Kabanata 10

31 4 1
                                    

Kabanata 10

Pagkatapos ng dalawang klase pa namin, tuwang tuwa ako kasi makakadalaw na ako kila papa. Excited na rin si Chanel.

Palabas na kami ni Chanel at nagpa planong bumili muna ng mga prutas bago dumalaw kila papa. Napatigil ako ng tumigil siya sa paglalakad habang nakatingin sa phone niya.

"What's wrong?" kumunot ang noo ko.

Napabuga siya ng hininga. "I got a text from dad. Sabi niya, we would have a family meeting. It's a serious matter daw kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta. He even threatened me na magiging grounded ako for 2months pag hindi ako sumunod!"

Napapadyak siya sa sahig.

"Oh, ganun ba? Okay lang naman, ako nalang mag isa. Isasama nalang kita next time." I smiled to reassure that it's fine with me.

"But... I really wanted to go." bumuntong hininga siya at tumingin sa akin.

"Sabi ng dad mo serious matter daw. You should come, Chanel." nagtaas baba ako ng kilay. "I'll take you tomorrow or the day after tomorrow."

She sighed again. "Okay.. Tell tito, mag pagaling siya and stay strong."

Tumango ako. She waved her hand at me. Tumakbo na siya papunta sa likuran ng building dahil nandoon ang parking lot.

I stopped by the library to bring back the book. Himala ah? Walang bakas ni Azure ngayon. It's not like I was expecting him to come pero--ugh basta hindi ako nag eexpect na makikita ko siya.

Naglalakad na ako palabas nang mapansin kong unti unting pumatak ang ulan. Hanggang sa palakas ito ng palakas.

"Wrong timing naman!" padabog akong tumakbo palabas. Wala pa naman akong payong!

Nang makalabas ako ng campus, dumiretso agad ako sa waiting shed dahil medyo basa na ako. Ugh!

Halos mapatalon naman ako ng kumidlat at kumulog ng napakalakas. I'm scared of thunder!

"Hop in, chihuahua."

Lumingon ako sa gilid ko at nakita si Azure sa loob ng kotse. Nakababa ang bintana nito.

"H-ha?"

"I said, hop in. Mahirap mag commute kapag umuulan. Dali!"

Agad tuloy akong napapasok sa loob ng kotse niya. Nanginginig tuloy ako sa lamig pagpasok ko sa kotse niya. Pano ba naman, basa ako tapos ma e aircon-an.

"Here."

Kinuha niya ang coat niya sa likod at pinatong ito sa akin. Naamoy ko agad ang nakakadik at pamilyar na amoy ni Azure sa coat. Natural na amoy niya ito at hindi pabango pero nakakadik pa din. Pwede na yata to kesa sa shabu.

I thanked him.

"Dadalaw ako kila papa sa ospital. Sama ka?" I hugged the coat more. Nilalamig talaga ako. Nang mapansin ako ni Azure na giniginaw, binabaan niya sa 1 lang ang aircon.

He started the engine and looked at me. Medyo natatakpan pa ng magulong buhok niya ang mata niya. I looked away.

He shrugged. "Sure. Pero sana dalhin mo na din ako sa loob ng ospital. I was bored waiting for you outside for hours, chihuahua."

Tumawa ako ng malakas at nag sorry. Pagkatapos non, umalis na kami at nang may madaanang store, bumili kami ng fruits. Medyo traffic ang byahe kaya nag enjoy nalang ako ng kanta sa radio.

Rinig ko ang pag impit ni Azure sa tawa niya. Ang sama naman ng ugali nito.

"She sing like a kitten." rinig kong bulong niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(Alonte Series #1) Dying EmbersWhere stories live. Discover now