Chapter 24

26.2K 1.5K 325
                                    

Truth

Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas. Pagod kong inihiga ang katawan sa kama habang nanghihina. Napapikit ako at patuloy na may lumalabas na dugo mula sa aking bibig. Masakit pa rin ang aking tiyan at nanghihina na ako nang tuluyan. I feel so weak.

My tears are still non-stop. Halong sakit at awa sa sarili ang nararamdaman.

Kahit hindi nila ako gusto, sana hindi na lang umabot sa ganitong punto. Para akong aso na nilason lang nila. Even animals don't deserve this kind of treatment. I don't deserve this. I don't..

Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng malay sa aking katawan. I tried to open my eyes, fighting for my life. Ngunit ang hirap. Ang hirap tiisin ng sakit ng pisikal at emosyonal.

"Laurelia."

Pinilit ko buksan ang aking mga mata. Malabo na ang aking paningin ngunit nakita ko ang pagpasok ng isang pigura sa malaking bintana. Then in a snap, he's already holding me. I tried to smile at him to ease his panic.

He really came for me..

"What happened to my baby? Tell me.."

He hugged me tightly. Naramdaman ko pa ang bahagyang pag-alog niya sa akin para gisingin. Kaunti na lang ang natitirang kamalayan sa akin.

"Your body is having a hard time to produce an antibody."

Tuluyan na sana akong mawawalan ng malay ngunit mayroon akong nasamyo na bango. Hinawakan niya ang likod ng aking ulo saka ako sinubsob sa kaniyang leeg. I smell the intoxicating scent of his blood. I felt my fangs grew longer. I immediately suck on his blood. Humigpit ang hawak niya sa akin at pinagdiinan ang aking mukha. I felt my consciousness slowly going back. My senses went back. Slowly, I felt my surrounding again.

Ako na mismo ang lumayo nang maramdaman na umayos na ang aking kalagayan kahit paano. I am still weak but already enough to be conscious. I can feel his blood streaming inside me.

Nagkatitigan kami. I smiled weakly at him. Pula rin ang kaniyang mga mata ngunit unti-unti iyon na bumalik sa kulay ginto. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. His thumb caressed the side of my lips to remove his excess blood. Inilapit niya iyon sa aking labi. I licked his thumb and he just watched me do it.

My tears began to cloud my eyes again. Yumakap ako sa kaniya at sumubsob sa kaniyang dibdib. He caressed my back and kissed the top of my head.

"I'm here. Don't worry. We will go out of here.." he whispered softly. Then I felt that we vanished on the thin air.

Ilang segundo lang ay naramdaman ko na nasa isang kama kami. Pagmulat ko ng mata ay napagtanto ko na nasa kwarto niya kami sa kaniyang condo.

Inilapag niya ako saka siya lumayo sa akin. Naiwan akong tulala sa kawalan. Pagbalik niya ay may dala siyang shirt. He handed it to me.

"Change," he uttered.

I just stared at him. I feel so weak. My physical body can't feel anything. Parang gusto ko na lang na mawala na parang bula. I want to shut down.

He sighed and sat while staring at me.

"I w-will change your cloth. Is that okay with you?" he softly asked.

Marahan akong tumango at natulala lang sa kaniya. Pinagmasdan ko ang mga detalye niya. May pag-aalinlangan sa guwapo niyang mukha. I'm lucky to have someone like him. Kahit anong hirap na dinanas ko ngayon ay nalampasan ko dahil sa kaniya.

Hinawakan niya ang aking likod at naramdaman ko ang pagbaba niya sa aking zipper. I heard him cussed under his breath.

"She's not wearing a bra or something?" I heard him whisper.

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now