Chapter 10

27.3K 1.5K 365
                                    

Pageant

Kinabahan ako nang matapos ang talent portion. I think I did well but compared to the other candidates, masyadong simple ang akin. Tatlo lamang kaming kumanta at ang natira ay iba na ang ginawa. Si Sandra ay napakagaling. She did good on her dance. Napukaw noon ang atensyon nang marami. It was an almost sensual dance. Hindi mukhang bastos, but it is seductive. Ang palakpak matapos ang kaniyang presentation ay masyadong malakas. Naghiyawan pa ang mga lalake.

"Sandra, ang galing mo!" puri ko sa kaniya nang magkasalubong kami sa backstage.

The talent portion is already done. Nagbibihis na kami upang umuwi. She smiled at me.

"Salamat. Pero strategy lang 'yon para makuha ang pansin ng lahat," nailing-iling siya at tila hindi masaya.

"Are you okay?" tanong ko nang mapansin iyon

"I'm fine. Masaya naman ako dahil naging center of attraction ako. Kaso tumama nga ang sinabi ng nagturo sa akin. Everyone will be drawn to me when I provoke them in seductive way. Lalo na 'yung mga lalake, hayok na hayok 'di ba?" napaismid siya.

"Pero para sa akin, ang ganda ng presentation mo talaga. You're so confident and seductive. Hindi bastos tignan kasi nadala mo nang maayos," sagot ko.

"At ikaw rin naman, ah? Everyone was silent when you sang! Your voice brought serenity and calmness. Nakakapanindig-balahibo, grabe!" puri niya.

Uminit ang aking pisngi sa kaniyang pagpuri.

"Talaga? Salamat, ha? Naiilang nga ako no'n kasi ang tahimik. Mas lalo akong nahihiya," saad ko.

"Kaya tahimik, because you caught their attention! 'Yung tipong kahit mga naglalaro ng mobile games, tumigil talaga kasi your voice is enticing. I think you'll win this one," malaki ang ngiti na sagot niya.

Napailing-iling ako. Para sa akin talaga ay siya ang deserving sa award na makukuha rito. Sandra really did great.

Dalawang araw bago ang contest ay mas lalong naging nakakakaba para sa akin. Maging si Halsey. Nahihiya na nga ako dahil siya ang pinuno sa pag-organize ng pageant tapos inaasikaso niya pa ako.

"Usually, kapag pageant, ang gagamitin nila na color of gowns ay gold at silver. So your color should be lively and attractive. 'Yung type na kapag tabi-tabi kayo, you'll be the first one to be noticed!" saad ni Halsey.

Abala siya sa pagtingin sa magazine ng gowns na pagpipilian namin. Magazine iyon mula sa sikat na boutique na kaibigan ng pamilya nila. Doon sila nagpapagawa kapag may mga events na pupuntahan. Hiyang-hiya ako dahil alam ko na mamahalin ang mga naroon.

"Halsey, we can just rent a gown sa may tabi-tabi. Sa 2k or 3k, maganda na ang makukuha natin," mahinahon kong saad.

"What!? No way, Laurese. This is a grand pageant, and your first ever beauty contest. Ilalaban natin 'to!" mariin niyang saad.

Napanguso ako. Kaya ko naman ilaban talaga ito kahit mura lang na gowns. Ang two thousand nga ay masyado ng mamahalin. Ayoko ng malaman kung ano ang presyo ng gowns sa magazine na tinitignan niya dahil baka hindi ko kayanin.

"We can have this red, or dark red. Pwede rin itong blue or..." napailing siya at napakamot. "Bagay sayo itong gold na gown. Hindi pa patay ang pagkaginto nito," nalilitong saad niya.

Sinilip ko ang mga tinuturo niya at napakurap-kurap ako nang makita ang design. It will expose a generous amount of my skin!

"Halsey.."

"Wait. Tatawagan ko si Tita Larry, about the trends," saad niya at dinampot ang phone bago umalis.

Kinuha ko ang magazine at hindi ko mapigilan ang sarili na mamangha sa designs. The details are well-made. Ang gaganda talaga ng design tapos ang materials na ginagamit ay hindi basta-basta. Kaya naman pala sikat na sikat ito.

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now