Ikapitong Yugto

4.6K 81 7
                                    

Luz's PoV

Ilang buwan na ang nakalipas mula ng makilala ko ang aking mga magulang at makasama ko ang aking mga pinsan. Naging masaya ang mga nagdaang araw at ngayon ay malaki na ang aking tiyan. Hindi ko napansin na siyam na buwan na ang nakakalipas ng umalis ako sa bahay na iyon.

Hindi ko pinasiyang magpatingin sa doktor upang malaman kung anong kasarian ng mga batang dinadala ko. Kaya naman excited ang lahat na malaman ang unang magiging apo sa pamilya at magiging pamangkin ng aking mga pinsan. Ako kasi ang unang magdadala ng bata sa aming pamilya dahil masyado daw'ng busy ang aking mga pinsan sa mga trabaho at mga libangan nila.

Ang mga pinsan kong lalaki ay busy sa pakikipag fling sa mga kilalang babae o mas diretsang sabihin ay sa mga modelo. Ngunit ngayong araw ay nandito silang lahat sa bahay kaya naman napakaingay ng bahay ngayon. Pati sina tito at tita (Mga magulang nila Happy) ay nandito rin.

Nagkaroon ng salo-salo sa hapag. Ako nama'y hindi na gaanong makagalaw kaya naman inaalalayan ako nina Happy at Leo sa aking paglalakad. Sinabi ni Happy na dapat ay maglakad-lakad ako upang hindi ako mahirapang manganak.

"Be carefull." Paalala sakin ni Máthair.

"le do thoil stopadh ag siúl, mo iníon." Nag-aalalang sabi naman ni athair. At lumapit sa amin.

Ang aking ama ay isang Irish habang ang aking ina naman ay pilipina. Nakuha ko ang kulay ng buhok ng aking ama at sa aking ina ko naman nakuha ang lahat maliban sa buhok. At dahil doon naging sceitimíní ako sa itsura nila baby pero mas sceitimíní naman sila.

Unti-unti ko ng inaaral ang lengguwahe ng aking Athair o ama dahil hindi ako gaanong makasabay kapag nagku-kwentuhan na sila. Sinasanay ko na ding magsalita ng ingles upang maintindihan ng aking ama ang aking sinasabi. Si Máthair o ina naman ay marunong sa iba't- ibang lengguwahe at sabi niya, nakuha ko daw sa kaniya ang pagiging mabilis matuto ngunit di katulad niya, gusto ko laging may natututunan.

"Ná bí ró-neirbhíseach, daidí." Sabi ko kay Athair. "Is gnáth dúinn, mná torracha é seo a dhéanamh. So, we wouldn't feel difficult when we deliver." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Your daughter is right, Alroy Devlin." Singit naman ng ina ng aking ama.

Natawa ako ng bahagya ngunit agad ding napangiwi ng makaramdam ng sakit nang mapansin ito ni Happy ay agad siyang lumapit sa akin at inalalayan ako. Tinulungan niya akong huminahon at mag-inhale exhale na ginawa ko naman.

"Guys! Luz is going to give birth." Sabi niya ng mahinahon na nakapagpatigil sa lahat. "Leo, get your car and LL, Dark, Luca, get the babies' clothes and Marco guide our parents and Grands to my hospital.

Magkahalong alala, taranta at takot ang makikita sa kanilang mga mata ngunit sinunod naman nila ang sinabi ni Happy. Dumating si Leo at pinagbuksan kami ng pinto. Inalalayan nila akong makapasok at pagkatpos ay pumasok din. Sumama din sa kotse si Máthair, bago pinaharurot ang kotse. Tinutulungan ako nila Happy at sinasabihan ng dapat gawin upang mabawasan ang sakit na aking nararamdaman.

Pagdating sa Hospital ay agad naman akong inasikaso at ang nagpaanak sa akin ay si Happy. Nakita kong dalawang lalaki at isang babae ang mga anak ko at pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay.

***

Nagising ako na nasa hospital bed na at nakita ko ang mga pinsan ko, mga magulang ko, at ang iba pa na pinagkakaguluhan ang mga bata. "Ang tagal gumising ni mommy, noh baby?" Sabi ni Luca sa baby kong lalaki.

"Hello babies..." Mahina man ang boses na sabi ko ngunit tila narinig nila ito kaya naman umiyak ang mga ito dahilan upang mapatingin sila akin.

"So! Gising na pala ang mahal na reyna... Anong ipapangalan mo sa kanila?" Sabi ni Happy habang nakangiti.

Naghihintay naman ng sagot ang lahat at ang aking ina at ama nama'y naluluha. Nakangiting tumangin akong muli sa aking mga anak bago sinambit ang kanilang mga pangalan.

"Zera Elizabeth Love para sa prinsesa. Skyler Eamnonn Neith at Xavier Al Ezekiel naman sa mga prinsipe." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa aking mga anak bago muling tumingin sa aking pamilya.

"Zera Elizabeth Love Quinn, Skyler Eamnonn Neith, Xavier Al Ezekiel Quinn, our princess and princes, welcome to the world!" Masayang sabi naman ni Happy.

Agad akong umiling kaya naman napataas ang kilay ng aking pinsan. "Then what?" tanong nito sakin.

"Gagamitin ko yung apelyido ng ama nila... " pahina ng pahinang sabi ko.

"No way! After he left you?!" sigaw nito sa inis.

"Kahit na... May karapatan parin yung lalaki." sabat naman ng aking ina.

Tumingin ako kay happy na napabuntong hininga na lamang. Ngumiti na lang ang iba sa akin ng tignan ko sila ngunit agad kaming napatigil nung biglang umiyak ang mga bata. Natataranta sila at hindi malaman ang gagawin.

Ako naman ay agad na pinadede ang anak kong babae at kinuha naman nila ang dalawa ko pang anak upang ihele habang hinihintay na matapos ang prinsesa sa pagdede.

"O? Tapos na ang pagdede ng prinsesa... Sino naman kaya?" sabi ko at sinilip ang dalawa ko pang anak. Naghiyaw naman ang isa habang nanahimik na ang isa.

"Parang umiyak lang si Al dahil umiyak ang prinsesa ah?" komento naman ni Happy na karga ang anak kong si Al.

Ang prinsesa ko ay nakatulog na. Ibinigay ko kay mama ang prinsesa at kinuha ko naman ang anak kong pumalahaw sa iyak. "Naku ang prinsipe kong si Sky ay gutom na gutom na. Kawawa naman ang baby ko..." pag-aalo ko dito habang pinadedede ito.

Nakatulog na si Sky at Zel. Kaya naman tinignan ko si Al na tahimik lamang. Ibinigay siya sa akin ni Happy matapos kunin ni Leo ang anak kong si Sky.

Sandali lamang itong dumede dahil nakatulog na ito. "Ang bait naman ng apo kong si Al." sabi ni mama nung lumapit siya sa amin at bahagyang hinaplos ang braso ni Al.

"Siyempre naman ma! Kanino pa po ba yan magmamana? Diba po? Sa akin?" sabi ko at ngumiti ng may pagmamayabang.

"Is there an ipo-ipo somewhere near?" agad na reaksyon ni mama at tumingin pa talaga kay papa.

"I think there will be a storm in this area."
Sabi naman ni luca.

"What's the name of it again? Rose?" gatong naman ni leoluca at ang tinignan ay si Leo na kibit balikat lang ang sagot.

"Bad." Nakanguso kong sabi pagkatapos ay di na sila pinansin na ikinatawa naman nila.

ILANG ARAW pa ang ikinatagal naming mag-iina sa ospital at pagkatapos ay agad na inayos nila ang aming papeles upang lumipad patungong ibang bansa.

Gusto kasi ni papa na tumira kami sa kaniyang bahay sa ibang bansa upang maipakita niya sa akin ang mga gamit ko doon na binili nila dulot ng pangungulila sa akin.

Naging maayos naman ang aming paninirahan doon at maayos kong napalaki ang aking mga anak sa tulong narin nila máthair at athair (mom and dad). Paminsan minsan din ay pumupunta sa amin sila Happy.

At ng medyo lumaki na ang mga bata ay namamasyal kami at nagbabakasyon sa iba't-ibang bansa. Dahil din doon ay nagagawa ng mga bata na aralin at maintindihan ang mga lengguwahe sa mga pinupuntahan naming bansa.

Tinuturuan sila nina máthair at happy ng iba't-ibang lengguwahe at dahil na din sa mabilis silang matuto ay mabilis din nilang natututunan iyon.

Naging masaya naman kami at kahit na madalas hanapin ng mga bata ang kanilang ama ay hindi iyon naging hadlang upang maging masaya kami.

Habang lumalaki ang mga bata ay unti-unti ko ding ipinapaintindi ang kalagayan namin ng ama nila. At kahit papaano ay naiintindihan naman nila ito.

Napansin ko ding habang lumalaki sila ay mas lumalawak ang kanilang pag-iintindi sa mga bagay bagay ngunit mas malawak ang kay Al. Naiintindihan nito ang mga pag-uusap at problema ng mga matatanda ngunit hindi naman siya nangingialam.

Hanggang sa napagpasiyahan ko ng ipakilala sila sa tunay nilang ama. Kaya naman sinabi ko sa kanilang uuwi na kami sa Pilipinas at makikita na nila ang kanilang ama.

Balak ko sanang supresahin ito sa katotohanang mayroon na itong anak ngunit ako ang nasupresa sa aking nalaman ng muli ko siyang makita.

***

8/31/19

The Broken Wife (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon