Chapter 8: Announcement

95 47 11
                                    

~In Dreamers Class A~

Ang lahat ay sabay sabay nagsi tayuan at nag bow ng makita ang isang magandang Entrance ng kanilang Adviser na si Mr. Dominggo.

"Ok class, magsi upo na kayo." Seryosong wika ng kanilang Adviser.

At nag si upo na nga ang lahat..

"Class,.. Nag request ako sa principal ng isang special exam since kulang naman ang section natin ng 4 student." Ma awtoridad na salaysay ni Mr. Dominggo

Nagtaka ang lahat. Ang iba naman ay nagulat sa sinabi ng kanilang Adviser.

"Ok class! Let me explain it.

Ang lahat ay tahimik na nakikinig. Wala ni isa man lang ang gustong mag biro maliban na lang kay Ybanez.

"Alam kuna Sir! Ikaw naba ang lalaban sa darating na battle of school? Yari na sila niyan, kahit ikaw lang sir hindi na yan sila uubra." Pabirong wika ni Ybanez na napatayo pa sa kina-uupuan

Nagtawanan ang lahat sa biro ni Ybanez.

Agad namang hinawakan ni Uchi ang ibabang bahagi ng uniform ni Ybanez." Tumigil ka nga d'yan. Wika naman ni Uchi na pinapaupo na si Ybanez.

Nagsimula na ngang magsalita si Mr.Dominggo para ipaliwang kung ano ang special exam.

"Ang special exam ay gaganapin bukas. Ang bawat section ay pedeng mag sali ng 2 sa representative nila. Ang purpose ng special exam is punuan ang 4 slot natin sa class na 'to, since kulang tayo ng apat na student. Nabalitaan niyo na ba? Na nandito na si Vice. So ito na ang pagkakataon niya para maka-balik sa section na'to." Paliwanag ni Mr. Dominggo sa mga estudyante niya.

"Habol ko lang guys! Ang apat na makakakuha ng highest score ang magiging bago niyong class mate. Dont worry class, I already got principal's permission.

Ang lahat tahimik na nakikinig.

"Guys! Maiwan ko muna kayo, I will be back after 10 mins." Paalam naman ng kanilang guro, sabay tawag nito kay Lenie para ibilin muna ang class sa kanya.

***

~In Last Section~

Kathy's POV

Kasalukuyang nag le-lesson na ang aming guro ng makarating ako sa room namin. Buti na lang at nag susulat na siya sa blackboard kaya naman nagawa kong palihim na makapasok. Nasa last row din kasi, siguradong walang makakakita sa'kin."

"Kath! Late kana ahh. Ba't nga pala hindi ka pumasok kahapon?" Pambungad na tanong sa'kin ng tropa kong si Anika.

"Tinamad kasi ako ee." Sagot ko naman. Sabay kuha ko ng pulbo at cellphone sa bag ko, at pa tago naman akong nag salamin gamit ang phone ko.

"Hoy!! Baka makita ka ni ma'am niyan." Takot na wika ni Anika na patingin tingin sa aming guro na nag-susulat

"Hayaan mo yan gurl! Ako bahala, takot ka d'yan!" Tugon ko naman, sabay lagay ng nginunguya kong bubblegum sa ilalim ng upuan ko.

"Hala ka jan! Ang tapang mo aa.. btw! May bagong salta nga pala dito sa section natin, hindi natin siya naging classmate last year. Ang pag kaka-alam ko transfer siya galing sa kabilang school." Anika speaking

"Talaga! Asan?" Tanong ko dito. Curious kasi ako, baka pedeng mapag tripan

"Yun ohh! Pangalawa sa dulo" Turo ni anika sa kabilang side bandang likod din.

"Ayon ba? Yung natutulog na guy na 'yon?" Tanong ko dito matapos makita ang isang lalakeng hindi nagsusulat at natutulog lang sa dulo.

"Oo yun nga, Hala kath! Si ma'am nakita na tayo." Si anika iyon

Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Where stories live. Discover now