Chapter 3 : Black Prince

138 56 14
                                    

Sa isang paaralan ng Kingdom High natin makikilala ang unang Bida? o Kontrabida?
na si Kyle Sigma. Sino ba siya?

Bago ang lahat...

Anong klaseng paaralan ba ang kingdom High?

Simple lang....

Ang paaralan lang naman na 'to ay isang sikat at kilalang paaralan dahil sa taas ng Evaluation Points nito at ito rin ang lagiging nangunguna sa kumpitensya sa kanilang kalabang paaralan di kalayuan lang ang Dreamers.

Sa kada taong isinasagawa ang Battle of Schools ay hindi pa ito natalo sa Dreamers

Ooopppsss!!

Teka!!

Balik tayo kay Kyle Sigma.

Sino ba siya?

Ano ang papel niya sa istorya?

Si Kyle ay isang sikat na estudyante sa kanilang paaralan, dahil sa angking nitong...

Kayabangan, Pambubuli, Kabastusan sa mga guro at etc..

Pero meron din naman siyang kakaibang abilidad na dahilan kung bakit hindi pa siya na expeled sa paaralan na kanyang pinasukan.

Ano ito?

Yan ang alamin natin

***

2 months before the BoS

~In Kingdom High~

Kyles's POV

Flag ceremony na naman, ang lahat ay nasa ground pero nandito ako ngayon sa study area at naka higa, tanghaling tapat kasi ngayon kaya naman panigurado mainit sa ground, tusta talaga pag naka bilad, nasa bandang blind spot naman ako naka pwesto kaya hindi nila ako napapansin.

Kasalukuyan akong nakahiga at naglalaro ng phone ko nang biglang may papalapit saking lalaki.

Teka sino kaya to?

"Ohh! Ikaw pala Jp, bakit ka nandito?
Hindi pa tapos ang ang flag ceremony ha?" Tanung ko sa kanya sabay tayo ko sa kinahihigaan ko

"Boss B, ok lang, wala naman nakapansin sa'kin pag punta ko dito, Boss ok na po pala yung class 3-I naka usap ko na si Hunter, ang sabi niya gusto ka daw niya makausap mamayang uwian sa battle ground"
Sagot naman nito.

Si Hunter lang naman ang mailap na lider ng class I na matagal nang ayaw makipag tuos sa'kin. Tingin ko natatakot siya or ayaw lang niya mapahiya sa sarili niyang section

At si Jp naman, ang matalik kong kaibigan at tagasunod kuna rin, minsan kona rin siya natalo sa isang dwelo nung bagong transfer ako dito.

At ako? Teka! Hindi niyo pa pala ako kilalang lubos, Im Kyle Sigma. aka 'beast' ang Genius Beast ng Kingdom high, Nasa pinaka dulong section ako na class 3-K ang kinatatakutan ng lahat.

Mahilig ako sa gulo at away kaya naman kahit genius ako ay nasa dulong section ako. Genius? Oo yan ang tingin ko sa sarili ko, hindi kona magawang makinig pa sa mga tinuturo sakin sa school dahil sa kadahilanang alam kona ang bawat lesson na itunuturo sakin kaya naman madalas na lang akong matulog.

Paulit ulit din akong napapatawag sa Guidance Office but still hindi nila ako magawang ma expell sa class, the reason why? Yan ang hindi ko alam.

opppss!..

Teka!.

Bakit nga pala ako mahilig sa gulo at away? Sadya bang wala lang akong magawa at nakikipag basag ulo ako?

Ito ang dahilan..

Im a very competetive person at ang trip ko ngayon ay pagharian ang Kingdom High.

Ako ang laging nangunguna sa bawat exam sa buong school at nagtataka sila kung paano ko 'to nagagawa, ang tingin nila ay nag cheat ako or may milagrong ginagawa.

Pero...

Napatunayan kona na mali ang iniisip nila at napahiya sila..

Kasabay din nun ang pag hahamon ko ng isang dwelo sa pinaka siga ng bawat section sa kingdom at lahat ng nakatuos ko ay ni hindi manlang naka porma sa'kin

Thats why they call me beast ang hari ng Kingdom high

***

It's already 3:30pm na, lunch break na pala namin at kasalukuyan kong kasama si Jp sa Canteen at doon kami naka pwesto sa paboritong kong pwestong table sa bandang unahan malapit mismo sa bilihan ng food.

Walang nag tatangkang pumwesto dun sa table na yun dahil alam ng lahat na ako lagi ang umuupo dun pag break time.

"Boss B, ano kaya nasa isip ni Hunter at gusto niya makipag usap sayo after ng uwian." tanong ni Jp sabay kagat sa hawak niyang burger with hot sauce, paborito niya iyon at yun lagi ang binibili niya pag breaktime

"Jeyps! sa tingin ko, Naisip na ni Hunter na hindi sa lahat ng oras ay magtatago siya sa'kin, 2 buwan na lang ang nalalabi at magtatapos na ang school year na 'to, at panigurado na mag ku-krus din talaga amg landas namin." sagot ko naman habang naka-titig sa kumakaen na si Jp

Si Hunter na lang kasi ang natitirang siga sa Kingdom na hindi ko pa nakaka-laban.

Pinataob kona sila....

Trol, ang patpating siga ng class H.

Proxi, ang chickboy siga ng class J.

Psycho, ang mahilig mag puslit ng mariwana at bully ng class G.

At Marko, ang matangkad ngunit ampaw na leader naman ng class F.

Yan..

Ang class E hanggang class A puro nerd ewan ko ba! masyado siniseryoso ang pag-aaral.

"Panigurado boss B, pag nagtuos na kayo ni Hunter hindi yun uubra sayo kahit pumusta pa ako 10 pirasong double patty cheese burger with hot sauce. hahahaha!" Pabirong saad nito na biglang natawa dahil kahit ang paborito niyang burger ay ipupusta niya para sa laban namin ni Hunter.

"hahaha! Kupal ka talaga." bigla rin akong natawa sa sinabi nito.

Ringg...

Ringg....

Ringg......

Bell na naman at kailangan na ng lahat bumalik sa kani-kanilang klase.

Ang lahat ay nag si tayuan na sa kani-kanilang table para umalis at umakyat na sa kanilang section

Tapos na kasi ang breaktime, pero para sa'kin ay extended pa ito hanggang kahit anong oras ko gustuhin.

Tumayo na rin kami ni Jp at sabay na lumabas ng Canteen.

"Geh boss B akyat na ako, maiwan na muna kita." wika niya na agad tumakbo papalayo at umakyat na sa taas.

Eto na naman ako at muling mag oover the bakod, alam niyo na! Ang gawain ng mga lokong estudyante na katulad ko, ang tumalon sa bakod ng school para lumabas.

Kasalukuyan ako ngayong papunta sa Open court area na madalas kong tambayan hindi yun kalayuan sa Kingdom High.

Nang makarating ako roon ay nagulat ako sa nakita ko..

Aba teka! Ano ang ginagawa dito ni Hunter?

Naka tayo siya sa tapat ng score board at naka sandal sa pader na nandun.

Nilalaro rin niya ang hawak niyang isang matulis na balisong. Gusto kaya nito makipag away? Agad din akong tumingin kaliwa't, kanan pero wala naman akong ibang nakita kundi siya lang.










Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Where stories live. Discover now