Chapter 10: D-Day

63 30 15
                                    

~In Dreamers Academy~

Nagulat ang lahat sa kanilang nakita na kahit late na ay nagawa parin nitong makahabol.

Naka tayo sa labas ng pinto nang classroon si Felix na tila pagod na pagod at hingil na hingal pa.

"Ohh! Felix buti naman pumasok ka. Halika dito, mag exam ka." Masayang wika ng teacher nila.

"Walang mabuti sa araw ngayon.." pabulong na hirit naman ni felix sabay pasok sa loob para pumwesto sa kanyang upuan.

"Even you're late, tatanggapin pa kita sa ngayon para makapag exam, acceptable naman ang reason mo." Paliwanag ni Ms. Dorothy.

Wala namang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni felix at nag exam na lang ito.

***

Kathy's POV

~In Last Section~

"Wow! Ha? Talagang tapos na siya mag exam?" Pabulong kong tanong nang makita kong tapos na mag exam ang aming transferee.

Halos wala pang kalahating oras ahh..
Siguro hula hula na lang mga sagot niya. Kawawa naman.

Ilang saglit pa'y bigla itong napatingin sa'kin na tila ba nangingilala.

Teka! Nag aasume lang ba ako or talagang ako yung tinigtignan niya?

Baka siguro natandaan na niya, na ako yung sinagip niya mula sa mga gangster last year.

Hhehehe! Ang cute talaga ng pangyayari yun, kung alam lang niya siguro na pinag nakawan ko yung mga humahabol sa'kin baka hindi na niya ako sinagip nung nga oras na 'yun

Tanda ko din kung pa'no kami nag tago sa imbakan ng basurahan na nandun.

Ilang saglit pa...

Isang malakas na sigaw ang aking narinig..

"KATHY! Saan kaba naka tingin? Nag hahanap kaba ng sagot sa pader!" Pasigaw na tanong ni ma'an asungot sakin, matapos niyang makitang wala pa sa kalahati yung nasasagutan ko.

"Ee tingin mo ma'am! May makikitang bang sagot sa pader? Kung meron lang sana edi dapat tapos na ako ngayon mag exam." Pabalang naman na sagot ko, sabay balik sulyap ko sa transferee namin ngunit nasa upuan niya ito at natutulog na lang

"Aba nasagot ka pa talaga! Ayusin mo lang na makapasa ka, at nang hindi na kita makita sa section na 'to." Hirit nito na makikitang asar na asar na.

Paano ba naman hindi ito maaasar sakin ee ako ata ang worst enemy niya at sa tingin ko worst nightmare na rin.

"Wag kayo mag alala. Ipapasa ko tong exam na to at ng hindi ko na kayo makita Mrs. Gurang."

At ang lahat ay natawa matapos marinig ang pagkaka banggit ko ng GURANG

Puro loko-loko din kasi tong mga classmate ko, remember! Last section ata 'to at kami lang naman ang mga estudyanteng wala paki sa lesson basta makapasok lang yun lang.

Tingin ko nga sa mga classmate ko ngayon trip lang yung pag sali nila sa exam, ee puro's mga wala namang masasagot.

***

Kyle's POV

Kasalukuyan akong papuntang canteen para kumain, break time kasi, ng mapansin kong may nasunod sa'kin, kaya naman iniba ko ang distinasyon ko at agad akong tumungo papuntang garden na naka pwesto sa likod ng canteen.

Dire-diretso lang ako sa aking paglalakad upang hindi ako mapansin ng ungas na 'yon

Wala akong clue kung sino 'tong ungas na 'to na nabuntot sa'kin.

Di kaya si Ybanez? Oo tingin ko baka siya nga. Mapagtripan nga

At ng makarating na ako sa garden ay agad akong tumalikod upang alamin kong sino yung kanina pang nasunod sa'kin.

"Teka! parang kilala kita." Wika ko sa isang babae na ngumunguya pa ng chewing gum.

"Talaga natatandaan mo ako?" Tanong naman nito habang nakatayo sa harapan ko sabay dura niya sa nginunguya niya

"Oo! Ikaw yung babaeng niligtas ko last yea. Natatandaan ko pa nga kung pano tayo nag-tago sa lecheng basurahan na 'yun." Paliwanag ko sa babaeng iyon.

*The girl smiled*

"By the way! Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo. Basta kana lang kasing umalis nung araw na 'yun." Sabay abot niya ng kanang kamay niya sa'kin, tipong makikipag handshake ito. "Im kathy! Ikaw ba?" Tanong nito sakin na naghihintay na makipag handshake din ako sa kanya.

Nagka-titigan na lang kaming dalawa sa loob ng maganda at maaliwas na garden na 'to.

Teka ba't ganito siya maka-titig sa'kin?

Ilang saglit pa'y nakipag kamay na rin ako sa kanya "Kyle nga pala!" Pagpapakilala ko naman sa kanya pero ba't ganun? ee parang nanigas na ata to ee. Wala naman akong ibang ginawa kundi makipag kamay lang. "Kath? YUHOO!! Hayzz... Makaalis na nga!" At tuluyan ko na ngang nilasan ang magandang lugar na 'yon at tumungo na nga ako sa canteen.

---

Sama-samang nakaupo sila Lenie, Ybanez, Uchi at Annalyn sa isang table na naka pwesto sa unahan ng canteen at tila naguusap ang mga ito.

"Curious! talaga ako kung sino-sino yung mga magiging bagong classmate natin. Sana naman hindi sila boring kasama." Wika ni Ybanez habang naka ngiti pa.

"Ee.. kami Ybanez, Boring ba kasama? Parang gusto muna 'ata kami palitan aa." Pabirong tanong naman ni Uchi habang napatingin sa isang banda doon. "Teka bro! Kilala niyo ba yun? Pahabol nito, sabay turo sa isang banda.

Napatingin ang tatlo sa kinaroroon kung saan nakaturo ang daliri ni Uchi.

"Ahh. Yun ba? Oo si Kyle yun. Naka laban natin sa quiz B nung last BOS." Sagot naman ni Ybanez. "Siya lang naman yung naka kuha ng perfect score kaya natalo tayo." Dagdag pa nito.

"Ahh kaya pala.. Hindi kaya may ginawang milagro yun? Sa atin nga walang naka perfect score, pa'no niya kaya nagawa yun?" Pagtatakang tanong ni Uchi na napa isip pa.

"I think. Vice can get also a perfect score kaso hindi siya sumipot. Ano kaya nangyare dun? Singit naman ni Annalyn na kumakain pa ng mamahaling mamon nabiglang napansin ang katahimikan ni Lenie. "Lenie are you OK? kanina ka pa walang imik aah." Dagdag pa nito.

"Iniisip siguro si Vice.." pabulong na wika naman ni Uchi.

***

~In General Hospital~

Inabot na ng night shift ang lalakeng naka monitor sa cctv ng hospital.

Nakaupo ito at nag ka-kape habang naka tingin pa sa mga malalaking screen na nandun.

Ilang saglit pa'y...

Bigla itong kinilabutan matapos maalala ang na i record na kakatwang bagay sa loob ng CR kung saan makikita sa loob nun ang nangyare matapos mamatay ni Gng. Taeza(ina ni Felix)

Pinanood niya ulit iyon at makikita sa video na nandun si Felix sa loob ng cr na nakaupo sa sulok at tila may kinakausap pa ito sa hangin. Siya lang mag-isa sa loob nun.

"Kawawang bata.. mahal na mahal siguro nito ang kanyang ina." Wika ng lalakeng naka monitor doon na biglang nagulat matapos gumalaw ang isang bakanteng upuan na naka pwesto banda sa likod niya.

Maya maya lang ay bigla na itong umalis..

>>>>>>>>Black Meet's White<<<<<<<

Any comment and feedback for this chapter are accepted.








Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Where stories live. Discover now