Chapter 30

26.5K 1.4K 532
                                    

Past

"Iulianna.."

Naibagsak ko ang painting at hinarap ang pinagmulan ng boses. Sinundan niya iyon ng tingin saka tumitig sa akin. Ngumiti siya sa akin ngunit alam kong hindi 'yon ngiti ng kasiyahan. Isang ngiti na praktisado niya at ginagamit bilang maskara. Taas-noo siya at tuwid ang tayo. She's wearing a silky robe and in my eyes now, she looks like a gorgeous villain on fairytales.

"..aking apo," she added. Ngayon ay matamis na ang kaniyang ngiti at naglahad ng kamay sa akin. "Halika rito at yakapin mo ako," aniya.

"Ate Alyanna.." bulong ko. Nalilito pa rin ako.

Humakbang siya palapit. Pinanood ko pati ang paghawak niya sa aking braso. Napapikit ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"Ang napakaganda at paborito kong apo," she whispered and kissed my forehead. "Karapat-dapat ka nga bilang tagapagmana. Masyado kang matalino at nalaman mo ang totoo sa maikling panahon! Julianna grew on this mansion and she never discovered. While you..I'm so impressed," she added.

Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at puno ng adorasyon akong tinitigan. Napailing-iling siya at tila namamangha pa rin sa akin.

"N-naguguluhan po ako. Ate o.." napapikit ako. Pagmulat ko ay nakangiti pa rin siya. "Ano ang totoo?" halos bulong kong saad.

Bumitaw siya sa akin at dinampot ang painting na nabitawan ko. She traced the image down to the calligraphy of the name.

"Laurelia Alyanna Felice Vasquez-Garcia. Ang nag-iisang anak ni Laurelia at Faustus Vasquez," aniya. She glanced at me and the side of her lips rose. "And to clear your confusion, ako nga ito, hija.." dagdag niya.

My eyes widen. Sinulyapan ko ang painting sunod ay siya. Naisip ko na 'yon nang mabasa ko ang pangalan kanina ngunit nahirapan ako tanggapin. Because it will only mean something..

My family isn't normal. Hindi bastang tao lang.

"Anak mo si Mamá," saad ko.

Tumango siya bilang kumpirmasyon. Nakagat ko ang labi at hindi pa rin makapaniwala. Kaya pala iba ang turing ni Mamá sa kaniya. Tila ba hindi siya makagamit ng awtoridad.

"Paanong hindi napansin ni ate Julianna?" bulong ko.

She chuckled slowly. Nandiyan na naman ang kakaibang kilabot.

"I don't know to your sister, Iulianna. Maybe she's just stupid and naive. Walang interest para alamin. Alam kong may kalituhan na rin sa kaniya tungkol sa akin ngunit hindi siya humanap ng paraan, sa tagal na niya na nabubuhay! Siguro ay nag-isip na lang ng sariling paliwanag," humalakhak siya.

Napayuko ako ngunit nag-angat din ng tingin nang binuhat niya ang painting ng lalake na may maamong mukha. I saw how her expression soften for a second but it became the usual again. Hinaplos niya ang imahe ng lalake.

"S-sino po 'yan?" hindi ko mapigilan tanungin kahit may naiisip na akong sagot.

"Your abuelo, your grandpapá. My loving husband, Augustino.." she whispered.

Bumuntong-hininga siya at inilapag iyon. Hinarap niya ako at bahagyang nginitian. Inilahad niya ang kamay.

"Halika sa iyong kwarto, doon tayo mag-usap," aniya.

Tumango ako at tinanggap iyon. My eyes widen when we teleported to my room. Napalunok ako at nanlaki ang mata.

"Paanong.."

"I'm sorry if I lied to you, my Iulianna. Patawarin mo rin ang iyong Mamá," aniya at pinaupo ako sa kama. Kumuha siya ng hairbrush at saka iyon ginamit sa aking buhok.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon