"FRANCISSSSSSSSSS YOU'RE SO HANDSOME."

"KYAAAAAAAAAH LOKIIIIIII WHY SO HOOOOOOOOOOT." Katulad na katulad sila sa mga kapwa ko estudyante sa Akademus pagdumadaan ang mga royalties. Napailing ako. Mga magagandang lalaki ang mga hinahangaan nila. Pero kita sa aura nila na may pinagtataguan sila. Pinagtataguan nila ang kamatayan. Tumalikod na ako dahil hindi sila ang pakay ko sa mundong ito.

Napunta ako sa kanilang Cafetière. Kung tutuusin katulad lang ito ng sa Akademus. Napatingin ako sa mga pagkain. Napatingin ako sa kulay brown na parang tinapay ay may kung ano sa ibabaw. Inamoy ko ito. Ang tamis ng amoy. Parang nagligalig ang t'yan ko sa tamis. Mabilis akong naghanap ng pagtataguan. Hinubad ko ang bras ko. Mabilis akong bumalik sa pwesto ng pagkain na iyon. Nakita kong napatingin sa akin ang mga estudyante sa loob pero hindi ko ito pinansin.

"Miss what do you want?" Tanong ng babae. Tinuro ko ang gusto ko.

"Chocolate cake. It's 150 per slice." Ano nito. 150? ano iyon? hindi ba ginto ang bayaran nila sa mundong ito?. Binunot ko ang ginto kaso bago ko pa maibigay may nagsalita sa likod ko.

"Give me two chocolate Cakes" Saad ng lalaki.

"Anong gusto mong drink?" Tanong nito saakin.

"Kahit ano sagot ko?" Tumawa ito. Saka humarap sa babae.

"And two chocolate shakes. Kindly add 1 bottle of water." Sabi nya. May binigay syang parang blue na maliit na papel. Nakita kong inilagay ito ng babae sa isang bagay at tumunog. Kinuha ng lalaki ang mga pagkain.

"Let's go." Sumunod ako sa kanya. Umupo kami sa gitna medyo gitna. Umupo agad ako. Hindi naman ito malalaman nila Hyro kaya ayos lang. Inabot nya saakin ang cake na sinasabi nila.

"I'm Preo Sionis are you new here?" Tanong n'ya. Kakaiba ang pangalan nya. Pamilyar ito saakin ang mukha nito saakin lalo na ang mga mata nya.

"I'm Vera. No. May hinahanap lang ako." saad ko. Bigla itong tumawa. Lumabas ng biloy sa pisngi nya. Kulay emerald ang mga mata nya.

"You're gatecrasher." Saad nya. Hindi ko man maintindihan hindi nalang pinansin. Kinain ko nalang ang cakes na sinasabi nila. Nanlaki ang mata ko.

"A-ng sarap." Sabi ko. Kita ko ang pagngiti ni Preo.

"Good you liked it. Go eat. Kukuha pa tayo paggusto mo pa." Mabilis akong tumango. Kinuha ko sa bulsa ang ginto at inabot sa kanya.

"Kapalit ng mga kinakain ko. Accept it." Kinuha naman nya.

"I-if you want." Saad nya binulsa nya ang ginto. Normal lang ang aura nya. Kumain lang ako ng kumain. Hindi ko alam kung ilang oras na kami nakain at nag uusap. Mabait ito. Nakailang plato na ako ng cakes nalasahan ko lahat ng uri ng cakes na meron sila.

"VERA!" napalingon ako sa sumigaw si Hyro. Masama ang tingin nito saakin. Kasama n'ya lahat. Lumapit sila sa pwesto namin.

"We are looking for you for almost an hour." Saad ni Allica. Napatayo tuloy ako at napatingin kay Preo.

"Don't scold her guys. We're just eating here." Malamig ang boses nito. Iba sa Preo na kausap ko kanina. Hinigit ako ni Hyro sa tabi nya. Masakit ang hawak nya. Tumalikod na kami kay Preo. Hindi na ako nakalingon dahil ang bilis maglakad ni Hyro. Pero napalingon ng sumigaw si Preo.

"VERA SEE YOU AGAIN. NICE MEETING YOU. Be safe my Lord." Hindi ko na narinig ang huli nyang s
litanya pero alam kong may binulong ito.

Higit - higit ako parin ako ni Hyro hanggang makarating kami sa sasakyan. Tahimik ang lahat. Itinulak ako ni Hyro papasok. Gusto kong magreklamo dahil tumama ako sa may salamin ng bintana. Pero minabuti ko nalang na hindi pansinin. Galit ito at ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan ko.

TWISTWhere stories live. Discover now