Live
Inihatid ako sa hospital na pinagdalhan sa kaniya. Buong biyahe ay tulala ako habang naninikip ang dibdib. Hindi ako makahinga nang maayos. Hindi ko kakayanin. Hindi totoo ang lahat ng 'to.
Maella, huwag ganito. Huwag mo ako iiwan.
Sumalubong sa akin si Halsey. Her nose is red and her eyes are puffy. Inilingan ko siya nang magkita kami. Hinila niya ako at tumakbo kami patungo sa kung saan. Hanggang sa tumigil kami sa harap ng kwarto. Binuksan niya ang pinto para sa akin.
Mariin akong pumikit. Ang madadatnan ko ay ang nakangiting si Maella. She'll congratulate me with her sign language. We'll celebrate my achievement.
Humakbang ako papasok. Isang doctor at dalawang nurse ang naroon. Si Sir Harry at Maam Julianna ay nasa gilid, bakas ang luha sa mata ng ina ni Halsey. They look at me, with pity in their eyes. Bumaba ang tingin ko sa kama at halos nanghina ang tuhod nang makita siya. Handa na...para dalhin sa morgue.
"Maella!" I shouted and run to her.
Niyakap ko ang kaniyang katawan. Nag-unahan sa pag-alpas ang mga luha ko. Sa bawat tumutulo ay may pumapalit, tila walang katapusan. Napabitaw ako sa kaniya at napailing-iling. Napahawak ako sa ulo sunod ay sa kaniya muli, hindi alam ang gagawin.
"Maella, gumising ka! Maella! Mababaliw ako! Huwag ganito!"
I hugged her cold body again. Ibinaon ko ang mukha sa kaniyang leeg. Hindi ko alam ang dapat gawin. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang labis na sakit sa puso ko. Tila hinihimay ito nang unti-unti. Sobrang sakit.
"Laurese!" narinig ko ang hagulhol ni Halsey. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa aking likod. Hinarap ko siya at nagmamakaawa siyang tinignan.
"Halsey, hindi 'to totoo 'di ba? Buhay pa si Maella? Buhay pa siya. Maella ko!"
Humigpit ang yakap niya sa akin. I pushed her away and sat on the floor. Ang dami kong nararamdaman at ang sakit-sakit. Gusto ko magwala! Gusto ko saktan ang sarili ko para mawala ang sakit sa emosyonal na aspeto. Sinabunutan ko ang sarili at pilit 'yon na tinanggal ni Halsey. Tumayo ako muli at niyakap si Maella.
"Please, gumising ka! Kahit ngayon lang, sana marinig mo ako, Maella. Gumising ka, please! Huwag naman ganito! Huwag mo ko iiwan!" inalog ko siya, umaasa na magising siya. Ngunit hindi nagmulat ang kaniyang mata. I tried to pump her chest. I'm going insane.
Napalayo ako sa kaniya nang may maalala. Lumapit ako kay Sir Harry at Maam Julianna. Lumuhod ako sa harap niya at halos hagkan ang paa nila.
"Maam, Sir, please, ipagawa niyo po sa doctor ang lahat. Buhayin po nila si Maella! Kahit magkano ang magastos, babayaran ko. Magtatrabaho ako, kahit gawin niyo na akong alipin habambuhay para bayaran 'yon. Nagmamakaawa po ako, pakiusap! Hindi...hindi ko po kaya! Buhayin po nila si Maella! Huwag si Maella!"
I felt a hug from my back. Napaangat ang tingin ko nang lumuhod sa harap ko si Maam Julianna. She's crying too. Lalo akong napaiyak nang niyakap niya ako.
"I'm sorry," she whispered softly.
I cried hard on her shoulder. Hindi ko alam kung gaano iyon katagal. Ngunit nang tila naubos na ang luha ko ay tumayo ako at lumapit kay Maella.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Tila takot ang kaniyang ekspresyon. Hinawakan ko ang kamay niya at tahimik na lumuha. Hinaplos ko ang kaniyang mukha.
"Patawad, mag-isa kang hinarap iyon. Sorry, hindi ka nasamahan ni ate. Patawad. Mahal na mahal kita, mahal sobra, Maella."
Niyakap ko siya nang matagal. Kapagkuwan ay hinaplos ko ang mga suot na medalya. Nakasuot pa rin ako ng aking toga. Hinalikan ko siya sa pisngi at noo. Wala ng kwenta ang lahat ng ito, lahat ng natanggap ko dahil wala na siya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...