Ika-labing walong kabanata

2.6K 42 0
                                    

Luz's PoV

Nakarating na kami sa palawan ngunit nandito parin kami sa airport dahil gagamit daw kami ng private plane para sa isang pribadong isla na mayroon siya. Hindi raw kasi pwedeng pumunta roon ang mga outsiders o yung mga gustong magbakasyon doon dahil gusto raw ni Night na kami ang mauna at kami ang magdesisyon kung pwede ba iyong i-open para sa lahat.

'Oh diba parang tanga lang... Nagtanong kung anong gusto naming sakyan pero yun parin pala ang sasakyan namin pagdating dito.' naisip ko na lamang at umiling iling.

Matapos naming maghintay ng ilang minuto ay sumakay na kami at doon narin kami kumain ng tanghalian sa loob ng eroplano. Gabi na ng kami'y makarating kaya naman hindi na kami nakapag swimming. Hindi naman ako pumayag ng sabihin nilang gusto nila kahit gabi na dahil baka kung anong mangyari at saka malamig narin ang tubig dahil gabi na.

"Hindi na mga anak. Bukas na lang, okay? Para makapagpahinga narin muna kayo." sabi ko sa mga anak ko.

"Listen to your mommy kids." Night said and squat in front of the kids and said. "Let's go to our house babies?"

"Okiee!" Zel said.

"Okay po." Sky said while Al just nod his head.

Nagsipagpuntahan na ang mag-aama sa bahay na tinutukoy ni Night na mukha namang masyon. Pagpasok namin ay namangha ako sa design ng bahay dahil napakaganda nito. Mayroong sumalubong sa amin na mga kasambahay at bumati ang mga ito sa amin.

Binati rin namin sila pabalik pagkatapos ay tinulungan na nila kami na bitbitin ang mga maleta at bag namin habang kami naman karga ang mga anak namin dahil tulog ang mga ito. Si Zel st Sky ang nakay Night habang karga ko naman si Al.

Sinundan ko si Night na pumunta sa isang kwarto sa may pinto ay may pangalan binasa ko ang mga iyon. Magkakaibang pinto ngunit mga pangalan ng mga bata ang nakalagay. Pagbaba ni Night kay Sky ay agad akong nagsalita.

"Naku Night! Ayaw ng mga bata na magkakaiba ang kwarto nila. Gusto nilang sama-sama sila sa iisang kwarto." dahil sa sinabi ko ay napakamot sa ulo si Night.

"Sorry..." sabi Night sa akin.

"Pasensya na hindi ko nasabi sa iyo." sabi ko pagkatapos ay pinasigla ang tono ng pananalita. "Hayaan mo na! Ipaayos mo na lang sa susunod at least you know now, right?" pagpapasigla ko sa usapin namin at nginitian siya.

"Yeah! I'm going to renovate their room immediately." sabi ni Night at mukhang tatawag na agad sa telepono ngunit pinigilan ko siya.

"Wag na Night. Sa susunod na lang. Magpahinga na muna tayo tutal naman nakakain na tayo sa biyahe." sabi ko sa kaniya.

Pumayag namn siya at pumunta na sa kabilang kwarto upang ilagay roon si Zel at sa kasunod naman na kwarto ay ang kay Al. Pagkalapag namin sa mga bata ay sunod namang binuksan ni Night ang pinto sa harap ng kwarto ng mga bata.

"This is our room." sabi niya. Pumasok ako upang tignan ito at napakagandang kwarto ito. At ang kulay nito ay ang paborito niyang kulay. Pinaghalong itim st asul.

"Ang ganda naman nito, Night. Oo nga pala. Anong meron sa pinakadulong pasilyo sa labas?" tanong ko.

"There's a stairs there. Tomorrow I'll show you with the kids. For now, like what you've said, let's rest firat." sabi nito at hinila ako pahiga sa kama pero pinigilan ko siya.

"Tigil! S-sabihin ko m-muna kay m-manang sa baba na h-hindi na t-tayo kakain." nauutal kong sabi marahil narin siguro sa kabang nararamdaman ko.

"It's okay. There's a tool for that." sabi niya pagkatapos ay may pinindot siya sa parang speaker na nakalagay sa gilid ng kama. (Intercom)  "Manang, we're not going to eat anymore just rest, all of you." sabi niya rito.

The Broken Wife (UNDER REVISION)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن