Chapter 5: Dreamers

97 51 21
                                    

Sa ilalim ng isang bakuran malapit sa tinitirahan ni Kyle makikita ang isang TUNNEL na itsurang bahay dahil sa pagkaka ayos ng mga gamit doon.

Makikita sa loob nun ang mga libo-libong mga libro, Dart shooting na libangan ng binata at mga survival need ng isang tao upang mabuhay ito sa loob nun .

~In Secret Tunnel~

Maririnig sa loob ng tunnel ang mga hagupit ng suntok, suntok na nag iiwang ng mga mensaheng "YOU'RE DEAD" na nagmumula sa mga kamao ni Kyle.

Kasalukuyang naka tayo si Kyle sa harap ng Punching Bag na halos malamog at mabubutas na sa kaka suntok ng galit na galit na binata

Sariwa pa sa kanya ang nabalitaang pag panaw ng kaibigan nito

Kyle's POV

"Dreamers pala ahh.." sabay suntok ko ulit sa punching bag na nasa harap ko.

"Put*ng In*!" Isang napakalakas na sigaw ang pinakawalan ko sa loob ng tunnel na 'yun.

***

~Somewhere at hideout~

"Huhuhu!. Huhu!. Wag po! Maawa po kayo.." pag-mamaka awa ng isang babae na naka luhod at lantutay na sa dami ng mga pasa at bugbog sa katawan, duguan na rin ito.

Ring.. Ring...

"Ohh! Ikaw pala Mr. Sandoval, napatawag ka ata." Gulat na wika nito, sabay hits nito isang sa sigarilyong paubos na.

"Magandang balita! Mr. Chairman. Pina cancel na ni kyle ang kanyang enrolment dito sa Kingdom. Tingin ko lilipat na siya sa kabilang paaralan." Pagmamalaking balita nito.

"Good Mr. Sandoval, hindi na tayo mahihirapan sa mga plano." Naka ngising salaysay ni Mr. Chairman na halatang may binabalak na masama.

.
.
.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay isang malakas na putok ng baril ang bumalot sa buong hideout at maya maya lang ay tumambad ang isang walang buhay na babae at may tama ng baril sa kanyang ulo.

"Linisin niyo na yan! Wag kayo mag iiwan ng ebidensya." Wika ng CEO ng isang malaking companya

"Opo boss! Kami na ang bahala rito." Sagot ng mga tauhan na nakasuot ng itim na leathet jacket

Nagkalat ang dugo sa sahig.

Agad naman sumakay ng isang itim na van na may plate card na akh 077 ang mayamang CEO para umalis sa nasabing hideout .

***

At dumating na nga ang pinaka aabangan ng lahat...

1st day of school..

Dreamers Academy, isa sa dalawang paaralan na itinayo ng tatlong mayayaman na CEO ng kani kanilang kompanya.

Kilala ang Dreamers na may malinis na reputasyon at kailan man ay hindi pa ito nakitaan ng kahit anong butas.

Sa tulong ng mga White Students ay naisagawa nito ng malinis ang mga events na dumating sa nakalipas na tatlong taon.

Hindi man magawa ng paaralan na 'to na manalo sa Kingdom High sa (BOS) ay labis parin itong hinahangahan.

~In Dreamers Academy~

Kyle's POV

Marami na palang nagbago sa paaralang ito matapos ang isang taon. Hindi na ko magtataka kase naman ang pagkaka-alam ko mas dinagdagan ang pondo para sa pagpapaganda ng eskwelahan na ito.

Nag gala-gala ako at nilibot ang buong school at tunay itong gumanda alam nyo bakit?

Saan kayo makakakita ng eskwelahan na bawat room ay may aircon? mayron din ditong Auditorium,Gymnasium at ang mga paborito ng mga scientist ang Laboratory.

Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon