Ika-dalawampu't siyam na Kabanata

1.8K 29 2
                                    

⚠WARNING⚠ ⚠WARNING⚠ ⚠WARNING⚠

A/N: This chapter contains some information and scene that is not suitable for kids who was 18 below. Please don't report the story.

Gabi ng Marso...

Madilim ang paligid ng ospital pati na rin ang loob at ang mga dinadaanan roon. Nagkaroon ng sandaling pagkawala ng kuryente sa ospital kaya naman nagkagulo ang mga nars at doktor doon.

Agad na nag-utos ang mga head sa mga tagalinis at taga-ayos o taga-pamahala ng mga gamit at kuryente upang maibalik kaagad ang kuryente dahil marami ng nagrereklamo na pasyente at pamilya ng pasyente roon.

Nagkakagulo ang lahat at ang mga nars ay hindi na alam ang gagawin upang mapahinahon ang mga ito. Sa sandaling iyon, maraming nangyari.

May namatay, may nag-away, at may nawala. Bumalik ang kuryente at ang lahat ay busy sa pag-aasikaso sa mga pasyente. Abala ang mga nars sa pagpapabalik sa mga ito sa kani-kanilang kwarto kaya naman hindi nila napansin na nawala na ang isa sa mga sanggol na naroon.

Nang utusan ni Mr. Quinn ang isang nars na nakadestino sa kanila na kunin ang anak nila ay tsaka pa lamang nila nalaman. Puno ng pawis at malakas ang tibok ng puso ng nars nang makita na bakante ang lalagyan ng sanggol ng mga Quinn.

Hindi alam ang gagawin na tumawag siya sa head niya at sinabing nawawala ang bata. Muli ay nagkagulo ang mga tao sa ospital ngunit huli na at nawala na ang sanggol at hindi na nahanap pa...

Makalipas ang limang taon...

Maririnig ang paghikbi ng isang bata habang tahimik na umiiyak. Pinipigil ang paghagulgol at ang pagsigaw. Dinig din ang malalakas na hampas ng kung ano sa loob ng isang lumang gusali.

Bawat paghampas ay siya ring pagtalsik ng dugo sa pader ng gusali. Dugong nanggaling sa isang batang nasa limang taon ang edad.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now