Ika-labing apat na Yugto

4K 61 0
                                    

Luz's PoV

Nagising ako na medyo madilim na. Bumangon ako ng dahan-dahan dahil mabigat ang aking katawan. Dumiretso ako sa cr at naligo at nagbihis bago lumabas ng kwarto.

"Hi, mom." bati ni Al na padaan sa harap ng pinto upang bumaba.

"Al. Ang mga kapatid mo? Nasaan na sila?" tanong ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay upang alalayan siya sa pagbaba.

"Nasa kusina po. Tinuturuan ni Zel si dad na magluto. Oo nga po pala, ma. May takdang-aralin kami, ma. Si Zel po ma, mayroong takdang-aralin sa paksang ingles, siyensya, matematika, at Filipino habang si Sky naman po ay hindi nakapasok sa tae kwon do dahil hiningal po siya at ako naman po ay nagawa ko na kanina habang hinihintay sila." sabi ni Al.

"Mabuti naman at nagawa mo na ang mga kailangan mong gawin kaya sana matulungan mo ang mga kapatid mo sa kanilang takdang-aralin. Bakit nga pala hiningal si Sky?" nag-aalalang tanong ko.

"Kasi ma pinagbigyan niya na naman po si Zel na makisali sa laro naming habulan nung nag p.e. kami kasama ang seksyon nila Zel at Sky. Pero okay naman na po kasi pumunta si dad nung tinawagan ng guro namin ang numero mo pero sabi si dad daw ang sumagot." pagpapaliwanag ni Al.

"Sige pero sana hindi na muna ito maulit okay? Wag kayong mag-alala naghahanap na kami nila tito mo ng paraan upang matanggal ang pagiging mahingalin ni Sky."

"Sana po mapaaga para nakakasabay siya sa amin at hindi lamang kami tinitignan mula sa malayo."

"Oo naman, anak. Gagawin nila mama ang lahat, hmm?"

Tumango naman si Al. Nang makarating na kami sa kusina ay nagulat ako ng makitang totoo nga na tinuturuan ni Zel ang amang magluto. Nakatayo ito sa upuan at may hawak na panandok.

Sumandok si Zel ng kaunti at pinahipan sa ama upang ipatikim sa kaniyang kapatid na nakatingala lang sa kaniya. Humigop naman ang kapatid at nag-thumbs up pa.

"Magandang gabi!" bati ko sa kanila na bahagya naman nilang ikinabigla.

"Good evening, maganda kong mommy." sabi ni Zel pagkatapos bumaba at pumunta sa aking harap.

Agad naman akong yumuko upang makapantay ko siya at hinalikan niya ako sa pisngi. Lumapit din si Sky at hinalikan ako sa pisngi.

"Evening, mom." bati ni Sky sa akin.

"Good evening too, my Sky." sabi ko ng may lambing at niyakap sila pagkatapos ay tumayo na. "So... Anong niluluto niyo?"

"Yung paborito mo po, ma, Adobong pusit." sagot naman ni Sky.

"Mommy, alam niyo po ba na magkaiba po pala yung pusit sa pugita? Pero magkamag-anak naman daw po sila sabi ni daddy." sabi ni Zel na nakapagpatingin sakin kay Night. Pagkatapos ay bumalik muli ang aking tingin kay Zel nang muli itong magsalita.

"Tapos nung namimili kami ni daddy, ma, may nakita po akong buhay dikya doon sabi ni daddy delikado daw po iyon kaya layuan ko daw po. Kaya po nilayuan ko po tapos lumibot po kami para sa iba pang bibilhin namin. Tapos po pagkabalik po namin ay nakita po naming gising na si kuya Sky at Al kaya naman po nagpatulong narin si daddy sa kanila kaso po si Al po sabi niya may gagawin daw po siya kaya ayun, bumalik siya dun sa kwarto namin. Alam niyo po ba, my si daddy ang naghiwa niyan at naglagay ng mga sangkap tapos ako naman po yung taga-halo at si kuya Sky naman po ang tagatikim kung maayos na ang lasa. Tapos na nga po mommy eh. Nagugutom narin po ako. Halika na po kain na tayo." mahabang saad ni Zel.

Bahagya akong napatawa dahil sa pagkamadaldal ni Zel at sa mukha ng kaniyang mga kuya dahil hindi sila binigyan ni Zel ng oras upang magsalita.

"Let's eat?" sabat naman ni Night.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now