Chapter 9: Before Exam

61 28 9
                                    

~In General Hospital~

Tila nagunaw ang mundo para kay Felix ng abutan nitong wala nang buhay ang pinaka mamahal nitong ina.

Dala pa naman nito ang pera na pangdagdag pambayad sana ng bill sa hospital pero ngayon ay tila nawalan na ng saysay ang lahat.

----

~In Felix House~

10pm na ng maka uwi si Felix galing hospital.

Makikitang tulog parin doon ang lasing na ama na naka higa lang sa sahig.

Sa di kalayuan ay makikita rin ang kawawang binata na duguan at nakahilata din sa sahig.

Mukhang nag laslas ata ito.

Ilang saglit pa'y, isang malamig na boses ang maririnig....

"Anak... nak... gising!"

Maya maya lang ay nagsimula ng maidilat ni felix ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita

"Mah!. Ikaw ba yan?" Wika ni felix na mapapansin na wala ng makikitang dugo sa pulso nito at puro's liwanag na lang ang matatanaw sa buong paligid.

"Oo! Nak.. ako nga ito." Sagot ng ina na naka suot ng puting damit at nagliliwanag pa ito.

Napaluha nalang si felix at sabing

"Mah! Aalis kana? Iiwan mo na ba ako?" Tanong nito.

"Oo! aalis na si MAMA, pasensya nak! Hindi kita pwedeng isama sa pupuntahan, binisita lang naman kita dahil gusto kita makita sa huling saglit bago ako umalis."

Biglang napaluha ang kawawa nitong anak na maiiwan na lang tuloy nag iisa.

"Hindi mo ba ako pwedeng isama sa pupuntahan mo?" Tanong nito

"Ito talagang anak ko palabiro talaga.. hindi kita pwedeng isama. Hindi mo pa naman oras tsaka marami ka pa maabot sa buhay, panu na ang pangarap mong makapag exhibit ng sarili mong mga paint? Panu na ang pagaaral mo? At panu na ang pamilyang bubuoin mo sa pagdating ng panahon. Mag pakatatag ka." naka ngiting habilin sa kanya ng kanyang anak.

Patuloy naman sa pag iyak si felix na naka luhod at naka yuko.

"Nak!! Wag kana umiyak.. May regalo si mama sayo ito ohh." Sabay abot nito ng isang maliit na kahon at naka balot pa sa gift wrapper. Nagliliwanag ang bagay na iyon. "Wag mo sana bibiguin si mama.."

Maya maya lang ay tuluyan na ngang naglaho ang ina nito.

At ang kawawang si Felix naman ay nahimatay bigla. Gawa ng matinding kalungkutan at pagod na rin.

---

Felix POV

~In General Hospital~
8:00 am

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang ako nagising mula sa aking pagkakatulog

Teka! Totoo ba 'tong nakikita ko? Nasa hospital ako ngayun? Ang pagkaka alam ko'y naka uwi na ako kagabi.

Teka! Anu 'tong hawak ko?.. Isang kahon na nakabalot sa gift wrapper.

Ilang saglit pa'y napatingin ako sa aking magkabilaang pulso laking gulat ko ng wala akong nakitang ano mang sugat.

Wait. Nasaan si mama? Tanong ko sa aking isip ng makitang wala na si mama sa kinahihigaan niya sa hospital.

Bigla akong napatakbo papalabas sa loob ng icu upang mag tanong tanong.

"Sorry po doc." Paumanhin ko sa naka bunggo kong doctor sa hallway

"Bakit iho pawis na pawis ka? at tila ba nagmamadali." Tanong nito sa'kin

"Doc! Nasaan po yung pasyente na nasa room# 27?" Tanong ko dito sabay tayo ko mula sa aking pagkakatumba

"Ahmm! ikaw siguro yung weird na anak niya. Wag ka mag alala, nasa morgue ngayon ang katawan ng mama mo. Bukas na bukas ay pede muna makuha ang labi nito." Salaysay ni doc sakin na agad din umalis.

At ng malaman ko na ok naman pala ang lahat ay tuluyan na akong umalis para umuwi.

***

~In Dreamers~

The day of exam

Ang lahat ay ready na at nagaabang na lang sa kani kanilang mga upuan, hinihintay ang pa tunog ng bell na senyales ng pagsisimula ng special exam.

~In Class B~

Naku! Limang minuto na lang. Tingin mo papasok pa kaya si Felix?" Tanung ng kaklase nito sa katabi niya.

"Tingin ko baka hindi na siguro. Diba nga namatay yung mama niya, baka siguro nagmumuk na yun." Sagot naman nito.

"Sa pagkaka-alam ko pa naman gustong gusto maka tuntong ni Felix sa Class A, sayang naman kung hindi siya makakapag exam ngayon."

Sabay sabay na tumayo ang lahat at nag bow ng makita ang kanilang napaka gandang Class Adviser na si Ms. Dorothy

"Ok Class please be sitted." Wika nito

At umupo na nga ang lahat.

"Alam niyo naman siguro na may special exam tayo ngayon. Siguro naman ay nag review kayo ngayun diba?" Tanung nito na may hawak pang test questioner "Hindi magiging madali ang exam, ang iba kasi dito ay hindi pa na lesson sa inyo so.. I hope na ang isa sa apat na makakapasa ay manggagaling dito." Salaysay nito na biglang nagtaka ng makitang may bakanteng upuan.

"Teacher! Wala parin po si Felix. Hihintayin pa po ba natin siya?" Singit naman ni Joy na seatmate ni Felix

"We still have 2 mins. So kung makakahabol siya good. Anyway alam naman siguro nating lahat ang nangyari sa mama ni Felix. Sa ganitong sitwasyon malamang kung maka habol man si felix siguradong hindi na to nakapag review." Wika ng kanilang teacher na kitang kitang malungkot din sa nangyare.

Maya maya lang ay tumunog na ang bell at ipinamigay na ang mga test questioner

"May test questioner naba ang lahat?" Tanong ng kanilang teacher na naka upo sa bandang unahan.

"YES MA'AM!" Sabay sabay na sagot ng buong Class B

"Mabuti naman kung ganun. Bago niyo sagutan yan Reminders lang. Meron lang kayong 40mins para sagutan lahat yan. 50 items yan if maka 30 below score kayo automatic eliminated na kayo. Yun lang naman, YOU MAY NOW START."

>>>>>>BLACK MEET'S WHITE<<<<<<<

A/N

Dito ko na muna puputulin. Medyo komplikado 'tong chapter na'to kung kailangan 3x mo 'to basahin gawin mo para maintindhan mo and kung may mga tanung po kayo, about sa chapter na to. Comment lang po.

Thanks...
















Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Where stories live. Discover now