Chapter 12: Unexpected Guest

61 24 6
                                    

*Present day*

~In Sto. Dominggo's House~

Pasado ala-una na ng madaling araw nang matapos sa pag che check ng mga answer sheet ang binata at wala pang nobyang adviser ng class A.

Dahil sa pagod at antok ay sa lamesa na ito naka tulog, katabi ang mga nai- check ng answer sheet na naka clip pa at naka hiwalay naman sa bandang kanan ang apat na answer sheet na may pinaka matataas na score.

---

Sto. Dominggo POV

Sa kasarapan ng aking tulog, ako'y nagising hindi dahil sa alarm ng phone ko na naka max volume pa. Ako'y nagising dahil sa alaga kong si Whiskey na hinilamusan na ang pisngi ko ng laway nito.

Malambing kasi talaga 'tong si Whiskey isang Pug breed adult dog at madalas sa ganitong oras (8am) ay inuunahan pa neto ang phone ko sa paggising sa'kin

Kahit medyo tinatamad pa dahil puyat ay pinilit ko paring bumangon dahil meron akong klaseng dapat pasukan mamaya.

Mahalaga rin 'tong araw na 'to dahil mamaya na malalaman ng buong klase ko, kung sino-sinu ang apat na magiging bagong klasmeyt.

Hindi alam ng buong klase ko mamaya na may surprise ako sakanila.

---

Kakatapos ko lang magsipilyo ng bigla kong maiisip na kailangan ko na pala pumunta sa pet shop para bumili ng dog food.

Dali-dali ako nag hilamos at nagpalit narin ng suot.

Pagka baba ko ng hagdan ay nakita ko sa kusina na may niluluto ang nakaka bata kong kapatid na si Leslie. Isang Call Center Agent.

"Good Morning! po Kuya." Naka ngiting bati nito.

"Good Morning! Din Les." Bati ko rin sakanya. "Teka! Wala kabang pasok ngayon? Akala ko ba'y sa lunes pa ang off mo." Pagtatakang tanong ko dito.

"Masama po kasi ang pakiramdam ko ngayon. Gawa siguro ng sunod-sunod na overtime nung mga nakalipas na araw. Dont worry! kuya, nag paalam naman ako sa manager manager namin." Paliwanag nito habang nagluluto fried egg. Papares ata sa sangag na naka handa sa lamesa.

"Ah.. ganun ba? Ghe! Aalis muna ang pogi mong kuya, need ko na kasi bumili ng pagkain ni Whiskey. Tutungo lang muna ako saglit sa Pet shop then didiretso narin ako sa drugstore para mamili ng gamot mo."

"Sige!" Tipid naman na sagot nito

At dali-dali na nga ako umalis, tumungo muna ako sa pet shop gamit ang aking motorsiklo para bumilin ng makakain ng alaga ko at pagkatapos nun ay dumiretso na akong drugstore para bumili ng gamot.

---

At nang ako'y makauwi na sa bahay ay isang hindi inaasahang bisita ang aking  nakita.

"Long Time No See! Sir." Pambungad na bati ng isa sa paborito kong estudyante sa class A

"T-teka! Vice? Ikaw ba talaga yan?" Tanong ko sa kanya. Sabay lapag ng pinamili kong dog food at gamot sa isa pang sofa katabi ng kina uupuan ni Vice.

"Yup! Ako parin po ito. Ang paborito niyong estudyante. Sa katunayan bago ako pumunta dito ay namili na ako ng pagkain ni Whiskey, then Meron din pala akong Canned Beer dito." Sabay hagis nito ng canned beer sa'kin.

Agad ko naman ito sinalo.

"Musta pala Vice? Balita ko kahapon ka pa lang daw pumasok. Ba't hindi ka pala nagpakita sa'min?" Prangkang tanong ko habang nag aayos ng makakain ni Whiskey.

"Ahmm ganun ba? Whahaha! Sir naman.. syempre gusto ko talaga kayo makita pati narin sila Lenie, Uchi, Ybanez and Atin pero dahil sa mga nagawa kong hindi maganda last year, ay nawalan ako ng lakas loob mag pakita sa inyong lahat." Paliwanag nito sabay inom nito sa canned beer.

"Ayos lang naman sa'min yun, sa totoo nga miss ka na nang buong Class A lalo na sila Lenie, Ybanez, Uchi and Atin. Naku! Siguradong matutuwa yun pag nakita ka na nila." Paliwang ko sa kanya habang pinapakain na si Whiskey. "Ohh ! Ba't ayaw mo ata kumain ngayon Whiskey? Ang pagkaka alam ko hindi kapa kumakain simula ng umalis ako kanina." Tanong ko kay Whiskey, sana nga lang sumagot ito.

"Whahahah! Sir naman.. pinakain ko na kasi yan kanina, eto nga oh.. may tira pang dog food dito." Wika nito sabay hawak sa binili niyang dog food.

Nakalimutan ko. Bumili nga pala ito ng makakain ng alaga ko.

Sa tuwing nabisita talaga 'tong si Vice sa bahay, ay hindi nito nakakalimutan na magdala ng dog food at beer, minsan pa nga ay naiipon na ang canned beer sa ref at pati dog food para kay whiskey ay naiipon na rin.

"Sir! Sorry po pala." Seryosong sambit ni Vice habang nakatitig lang sa TV at hindi magawang maka tingin sa'kin

"Baket naman? Dahil ba sa." Tanong ko sa kanya, na hindi kona nagawang tapusin ang sasabihin ko sana.

"Oo Sir! Dun nga po." Sagot naman nito na tila alam na nito ang balak ko sana sabihin kanina.

Balak ko sana pagaanin ang loob niya sa pamamagitan nang pagsabi ng OKS LANG YUN VICE ITS NOT YOUR FAULT.
Pero matapos kong makita ang mga mata nito na parang may gusto itong patunayan ay mina buti ko na lang na wag na mag salita.

Ang importante sa'kin ay nagawa parin nitong bumalik ng klase. Mataas din kasi talaga ang pride na pinang hahawakan nito ni Vice bilang class president narin siguro.

Tingin ko, dahil sa mga pangyayareng hindi maganda sa kanya last year ay naging mababa na ang tingin niya sarili niya.

---

Ilang saglit pa'y..

Isang malakas na sigaw na nang galing sa 2nd floor ang aming narinig.
I think si Leslie ata yun.

"KUYA!...

>>>>>>>> Black Meet's White<<<<<<<

Authors note

Pabitin muna po unti mga trops.

Tungkol saan kaya ang pag sigaw ng Leslie?

Ano naman kaya ang magiging papel ni  Vice sa kwento?

Hanngang dito na lang muna.

Keep supporting po,

Any suggested song for this chapter?

Any comments and feedbacks are open.

Thanks...



Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz