Chapter 14: Black Meets White

59 11 8
                                    

~In Dreamers Academy~

Day 4 / Friday

Ngayong araw na malalaman ang resulta ng ginawang special exam.

Magkaka alaman narin kung sinu-sinu ang mga magiging bagong estudyante ng class A

Excited na ang lahat. Karamihan sa mga nag exam ay gusto talaga maging parte ng klaseng iyun.

Bago pa man din ang class hours, ay kinausap na ni Mr. Sto. Dominggo ang mga class adviser ng apat na nakakuha ng highest score, na maya-maya lang ay lilipat na sa Class A.

~In Last Section~

Kathy's POV

Pag-pasok na pag pasok palang ng aming class adviser ay tumambad na sa kanya ang magulo at maingay na klase, ngunit hindi niya na lang ito pinansin at agad niya nilapag ang kanyang gamit sa table na naka pwesto sa harapan ng klase.

Wala na man nang bago. Last section din kasi kami kaya naman sanay na ang ibang teacher sa klaseng ito.

Pero kahit ganito ang tinaguriang worst section ay may iilan din namang nag seseryoso pa mag aral kahit papanu

---

"Totoo ba 'tong nakikita ko?" Tanong ni Anicka sa'kin na tila ba hindi maka-
paniwala sa kung ano mang kanyang nakita.

"Alin?" Balik tanong ko naman sa kanya, sabay sulyap unti sa transferee namin. Sabay kuha ko nang pulbo para i-apply sa mukha ko.

"Totoo bang lip tint yan nasa labi mo? Kahit kailan hindi pa kita nakita nag lagay niyan aa." Kitang-kita na hindi ito makapaniwala.

"Bakit! May problema ba dun Anicka?
Isa pa, babae naman ako aa. Hindi ba pwede mag apply ng liptint ang isang babae?" Seryosong paliwanag ko sabay apply ko ng pulbo sa mukha ko.

"Ows! Talaga kath? Babae ka pala? Ang pagkaka alam ko mas lalake ka pa sa lalake......" wika ni Anicka na tila ba nanguurat ito.

Habang nagsasalita si Anicka ay hindi ko na ito masyado napansin nang...

Ilang saglit pa'y napa sulyap ulit ako sa aming transferee at kita kong gising na ito at nagtitingin-tingin ito sa paligid.

Maya maya lang ay bigla akong yumuko nang mapansin kong na baling ang tingin nito sa'kin.

Teka! Nag aasume lang ba ako?. Talaga bang dito siya nakatingin?

"Hayzz.. Kathy! gumising ka nga, eto ka na naman ee." Saad ko sa sarili ko habang naka yuko.

"Ano 'yon Kath? May sinasabe ka?" Tanong ni Anicka na nagawa paring marinig ang anumang binulong ko.

Ilang saglit pa...

Ako'y pa simpleng sumulyap ulit sa aming transferee at kita kong naka tayo ito ngayon at dala-dala pa nito ang kanyang bag

Teka saan kaya 'to pupunta?

"Ohh.. ikaw iho! Saan ka naman pupunta?" Tanong ng aming Adviser kay Mr. Transferee

Deadma lang ito na tila ba walang narinig at dire-diretso lang ito papalabas ng classroom.

"Anyways! Ayoko ma stress ng maaga. Class be prepared dahil may good news ako sa inyo." Paliwanag nito na deadma lang din sa ginawa sa kanya ng aming transferee,.

Ha! Goodnews? Tanong ko sa sarili ko.

Pansin ko din na ang lahat ay nag simula na sa kanilang mga bulong-bulungan.

"Teacher hulaan ko! Siguro maaga uwian mamaya." Pabirong saad ng loko-lokong klasmeyt ko sa likuran

At ang lahat ay nag tawanan.

Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt