Chapter 1: (Battle of Schools)

238 68 31
                                    

Annalyn's POV

~In Dreamers Academy~

April 26, 2018

 
End of school year na naman at
Abala ang lahat ng mga guro at pati narin ang mga piling mag-aaral sa pag ayos ng stage para sa gaganapin na (Battle of Schools). Taon taon ito isinasagawa.

Dalawang paaralan lang ang nagtutunggali dito ang Dreamers Acad at ang Kingdom High. Ang dahilan kung bakit ito isinasagawa? Kayu na ang bahala tumuklas niyan.

Sa mga oras na 'to, tumutulong ako sa pagaayos ng mga upuan sa ground ng biglang lumapit sa'kin si Mrs. Valdez, ang aming Math Teacher.

"Handa naba ang lahat?" Tanung nito sa'kin

"Yes po ma'am! Handa na po ang lahat. Ang stage, speakers , mic pati narin ang 8 different sets of quiz. What problem is ?.. Wala parin si Vice, isang oras na lang at magsisimula na ang ceremony." Pag-aalalang sagot ko naman.

"Dont worry! if hindi makarating si Vice. Ahmm! Si franciss na lang ang papalit sa kanya , tutal kasama niyo naman siya sa inyong reviews and alam ko na prepared din siya."

"Okey po," Bigla akong napa-isip.

"Vice. Asan kana ba? Kailangan kana namin ." Sabay kuha sa aking phone para tignan ito, alam mo na., I need to check if online ba siya but still offline yung messenger niya and hindi ko rin siya ma contact kanina pa.

(Maya maya lang ay magka-kasamang dumating sila Uchi, Lenie at si Franciss)

"Sungit!." Pa sigaw na sambit nito habang tumatakbo papalapit sakin.

Medyo naiiirata na rin ako dito kay Francis. He always call me SUNGIT araw-araw. Hays!..

"Ohh! Ikaw pala Franciss."

"Sungit, kamusta ang preparation ng ground?" Tanung nito sabay sulyap sa paligid.

Nakatayo kami sa gitna ng ground habang inaayos ng mga kapwa namin mag-aaral ang mga gagamitin na upuan para sa Battle of Schools ceremony.

"Isa pang SUNGIT jan tatamaan kana sakin Franciss." Pagtataray na sambit ko sa kanya.

"Sige na sige na, hindi na kita tatawagin SUNGIT, at baka mahiwa pa ako niyang matalas mong mata. Whahahah." Panguurat na salaysay nito. "Teka btw, mukhang mas maganda ata ang ground ngayon kumpara dati.

"Oo nga franciss." Tugon naman ni Uchi.

"Annalyn, nandito naba si Vice?" Tanung ni Franciss

"Hindi ko rin alam Franciss, kayo hindi niyo ba kasama kanina?."

"Kanina' kasama pa namin siya nag lunch, pero nagmadali din siya umalis, wala naman siya nabanggit."

"Susubukan ko siya tawagan ngayon, tanungin natin kung nasaan na siya." Sambit ni Uchi sabay kuha sa kanyang cellphone na nasa kanang bahagi ng bulsa ng pants niya, para tawagan si Vice.

*phone rings...

"Wala parin, hindi niya sinasagot, dapat nandito na siya sa gan'tong oras." Dagdag pa ni uchi.

Bigla kong naisip na kailangan pala ako kausapin ni Sir Dominggo na nasa faculty ngayun.

"Guys! Wait, I have to go , pupunta lang muna ako sa Faculty, balak pala ako kausapin ni Sir. Dominggo."Paalam ko sakanila.

"Ghe Atin, mukhang mahalaga ata yang pag-uusapan niyo ni Adviser. Ahmm.. Samahan muna rin Uchi." Sagot naman ni Lenie

"Ako Lenie?" Sambit ni Uchi.

Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon