Chapter 13: Unexpected Event

53 17 6
                                    

Sto. Dominggo POV

Ilang saglit pa'y..

Isang malakas na sigaw na nang galing sa 2nd floor ang aming narinig. I think si Leslie ata yun.

"KUYAAA!!!"

Dali-dali ko 'tong tinungo at naabutan ko si Leslie na naka tayo sa labas ng kwarto niya.

Agad ko s'yang nilapitan.

"Ohh! Bakit Les? Napano ka? Tanong ko  sa kanya.

"K-Kuya! kanina kasi, hindi ko naman ni lock 'tong kwarto ko, pero nag CR lang ako saglit, pag balik ko, naka lock na, tingin mo kuya? May tao kaya sa loob?" Tanong nito na tila mababatid sa kanyang mukha ang takot.

Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon sa harap ng kwarto niya.

"Sige! Si kuya na ang bahala jan. Kukunin ko lang muna yung susi sa baba. Eto oh hawakan mo muna" sabay abot ko sa kanya ng isang walis tambo na nakita ko sa harap ng hagdan. "Wag ka aalis jan."

"Opo kuya!" Sagot naman nito sabay hawak nito sa walis na inabot ko at naka akma pang papaluin ang sinumang lalabas mula sa kwarto niya.

Dali-dali akong bumaba.

"Oh! Ano pong nangyare Sir?" Tanong ng estudyante kong si Vice na tila relax lang na naka upo sa sofa at nanunuod ng TV.

"Tingin ko may naka pasok ata dito sa bahay." Pero napaisip din ako, parang may mali ee. "Ay basta,. Vice jan ka lang aa. Wag ka muna aakyat sa taas, may kukunin lang ako saglit.

---

Ilang saglit pa, nang makuha ko na ang susi ay tumungo na ako sa kwarto ni Les para buksan ito.

"Les! Bumaba ka muna saglit" seryosong utos ko dito

"Kuya naman eh! Tinatakot mo naman ako ee." Wika naman nito na pumwesto sa likod ko at naka hawak pa rin sa walis na tila ba handa na ito pumalo ng kahit sino.

At ng itarak ko na ang susi sa door knob para buksan ito ay nadatnan ko ang.....

Buong klase na sama-samang nandun.

"SURPRISE.. HAPPY BIRTHDAY!!" Sabay sabay na sigaw ng buong klase ko, na talagang  nag-abala pa para pumunta dito.

Aba teka! May pa confeti effect pa.

Ilang saglit pa'y isang kanta ang sabay sabay naman nilang inawit. "Happy Birthday to You, Happy Birthday to You
Happy Birthday..... Happy Birthday to you" habang papalapit naman sa'kin ang mga White Students (Lenie,Uchi,Ybanez,Atin) na nang galing sa likuran ng mga klasmeyt nila at aba! May pa Cake pa talaga?.

Ay.. oo nga pala, kaarawan ko nga pala ngayon. Nakalimutan ko.

Buti pa 'tong mga estudyante ko hindi nakakalimot.

"Ibig sabihin planado niyo talaga 'to?" Tanong ko sa kapatid ko na naka ngiti habang naka hawak parin sa walis tambo na pina hawak ko dito.

"Yup! Sorry if I'd lied. Totoo po talaga kuya, hindi talaga masama pakiramdam ko. Naki pag palit lang po ako ng sched sa ka trabaho ko, then later tinawagan ako ni Lenie, sabi'y pupunta raw sila dito para supresahin ka." Masayang paliwanag pa nito.

Ilang saglit pa'y lumapit sa'kin si Lenie na may dala pang Cake na tipong pinapahipan pa sa'kin.

"Sir! Birthday wish?" Tanong nito

Kitang kita sa mga mata ng buong klase ang saya. Naka tingin silang lahat sa'kin.

Bago ko hipan ang candle na may design pang male proffesor na naka tusok sa cake ay nag wish muna ako.

Black Meets White / The Rivalry Begins (On Going)Where stories live. Discover now