Chapter 18

29.1K 1.5K 767
                                    

Mad

"Of course..we can be friends, Sir Azriel. Pero imposible na ikaw lang. You see, I have Halsey, Ysabel, Ysmael and Jared as friends too. And I think I am going to have another friends.." mahinahon kong saad.

His jaw clenched then he looked away. May kakaibang emosyon sa kaniyang mata bago umiwas ng tingin. I saw how his chest moved when he sighed. Nang nilingon niya ako ay seryoso na siya.

"Go home. I'll watch you," he uttered.

Awtomatikong kumilos ang aking paa matapos tumango. Habang naglalakad papasok sa eskinita ay halos tulala ako. He offered friendship to me. This is too much! Masyado yata akong sinuswerte.

I mean, I like him. I admire him so much. Ni hindi ko naisip na magiging kaibigan ko siya. Tila masyadong imposible pero..heto na nga. Pinigilan ko ang ngiti at nagmadali na sa paglalakad.

Kinabukasan ay natanggap ko na ang aking uniform. Apat ang natanggap kong uniform. Para sa p.e, ang regular, type A at type B.

"Oh, delivery sayo?" tanong ni Cindy pagdating nila sa classroom. Sila kasi ay pinapila dala ang kanilang mga resibo.

"Siguro dahil wala akong resibo," saad ko.

"Scholar ka?" takhang tanong niya. Tumango ako at nanlaki ang mata niya.

"Kaya pala. Balita ko, alagang-alaga nitong Montecarlos mga scholar nila eh. Paano?" she asked.

Umingay ang classroom dahil sa pagdating ng iba. Kaniya-kaniya nilang tinignan ang uniform.

"I won the Montecarlos pageant," I softly said. Nanlaki muli ang mata niya at pinuno ako ng tanong.

The dean visited us again to inform about the uniform. Kung anong araw iyon gagamitin at ang tamang ayos ng buhok. Ang p.e uniform ay gray shirt at jogging pants. Sa regular uniform naman ay ang usual na uniform. Kulay puti ang pang-itaas, gray na ribbon, at gray na pencil cut skirt. Lahat ng college girls ay may gano'n na uniform. Ngunit para sa course namin ay may dalawa pa. Ang type A at type B. Type A is a two piece uniform. Kulay itim na crop top at itim din na high waisted skirt. Sa sleeves noon ay may dalawang kulay dilaw na guhit. May yellow scarf din na itatali sa leeg. Ang type B naman ay gray na skirt, puting polo na panloob at gray na coat. May dalawang dilaw rin na guhit sa mahabang manggas at kulay dilaw na scarf na nakasabit sa may kwelyo ng panloob. Ang dalawang type ng uniform ng course namin ay may kasamang cap na katulad sa mga F.A.

"Your hair should be on a clean bun. Ayokong may parang siopao riyan sa tuktok ng ulo niya. Low bun lang. Kasama ng uniform ay ang hairnet decorated with a ribbon. You'll use that. And also, always put a simple make-up on your faces. You need to look presentable always."

Everyone is excited to wear the uniform. Ako naman ay wala lang. Naiintindihan ko naman dahil alam kong marami sa kanila ay gusto maging flight attendant at mukhang ganoon ang aming uniform.

"Bye, Therese! See you tomorrow," paalam ni Cindy. Sasagot sana ako ngunit tila may naalala ito at humarap muli sa akin. "Nga pala, sama ka sa amin next time nila Joanna. Magandang bar ang lagi namin pinupuntahan. Please!" she made a puppy eyes. Natawa ako ngunit nag-aalangan pa rin.

"Hindi ako sigurado, Cindy.." I whispered. She pouted.

"Kung ayaw mo uminom, pwede naman na juice lang. I just really want to hangout with you. My friends from different course want to know you personally! They are really looking forward. Kahit one time lang, sa birthday ko sa sabado, please?" she begged. Pinagsiklop pa niya ang dalawang palad.

It is hard for me to say no. Ngayon ay halos lumuhod pa si Cindy. It's her birthday on saturday and it's my day-off. I sighed. I'm curious what is happening inside the bar. Bakit maraming nahuhumaling. Hindi naman sa gusto ko, but I'm curious. Should I give it a try?

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now