Chapter 34

25K 1.4K 434
                                    

Seal

Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay pabalik sa café. Akala niya yata ay mawawala ako ano mang oras. Bumalik kami sa aming pwesto kanina at naroon pa rin ang aming gamit. Hinila niya ang aking upuan para makaupo ako bago siya umupo. Then he stared at me, like he's afraid that I might vanish.

I smiled at him. Huminga siya nang malalim at binasa ang labi.

"You let me kiss you, so does it mean that you don't love your fiancé?" mariin niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at nagtatakha siyang tinignan.

"I don't have a fiancé.." depensa ko.

He clenched his jaw and closed his eyes tightly. Pagmulat niya ay halata na ang pagod sa kaniya. Napalunok ako at tinignan ang kamay niyang mahigpit pa rin na nakahawak sa akin. Nasa ibabaw iyon ng mesa.

"That's a news from your ate Julianna," aniya.

Napailing-iling ako.

"I don't have a fiancè, Azriel. I'm alone for the past years. I mean, I don't have any man beside me. Si Martina ang kasama ko, ang kaibigan ko rito. Si Philip, bestfriend iyon ni Martina. He's gay," saad ko.

His brows furrowed.

"He's not. The way he held you on the waist—" tumiim-bagang siya.

"No, no, no. He's just like that. But his heart is a woman," nakangiting saad ko. Gusto ko pa sana idugtong na crush siya ni Philip kaso ayoko naman mahiya ang kaibigan ko.

Suplado lamang niya akong tinignan, kapagkuwan ay pinaningkitan ng mata. Parang inaalam kung totoo ba ang sinabi ko. I smiled at him again. Then he sighed.

"Why did you left? Bakit mo 'ko iniwan?" aniya. Nagkatitigan kami. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya na tila matagal niyang kinimkim.

"H-hindi ko namalayan na nasa labas na ako ng Pilipinas. I was not mentally stable. Wala ako sa katinuan sa loob ng halos walong buwan ayon kay Martina," halos ibulong ko 'yon.

His jaw clenched. Halo-halo ang emosyon sa kaniyang mga mata. I tried to smile at him but now, he looks mad.

"What happened?" he asked, almost a whisper.

"Nang gabing iyon ay may nalaman ako na masakit tungkol sa nakaraan. I broke down and lost my control. Then since that day, I was tortured mentally. She destroyed me so it will be easy for her to manipulate me," I answered.

Mariin siyang pumikit. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nginitian ko siya nang magmulat siya ngunit hindi man lang naalis ang galit sa kaniya.

"By whom?"

"My abuela," I answered.

"Your ate Alyanna?" he asked. Natigilan ako nang iyon ang tinanong niya na parang nanghihingi na lang ng kumpirmasyon. Napailing siya. "I felt that she's not a human when I saw her on your graduation day. Pero wala ka naman nabanggit sa akin kaya hindi ako sigurado."

Dahan-dahan akong tumango. He gave me a nod like he wants me to continue.

"At pinigilan niya ang lahat ng paraan ko para magkaroon ako ng komunikasyon sayo. Kahit kila ate Julianna, hindi ko sila makausap nang walang pahintulot niya. Hindi ko na rin magamit ang mga kakayahan ko. Even my strength is not in full force. Kulang na kulang kaysa sa noon. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng 'yon," I uttered.

"That's impossible.." he whispered. Minuto ang itinagal ng kaniyang pananahimik, kapagkuwan ay nag-angat ng tingin sa akin. "Do you have a tattoo?" he added.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon