Ika-dalawampu't limang kabanata

1.7K 34 2
                                    

Luz's PoV

Muling nagbalik ang mga bangungot ko o kung sasabihin ng iba ay alaala ko noong mga panahong nasa kamay pa ako ng babaeng iyon.

Pero iba na ngayon dahil natutulog at nagigising na akong si Night ang katabi at tuwing babangungutin ako ay niyayakap niya ako ng mahigpit at paulit ulit hahalikan ang ulo ko habang nagbabanggit ng mga matatamis na salita hanggang sa tumahan na ako.

Nagsimula niya na akong tulungang harapin ang problemang tinakbuhan ko noon habang tinuturuan niya akong lumaban gamit ang sariling lakas ng pangangatawan.

Hindi siya pumayag na matuto akong gumamit ng armas kahit pa kutsilyo lang ito dahil nag-aalala raw siyang baka hindi sinasadyang masaktan niya ako.

Ang mga bata naman ay madalas na igala ng mga kaibigan ni Night kasama si Grey at ang magulang niya kaya naman wala rin kaming gaanong inaalala.

Hindi kami naaabutan ng mga batang nag-eensayo dahil kadalasan ay tulog pa sila kapag nag-eensayo kami ni Night pero iba ngayon dahil maagang nagising ang mga bata at nagulat ng makita kami.

"Nag-aaway po kayo?" biglang may maliit ang boses na nagsalita kaya naman napatigil kami ni Night at tinignan kung saan ito galing.

Nakita namin si Zel na naluluha na ang mata habang mahigpit na nakakapit sa likod ng mga kuya niya tila nagtatago sa likod ng mga kuya niya.

"Bakit po kayo nag-aaway? Iiwan mo na po ba kaming muli, daddy? Bakit kailangan niyo pong magkasakitan? Dahil po ba pasaway ako? Promise mommy! Daddy! Magiging good girl na po ako... 'Wag... 'wag lang po kayong... Mag-away..." sabi ni Zel na hindi kami pinagbibigyan ng oras na magpaliwanag.

"'Kala ko nagbago ka na, daddy..." may tunog ng pagka disappoint sa boses ni Sky.

"Tumigil nga kayo. Hintayin niyong magpaliwanag ang dalawa." inis na sabi ni Al sa dalawa pero kahit ganoon ay niyakap niya parin ang mga ito.

"We're not fighting." sabi ni Night at niyakap at hinalikan pa ako sa harap ng mga bata kaya naman nakatanggap siya ng hampas sa likod niya na ikinatawa niya lamang. "See?" sabi niya pang muli.

Tumingin ang mga bata sa akin kaya naman nginitian ko sila ng pagkatamis tamis para mapaniwala sila. "Nag-eensayo lang kami, babies." dugtong ko sa sinabi ni Night.

"Para saan po?" tanong ni Sky na unang nakabawi bago si Zel.

"E bakit po kayo nagsusuntukan? Ensayo po ba sa inyo iyon?" takang tanong ni Zel na nakakapit na sa t-shirt ng kapatid na si Al na nakayakap lang sa kaniya.

Hindi ako nakapagsalita at kinakabahang tumingin kay Night na hinalikan lang ang noo ko bago nagsalita. "Yours and your mom's life was in danger that's why I  need to train her some self defense that she would need if ever." sabi niya.

Nag-aalalang tumingin ako sa mga bata dahil baka nalilito sila pero niyakap ako ng mahigpit ni Night bago bumulong. "They're smart. They'll understand. Don't worry." sabi niya na bahagyang nagpahinahon sa akin.

"Like those girls in the action movies?" sabi ni Zel na unti-unti ng bumibitaw sa kuya niya na nakikinig lang.

"Like those cool men with a gun?" sabi naman ni Sky tapos kunwari pang tinutok sa amin ang hintuturo at inangat-baba ito na parang binabaril kami.

"Yes. Like that." sabi ni Night na ikinaliwanag ng mga mukha ng mga bata.

"Really, dad?" tuwang sabi rin ni Al pagkatapos ay nag-uunahang tumakbo sa amin. "I want to learn too."

"Me too."

"Me three."

Sabi nila na nagpagulat sa akin at tinignan ko ng masama si Night na itinaas lang ang dalawang kamay bilang pagsuko pero may kakaibang ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now