"I-ina! V-ena." Niyakap ko sila at humagulhol. Hinawakan ko ang kamay nila at pumikit.

"Mirour ab deeth" Bulong ko. Unti unting nilamon ako ng dilim. (mirror of death)

Nakita ko ang sarili kong nagpaalam sa kanila. Sa pag alis ko. Nagpatuloy sila sa ginagawa nila. Pero natigil sila ng may biglang lumitaw. Tatlong tao. Nakacloak ang mga ito.

"Sino kayo?" asik ni mama. Itinago nya sa kayang likuran. Ibinaba ng tatlo ang ang hood ng cloak nila. Isang babae at dalawang lalaki. Ang dalawang lalaki ay may tatak sa noo na araw. Ang babae ay may ginto na buhok. Napakaganda nito. May ginto itong mata. Ang dalawang lalaki ay may itim na bulaklak. Ang babae ay may puting bulaklak sa loob. A lioht (light) User. May mga ngisi ito sa labi.

"Where's the seed?" tanong ng babae. Nakita kong namutla si Mama.

"A-anong seed?." tanong ni ina. Nagtawanan ang tatlo. Lumapit ang mga ito kay Mama. Pero naglabas ng itim na mahika si mama. Pero sa pagpitik ng babae nawala ang mahika ni mama. Napasinghap si Mama. Nabakas sa mukha nya ang takot.

"Sino ka?" tanong ni mama. Ngumisi lalo ang babae.

"Alam kong alam mo na."

"T-totoo nga" Ani ni Mama. Biglang nagbago ang kulay ng mata ng babae naging pula. Maya-maya napaluhod si mama at si Vena. Nagsimulang magdugo ang tenga, ilong nila. Hanggang sa nawalan sila ng buhay.

Nabalik ako sa katotohanan. Natulala ako sa katotohanang wala na sila. Wala na ang pamilya ko. Bigla kong naalala ang sinabi ni Akira. Lahat ng mangyayari ay nakatakda. Nakatakda din bang mawala ang pamilya ko?.

"Anong seed ang hinahanap nila?" bulong ko. Natulala ako. Pilit kong hinahanap ang mga kaluluwa nila.

"Hija" Napalingon ako sa tumawag saakin. Patuloy parin ang luha ko.

"S-sino k-kayo?" tanong ko. Walo sila. Tatlo na Elementals. Dalawang lioht Users. Dalawang seer. Nalaman ko ito dahil sa mga bulaklak na nasa dibdib nila. Ang bulaklak ay nagsisilbing puso ng bawat nilalang sa mundong ito.

"Mula kami sa Akademus De Magique. Pinadala kami dito dahil naramdaman namin na ang malakas na pwersa." Ani ng isang seer. Kulay dilaw ang bulaklak nito ngunit Isang petal nalang. Ibig sabihin malapit na itong mamatay.  Ito ata ang pinakamatanda sa lahat.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ng isang lalaking may elemental na apoy ang elemento nito. Kitang kita sa bulaklak na nagliliyab sa kanyang loob. Kulay Topaz ang mata nito at may pulang buhok.

"Naabutan ko silang wala ng buhay." Ani ko. Akmang lalapit ang babaeng may elemento ng hangin. Puti ang buhok nito at abo ang mata. Ang bulaklak nya ay gawa sa hangin. Agad ko itong tinitigan. Bigla itong napaluhod at nahihirapang huminga.

"Allica  anong nangyari sayo?" natatarantang sabi ng lalaking may elemento ng tubig.

"Umalis na kayo" malamig na turan ko.

"Ikaw ba ang may gawa nyan?" tanong ng may elemento ng apoy. Mas lalong naghirap ang kaibigan nila.  Napahiga na ito sa sahig. Nagsimula ng dumugo ang ilong nito.

"Hija kumalma ka. Huwag mong saktan ang prinsesa  ng aēra kingdom." Ani ng isang seer. Wala akong pakialam kung prinsesa ito. Sinamaan ko ito ng tingin. Punong-puno ng galit amg loob ko.

"Paano ako kakalma wala na ang pamilya ko nanggugulo pa kayo." Hiyaw ko. Napaatras ang mga ito sa takot.

"Hindi kami manggugulo. Pinuntahan lang namin ang lugar dahil sa pwersa." Paliwanag nito. Itinigil ko ang ginawa ko sa Allica na tinawag nila.

"Umalis na kayo." Ani ko.

"Sumama ka samin." Sabi ng may elemento ng tubig. May asul itong mata at asul na buhok. Tinignan ko ito.

"At bakit ako sasama?" tanong ko. Pero ngumiti lang ito saakin. Biglang naging parang tubig ang mga ito. Tinitigan ko lang ito. Napaatras naman ito.

"B-bakit hindi tumatalab sayo?" takang tanong nito. Umiling ako.

"Sinasayang nyo lang ang oras nyo. Umalis na kayo." Ani ko. Nagtinginan sila na para bang nag uusap. Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Nakita kong tinignan nila ako. Tinignan ko silang lahat.

"Leave my house. Before I kill you all" malamig na turan ko. Pero hindi kumilos ang mga ito. Nagulat ako ng bigla ng biglang may ugat na pumulupot sa paa't kamay ko. May lumitaw mula sa lupa na isang lalaking may berdeng buhok at mata. Berde rin ang bulaklak nito. Elemento ng lupa.. Nagpupumiglas ako. Pero masyadong mahigpit. Hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko. Bawal nilang makita iyon.

"Tagal nyo naman kanina pa akong nag aantay." Biglang may ugat na tumakip sa mata ko.

"BITAWAN NYO KO." Hiyaw ko pero wala akong narinig na respond sa kanila. Biglang may parang sumipol maya maya may hangin na umikot saakin. bigla akong nakaramdam ng antok. Binitawan ako ng mga ugat. Tuluyan akong bumagsak ngunit nasalo ako ng may asul na mata. Ang may elemento ng tubig.

"W-wag" bulong ko at tuluyan ng dumilim ang mundo ko.

***

Nang imulat ko ang mga mata ko. Si Akira ang sumalubong saakin.

"Vera magsisimula na" Sumagot ako.

"Nakatakda ring mamatay sila ina?" Tumango ito. Lumandas ang luha ko.

"Pwede paba silang ibalik?" tanong ko.

"Alam mong alam mo yan. Wala na ang kaluluwa nila sa mundong ito Vera. Tumatawid na sila sa tulay ng mga kaluluwa. Ang mga taong nakikita mo. Pagkatiwalaan mo sila. Wag mo munang isipin ang pamilya mo." Napayuko ako.

"Vera nagsisimula na. Magpakatatag ka."

"Tandaan mo. Ang mga tinuro ko. Matagal pa tayong ulit magkikita." Tuluyan dumilim ang paligid.

Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar saakin. Napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa suot ko iba na. Isang pulang bestida. Nilibot ko ang paningin ko napakagara ng kwarto. Pero pinagsawalang bahala ko. Mabilis akong lumabas. Sa paglabas ko isang babae ang bumungad saakin. Napatingin ito saakin.

"Gising kana pala. I'm Trish Relm. Isa akong healer." Pakilala nito.

"Bakit ako nandito?" tanong ko.

"Dinala ka ng mga royalties dito."

"Royalties?" tanong ko. Tumango ang mga ito.

"Kailangan ko ng umuwi." I said. Kita kong natigilan ito.

"Pero wala ka ng ----" I cut her off.

"Meron! Andoon pa ang mga pamilya ko." I hissed. Napaatras naman ito. Mabilis akong lumabas ng silid ng iyon. Sa paglabas ko. Pasilyo ang sumalubong saakin. Nangunot ang noo ko napakadaming gusali na animo'y parang palasyo. Mabilis kong tinakbo ang pasilyo. Paikot ikot ako. May mga nasasalubong ako mga estudyante. Nasa isang paaralan ako pero hindi ko alam kung ano. Wala akong makitang lagusan. Pabalik balik ako pero walang labasan. Napahinto ako sa pagod. Hanggang makakita ako ng madilim na sulok doon ako pumesto. Sinubukan kong lumusot sa dilim.

"Porta sceal offan" Bulong ko. Hanggang mahulog ako sa isang lagusan.

TWISTWhere stories live. Discover now