatay nila ang nakatakdang magligtas sainyo ay mawawalan nang silbi ang sandatang yan. Binabasbasan kita Erfie sa ngalan ng kagubatan. Bilang isa sa mga elemental guardian." Ani nito. Biglang nagliwanag ang paligid napapikit ako sa silaw.

Sa pagmulat ko nasa gubat na ako. Napatingin ako sa paligid. Ang daming hayop. Pinaliligiran nila ako. Napatingin ako sa harapan ko isang leon. Tinanguan ako nito. Kaya napangiti ako. Napatingin ako sa hawak ko ang sandatang gawa mismo ng Diyos ng Erthe. Bigla itong nagliwanag sa isang iglap naglaho ito. Pero napangiti ako lalo ng makita ang marka sa parehong pulso ko. Sa kanang ay pana. Sa kaliwa ay palaso. Handa na ako para sa digmaan. Kailangan kong protektahan ang seed ng Lioht at si Lucy yun.

"We will win this war for the Erthe, for magique woruld (world) and for her, for Allica." bulong ko sa hangin.

TWISTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora