Chapter 15

28.8K 1.6K 584
                                    

Shifting

Tahimik lamang kami sa biyahe. Madalas ko siyang sinusulyapan at naabutan siya na seryosong nakatitig sa daan. Bahagyang kunot ang noo habang mahigpit ang hawak ng isang kamay sa steering wheel.

Tumingin siya sa akin kaya halos mapatalon ako. Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan na lamang ang mga nakahintong sasakyan dahil sa pula ang traffic light.

"How's your first day?" he asked, breaking the silence. May kung ano na naman kiliti sa puso ko nang marinig ang boses niya.

"Okay naman po. Still adjusting sa new environment," saad ko.

Muli niyang minaniobra ang sasakyan. Bukas na ang dalawang unang butones ng kaniyang polo. Umiwas ako ng tingin sa takot na maabutan niya ako muli na nakatingin sa kaniya.

"May mga kaibigan ka na?"

Umiling ako nang maalala ang mga kaklase.

"K-karamihan sa kanila ay galing sa ibang school. May iilan na nakakakilala sa akin ngunit hindi ko naman sila k-kilala.." I uttered.

Pinanood ko ang pag-ikot niya sa manibela. Bahagyang lumitaw ang ugat sa kaniyang braso. Napakurap-kurap ako at napanguso nang may maisip.

Itinigil niya ang sasakyan sa harap ng isang coffee shop. May maliit na parking space para sa mga customer sa harap nito. Akma kong bubuksan ang pinto ngunit bumaba na si Sir Azriel at umikot upang pagbuksan ako.

"Thank you," nahihiyang bulong ko. Tumango siya at naunang maglakad.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Tumunog ang hudyat na may bagong dating kaya marami ang napatingin sa amin. Agad na humaplos ang lamig na dulot ng aircon sa aking balat.

"A!" maligayang saad ng lalake mula sa may counter.

Lumapit ito kay Sir Azriel at nagfist bump sila. Matangkad ito ngunit mas matangkad pa rin si Sir. He's wearing a longsleeve polo and slacks. Maayos ang bahagyang kulot niyang buhok at halos nakapikit na ang singkit na mata sa pagkakangiti.

"Napabisita ka at.." sinulyapan ako nito at bahagyang kumunot ang noo. Kapagkuwan ay sumulyap kay Sir Azriel at bumalik sa akin. "Good evening madame!" pormal niyang saad at may maarteng accent pa. Kinuha niya ang aking kamay at hinagkan ang likod noon. Nabigla ako at napaatras.

"Eliot," mariin na saad ni Sir Azriel.

The guy chuckled and raised his hands like he's surrendering. He smiled at me.

"May girlfriend ka na pala, A, ha? 'Di mo sinabi? Kaya naman pala wala kang gf mula noon kasi ang taas ng standard mo oh.." saad nito at muling sumulyap sa akin matapos ako tignan mula ulo hanggang paa.

Uminit ang aking pisngi. Hindi naman umimik si Sir Azriel.

"Give me my usual order. Sayo—

"H-hindi po ako girlfriend ni Sir Azriel. Estudyante niya po ako," marahan kong saad. Baka may makarinig sa kaniya at magkaroon na naman ng issue si Sir A. Mabuti nga at nakabalik siya sa Montecarlos.

Nanlaki ang mata ng lalake at biglang tumawa. Tumiim naman ang bagang ni Sir Azriel at iritadong pinanood ang kaniyang kaibigan. Kapagkuwan ay umalis siya at dumiretso sa dulong upuan.

"Ano sayo, Miss..." natatawa pa rin nitong saad.

"Therese po ang pangalan ko. At gano'n na lang sa akin katulad kay Sir Azriel," magalang kong sagot bago naglakad patungo sa pwesto na pinili ni Sir. May dala naman akong pera pambayad. Gusto ko rin makasubok ng products nila.

Umupo ako sa harap niya ngunit hindi niya ako pinansin. Kunot ang noo nito na nakatitig sa labas.

Pinagmasdan ko ang paligid at hindi mapigilan mamangha. The coffee shop looks classic. May iilan na paintings sa pader at mga motivational quotes. Meron ding iilang succulent plants. Tumingin ako sa counter at pinansin ang listahan ng products nila. Except sa mga kape, milk tea, frappes at shakes, meron din silang mga baked goods.

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now