"AAAAAAHHHHH" lalo silang humiyaw. Nababalot sila ng itim na apoy. Hanggang sa maging abo sila. Napaluhod ako sa lupa.

"VERA!" pagod akong napatingin sa likuran ko andun sila Hyro andun silang lahat. Lumapit sila saakin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Hyro inalalayan akong tumayo nito.

"D-deorc users. Sumulpot sila bigla." saad ko. Napatingin sila sa abo na nasa harapan.

"Napatay mo sila." Ani ni Allica. Tumango ako. Biglang bumigay ang mga tuhod ko. Napapikit ako.

"VERA!" tuluyang dumilim ang paningin ko.

Pagmulat ko nasa harapan ko si Akira. Matagal kaming hindi nagkita.

"Akira" tawag ko dito. Sinenyasan nya akong lumapit. Lumapit naman ako. Niyakap ako nito.

"Vera, kung ano man ang matutuklasan mo. Lagi mong pagkatandaan. Ang importante ay ito." Tinuro nya ang dibdib ko sentro sa puso ko.

"Malapit mo ng matuklasan lahat." Ani nito.

"Hindi importante ang hawak mong uri na mahika ang important lagi ang nilalaman nito." Turo ulit sa may puso ko. May inilabas itong kulay pulang usok.

"Ayoko kita mahirapan Vera, Lulunasan ko ang sakit na nararamdam mo sa puso mo." Nilapat nya ang pulang usok sa dibdib ko. Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Napapikit ako sa sensasyon na nararamdaman ko.

"Maging masaya ka Vera, ayun ang importante kung saan ka masaya." Bago pa ako makasagot tuluyan akong nagising.

Pagmulat ko nasa kwarto na ako. Tinignan ko ang suot ko ganun parin. Mabilis akong bumangon at lumabas paglabas ko andun sila lahat.

"Gising na s'ya." Napatingin sila saakin. Napatingin ako kay Hyro. Pinakiramdaman ko ang pitik na lagi kong nararamdaman wala na.

"Tulog ba ako ng ilang araw?" tanong ko.

"Hindi Vera. 2 hours lang tinulog mo." Sagot ni Afira. Napangiti naman ako. Nag-aya silang kumain sa labas. Sasama na daw ako sa paghahanap at hindi pwedeng maiwan dahil baka may sumugod nanaman. Huminto kami sa isang pulang gusali. Maraming tao. Sa harapan nito ay hindi ko mawari kung tao o bubuyog.

"Jollibee ang tawag sa lugar na ito babe." Saad ni Varon.

"Jollibee?" ako na nawiwirduhan sa lugar.

"Oo jollibee. Bida ang saya." Bigla singit ni Hyro sa gitna namin ni Varon at hinigit ako papasok. Sa pagpasok namin napatingin ang iba. Ang sasang-sang ng mga tao. Ang daming makasalanan.

"Ayos kalang?" tanong ni Hyro na nasa tabi ko. Biglang may pumitik sa dibdib ko pero hindi masakit. Kasabay sa pagbilis ng dibdib ko.

"O-o ayos lang ako." sagot ko. Umupo kami sa medyo gilid. Dahil madami kami tatlong lamesa ang pinagdikit. Ang mga lalaki ang umorder. Si Allica ay mag CCR daw. Ngayon ko napagtanto may mga bagay na magkapareho ang magique at mortal world.

"Vera." napalingon ako kay Afira.

"Makikita na natin ang prinsesa nararamdaman ko." Ani nya. Biglang nabalik ang isip ko tungkol sa seeds.

"Afira, ano bang ibig sabihin ng mga seeds na sinasabi n'yo?" tanong ko.

"Seeds. Ang tawag sa dalawang nakatakdang mamuno sa dalawang magkaibang panig." Napalingon ako sa sumagot si Allica.

"Isang seed para sa masama at isang seed para sa mabuti." saad ni Afira. Naalala ko ang sinabi ng isa sa mga mapatay kong Deorc. Tinawag nya akong seed. Isa ba ako sa seed na nakatakdang mamuno? pero saang panig? Deorc user ako (Dark) sa masama ba?. Napailing ako.

"Ayos kalang Vera? namumutla ka?" tanong ni Allica. Tumango nalang ako. Dumating sila Dustin dala ang mga tray ng pagkain. Nilapag ni Hyro ang isang kulay golden brown na pagkain saakin at kanin. Kilala ko ang kanin dahil meron ito sa mundo namin. May brown din sa maliit na cup.

"Chicken Joy ang tawag dito." turo ni Hyro sa kulay brown. Tumango ako. Tinuro nya ang Brown na nasa cup light brown ito.

"Ito cravy. Sauce yan." Tumango ulit ako. Narinig ko ang impit na tawa ni Erfie.

"Parang bata si Vera. Ang cute cute inosente." Biglang napatingin si Hyro kay Erfie. Biglang namutla si Erfie.

"Sinong cute? si Allica lang cute dito. Si Vera? nakuuu mukhang gobelin (Goblin) yan e." Kita ko ang pamumula ni Allica. Sino daw mukhang Gobelin? ako?. Narinig ko ang mga tawa nila William. Tinignan ko ng masama si Erfie.

"Sinong mukhang gobelin Erfie?" tanong ko kita ko ang paglunok nito. Sinabi nya bang pangit ako?

King Lucian Freed

"Hail to Deorc King!"

"Long live king lucian."

Ngumiti ako sa mga nasasakupan ko. Tinignan ko ang pulang buwan sa itaas ng impyerno. Malapit na. Titiyakin kong makikita ng lahat ng magique luluhod saakin.

"Mahal na hari. Hindi pa po bumabalik sila Vivor at Ezer." isa sa mga tauhan ko. Pinahanap ko ang seed sa dalawa.

"Mukhang hindi na sila makakabalik ama." Napalingon ako sa napakaganda kong anak.

"Siguro nga Mahal kong prinsesa." ngumiti ito. Ngiting napakatamis. Napakainosente ng mukha nito  Ang gintong mata at buhok na sumasalamin sa kapangyarihang taglay nito.

"Anak, oras na para bumalik ka sa pinanggalingan mo." Saad ko. Ngumiti ito.

"Oo, ama. Babalik muna ako doon. At titiyakin ko ako mismong papatay sa seed na yun. Tayo ang mamumuno sa mundo ng mahika." May ngisi sa labing saad n'ya. Niyakap ko ito hinaplos ang mahaba nyang buhok.

"Galingan mo Luciana anak." bulong ko. At sa isang iglap naglaho ito sa hangin. Napangisi ako. Nalalasap ko na ang tagumpay. Konting panahon nalang.

"Kung saakin kalamang kumampi Vira at pinatay mo ang anak nating dalawa. Sana buhay kapa at ang ampon mo." bulong ko sa hangin at sa pagpitik ko sa hangin. Napunta ako sa aking silid. Kung saan nakakadena ang kaluluwa ng minamahal kong Vira.

"Pakawalan mo ko lucian. Hayop ka" Asik nito. Masama ang tingin nya saakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Malapit na mahal ko. Malapit ko ng wakasan ang anak natin dalawa ang seed na tutulong sa kalaban." Kita ko ang luhang lumalandas sa mga mata n'ya.

"Tigilan mo na Lucian. Anak mo si Vera. Wag mo syang paslangin." Asik nito ulit. Umiling ako.

"Wala akong anak na mismong nakatakdang talunin ako. Si Luciana lamang ang anak ko. Si  Luciana lang." Ani ko.

"Hayop ka! Anak nila King Xenon at Reyna Kendra si Luciana! Ninakaw mo sya." Hiyaw nito.

"Dahil ayun ang nakatakdang mangyari Vira." Bulong ko sa kanya. Bago pa ito makasagot ay naglaho na ako sa harap nya. Sisiguraduhin kong ako naman ang magtatagumpay sa laban na'to.

"Tapos na ang paghahari ng liwanag."

TWISTजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें