Kabanata 4

26 4 5
                                    

Kabanata 4

Medyo malayo ang jollibee sa St. Emerald pero hindi naman traffic. Pagkarating namin doon ay humanap kaagad kami ng table na mauupuan. Um-order kami ng chicken and rice. Syempre ako nagbayad ng akin.

"Hindi ka ba nagsasawa kakakain ng chicken and rice?" he asked while looking at me. I shook my head and stuffed my mouth with rice. Napansin kong hindi niya ginagalaw yung pagkain niya.

"Kumain kana. Masamang pinaghihintay ang pagkain." sambit ko.

Umirap siya at nagsimulang kumain. "Have you thought about the deal?"

"Hindi pa."

"Can you please decide quickly? Yvonne bothers me every damn minute." he said, a bit irritated. Maganda naman si Yvonne ah? Bakit hindi niya balikan?

"Ba't di mo balikan? She's pretty naman." I suggested.

"She has a toxic attitude. Hindi ko nga alam kung bakit ko niligawan 'yun." natatawang aniya. Harsh naman nito.

"Ilang months na kayo?" I asked.

"3weeks. I can't stand long on a toxic attitude she had." simpleng sagot niya. Atleast may lalaki pa rin naman palang mas tumitingin sa panloob na anyo ng babae. Most of the guys I know, porke maganda mahal na raw agad. Kalokohan.

--

"Nako nako nako. I smell something fishy talaga.." naka cross arms na sambit ni Chanel pagkababa ko sa kotse ni Asul. Ang dami nanamang nakatingin. Nakaka conscious.

"What are you looking at?" masungit na tanong ni Azure sa mga babaeng nakatingin pagkababa niya sa kotse. Sabay sabay silang nag iwas ng tingin.

"I'll get going." kumaway ako kay Azure at mabilis hinila si Chanel paalis sa lugar na 'yon.

"Nako ha! May hindi ka ata sinasabi sa akin.." aniya at tinusok ako sa tagiliran.

"Wala nga. We're just friends." tipid na sagot ko. Friends lang naman talaga kami kasi feeling close sakin si Azure.

"Fini friend mo lang yung mga poging ganon?! Hayy! Kung ako sayo jojowain ko kaagad yan hehe charot."

Natapos ang school hours ng puro recitation at report. Ni hindi na nga nagtuturo yung mga prof namin, kami nalang lahat nagdidiscuss. Tapos magpapa recitation ng hindi nila naturo.

Pasakay na sana ako ng bike nang mag ring ang keypad na cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni mama.

"Hello ma? Kamusta na kayo ni papa? Dadalaw ako diya--"

[A-anak..]

"Po?"

[Ang p-papa mo.. S-sinugod namin siya sa o-ospital kanina kasi u-umuubo siya ng dugo..]

My heart almost skipped a beat when I heard this news. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw at makapagsalita. Para akong paralisado.

[n-nak.. sabi ng d-doctor may l-lung cancer...daw ang p-papa mo..]

Halos mawalan ako ng lakas sa mga naririnig ko. Mabilis nag init ang sulok ng mga mata ko. Rinig ko ang hikbi ni mama sa kabilang linya. Ayokong ipaalam sakaniya na umiiyak ako, I have to be strong for her.

Tinanong ko si mama kung saang ospital sila habang pinipigilan kong humikbi. Nanginginig ang mga kamay ko habang mabilis na inayos lahat ng gamit ko at sumakay sa bike. Wala akong sapat na pamasahe ngayon kaya uuwi muna ako sa condo.

Umiiyak lang ako hanggang makarating ako sa floor namin, naabutan ko si Azure na kakalabas lang ng kuwarto niya na katabing kuwarto ko lang pala. Hindi ko alam na magkapitbahay kami pero wala muna akong pakiealam doon. Kailangan kong makita si papa.

(Alonte Series #1) Dying EmbersWhere stories live. Discover now