Kabanata 1

57 5 2
                                    

Kabanata 1

Charlotte Ivory Samiego

"Sigurado ka ba, 'nak?" mama worriedly asked. Lilipat na kasi ako sa binili naming condo malapit sa University namin para hindi ako mahirapan bumyahe araw-araw. Sobrang pinag ipunan ni mama yung pera para ipambili ng condo, hindi naman kasi kami mayaman.

I nodded and hugged her. "Opo. Besides ma, dadalaw naman ako dito kapag may time ako."

"O'sya sige. Mag aaral ka ng mabuti. Kung magbo boypren ka, siguraduhin mong kaya mong pagsabayin ang pag aaral mo at pagboboypren," payo ni papa

Napailing ako. "Mas focus po ako sa pag aaral, pa. Wala akong oras sa ganiyan.."

Nang matapos akong mag ayos ng gamit, nagpaalam na ako sakanila at umalis. Pagkarating ko sa condominium, inayos ko na lahat ng mga damit ko at nagpahinga.

--

9AM pa ang pasok namin kaya inaya ako ni Chanel na tumambay muna sa coffee shop. Papasok na sana ako sa elevator nang mapansin kong may lalaking naglalakad rin papasok roon, he caught my attention because he was wearing our university uniform.

Pero bakit parang ang aga niya naman umalis? Tatambay rin ba siya sa coffee shop kagaya ko?

Kaya nang makapasok kami sa loob, I looked at him and asked.

"Uhm.. Sa St. Emerald ka rin pala nag aaral?"

Kailangan ko pang tumingala kasi ang tangkad niya. Hanggang balikat niya lang ako, ganun na ba ako kaliit?

He looked at me. "Why do you care?"

Uh.. I was just asking. Ang sungit.

I noticed that he's eyes were deep blue pero medyo natatakpan iyon ng magulong buhok niya. Nang bumukas ang pinto ng elevator, nauna siyang lumabas sa akin.

Nagkibit balikat nalang ako. Walking distance lang ang coffee shop sa condo kaya naglakad lang ako papunta roon. Naabutan kong umiinom na ng kape si Chanel pagkarating ko.

"Ang dami kong utang sayo." utas ko at ininom ang kape na nandoon sa lamesa. Nilibre niya nanaman kasi ako. I told her that I can pay but she insisted to treat me. Wala naman daw kasi siyang magawa sa mga pera niya.

"Duh ngayon ka pa nahiya. This is no big deal for me. I told you, wala akong magawa sa pera ko so i'll treat you nalang."

I hope I could be like her.

"Baka iniisip nila kinaibigan kita para sa pera.."

Tumaas ang kilay niya. "Who told you that? Wala kasi silang friend na pretty." she flipped her hair. Napailing nalang ako. "Besides, ako kaya ang kumaibigan sayo,"

We talked about other things. Napansin ko na ang ganda ng lugar na 'to. Dito kaya ako mag part time job? Since magaling naman ako sa paghahalo tsaka nae enjoy ko ang amoy ng kape.

Sinabi ko kay Chanel na gusto kong mag part time job dito. Tinulungan niya akong kausapin yung owner ng coffee shop.

Pumayag kaagad sila nang gumawa ako within 10minutes ng dalgona coffee. Madali lang naman.

Bumalik na kami ni Chanel sa table namin and talk about other stuffs again.

"Omg, Charlotte! Are you done doon sa pinapagawa ni Sir? Ngayon na pala yung checking!" she panicked

I nodded. "Yeah.."

"God, this nerd! Sabi mo pa kahapon na tapos mo na lahat ng libro ni John Green!" umiling iling siya "Napagsabay sabay mo mag review for quiz, gumawa ng assignment at magbasa ng libro ng two days? I'm sleeping lang niyan eh."

(Alonte Series #1) Dying EmbersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ