Chapter 1

44.4K 1.8K 505
                                    

Shelter

Life isn't easy for me. Noon pa man sa piling ng tiyahin ko ay hirap na hirap na ako. Ang pagkain nang tatlong beses sa isang araw ay isang bagay na matatawag kong swerte. Pati na rin ang salitang pagkabusog. It is so rare for me to have and feel those two. Isama pa ang mga masasakit na salita at pisikal na pananakit ng asawa ng aking tiya.

I consider my life as darkness. And education is the glimpse of light. Para sa amin ng aking tiyahin ay iyon ang munting ilaw na magdadala sa amin sa liwanag. So I keep grasping on it, I keep fighting for it, believing that one day, darkness would end.

Ngunit nang mawala ang aking tiyahin ay mas lalong nagdilim ang paningin ko sa buhay. Hindi ko alam ang direksyon na tatahakin. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay. Lalo na at kami na lang ni Maella ang natitira. Isa't isa na lamang ang aming masasandalan.

Sa buong buhay ko, wala akong magawa kung hindi pilitin na maging matatag. There is no room for weakness. Hindi 'yon madali, ngunit ang katotohanan na hindi ako nag-iisa dahil nariyan ang aking tiyahin ay nakakapagpagaan ng aking kalooban. Noon 'yon. Ngayon ay hindi ko yata kakayanin. Mas mahirap ngayon sapagkat kailangan kong maging mas matapang at matatag. Dahil ngayon, ako na ang tatayong ina at ama ni Maella.

I had no time to grieve for the gruesome death of my aunt. Ni isang patak ng luha ay walang umalpas mula sa aking mata dahil abala ako sa paghahanap ng paraan upang kahit papaano ay magkaroon siya nang maayos na libing. Tumulong ang mga kapitbahay. They lend some money that helped to have a decent burial. Awang-awa sila sa trahedya na nangyari sa aming pamilya. Halsey also gave money that came from her savings. Nakaabot din sa kaniyang ama ang balita kaya nagbigay rin ito. At kahit nakahihiya ay wala akong magawa kung hindi kapalan ang mukha at tanggapin ito.

It is really a tragedy. Namatay ang aking tiyahin dahil sa 32 na saksak sa kaniyang dibdib. Halos mawasak na ang parteng iyon ng kaniyang katawan. Maella was traumatize. Gone her cheerful aura. Lagi na siyang tulala at walang kibo. My uncle is still on run. Malakas ang paniniwala nang marami na nasa ilalim ng impluwensiya ng droga ang aking tiyuhin kaya nagawa niyang patayin ang sariling asawa. At ang kasama niya sa pagpatay ay wala na. Natagpuan itong patay sa kabilang kanto, kinaumagahan. Hindi ko na inalam kung ano ang ikinamatay niya. I don't know if I should be happy or what upon his death. Ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. There's no room for emotions, now. Hindi muna dapat.

At ang alam ng marami ay inatake ako ng hika at nawalan ng malay matapos maabutan ang nangyari sa aking tiyahin. Na ang rason kung bakit puno ng dugo ang suot kong damit ay dahil yakap ko ang aking tiyahin.

But everytime I recall what really happened, hindi ako nakalapit sa pwesto ni tiya. And the reason why my cloth is full of blood is because, I was stabbed to death, too. Ngunit nagising ako noon, may mga pulis na sa crime scene. Hinang-hina ngunit buhay na buhay, nakayakap na sa aking tiyahin.

Naiisip ko tuloy na baka dala lamang ng takot kaya naging malikot ang aking isipan at gumawa ng senaryo kung saan ay pinagsasaksak din ako ni tiyo. Ngunit sa tuwing haharap ako sa salamin at tinitignan ang katawan ay naroon ang mga tanda ng pagsaksak sa akin. Wala ng sugat ngunit ang mga guhit ay namumula. Tila naging peklat ito. At kung bibilangin ay umabot sa 20 ang natamo kong saksak.

I know, a mysterious event happened. Patay na rin dapat ako, but I was resurrected. My wounds were gone but there are scars. At magiging ebidensya ito na may kakaiba talagang pangyayari. And I want to know how that thing happened. Who's that mysterious person who helped me? What is he?

Sa dami man ng tanong sa aking isipan ay hindi ko 'yon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa dami ng mas mahalagang dapat gawin. Matapos ang paglibing kay tiya ay pinilit ko na matapos ang junior high lalo na't dalawang buwan na lamang ang natitira. It was hard because I need to study at morning and earn money at night to feed my traumatized cousin. Mabuti na lamang at may mabuting loob na pumayag na alagaan si Maella sa umaga habang nasa eskwelahan ako. Kapag gabi naman ay pipilitin ko siyang kumain at papatulugin sa bahay saka magtitinda ng balut.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon