Kabanata 5

20 2 2
                                    

Kabanata 5

Hindi ko alam kung anong nagpapayag sakin pero may isang taong pumasok sa isip ko. Si papa. Azure said he'll pay twice in my salary kapag pumayag ako. 5,000 ang sahod namin every day dahil lagi namang punuan sa coffee shop.

Magiging 10k ang sahod ko araw araw. Alam ko hindi pa sapat pero atleast may maidadagdag ako. Maghahanap nalang ako ng iba pang part time job. Mas madaming trabaho, mas madaming kita. It's hard

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong niya.

I rolled my eyes and walk towards him. "Mukha ba akong nakikipag lokohan sayo?"

I need the money.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng kotse at umuwi.

"Nag promise ka na dodoblehin mo yung sahod ko sa coffee shop kapag pumayag ako.." sambit ko at sabay kaming pumasok sa elevator.

"Oh.. May sinabi pala ako?"

I glared at him. "Azure!"

"Chill. I'm just kidding lil' chihuahua," humalakhak siya. Sumimangot ako. May bago nanaman siyang nickname.

"Kailangan namin ng limang milyon para sa pagpapagamot kay papa.." utas ko at bumuntong hininga. Isang milyon pa nga lang napakahirap na i achieve, pano pa kung lima?

He patted my head. "I can pay. Barya lang samin 'yan." mayabang na aniya. Pinapamukha niya ba samin na dukha kami?! Nakaka offend naman 'to. Tsaka ayoko tanggapin. Alam ko naman sa sila ang pangatlo sa pinaka mayaman sa Pilipinas pero nakakahiya pa din.

"Hindi na. Ayoko magkaroon ng utang na loob sayo.." utas ko at naunang lumabas ng elevator. Lumapit ako sa pintuan ng room ko at humarap sakanya. "Bye."

"Goodnight lil chihuahua! Don't let the bedbugs bite." aniya. Napailing nalang ako at pumasok na sa loob. I took a quick shower and reviewed my notes. Pagkatapos n'on, I prayed before going to sleep.

Kinabukasan, maaga akong nagising para sa part time job at nagsuot ng uniform. Pagkarating ko sa coffee shop, kinausap ako ng manager namin, sinabihan daw siya ng anak ng owner ng coffee shop na dodoblehin ang sahod ko. Ngumiti ako at nagpasalamat.

Natapos ang oras ng trabaho ko ng iniisip kung papaano ako maghahanap ng trabaho. I sighed. Hayy!

Pag uwi ko ng condo, nagpalit na ako ng school uniform at lumabas. Bumungad sa akin ang kotse ni Azure. Binaba niya ang bintana niya at kumaway sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"

"Boyfriends should be fetching their girlfriend. Come on, hop in." he's back to poker face again. Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan ang saya saya tapos kinabukasan, wala nanaman siyang reaksyon.

Lumabi ako. "Fine." pumasok ako sa loob ng kotse niya at ibinaba ang bag ko.

"Seatbelt please.."

I did what he commanded. Chineck niya muna ang pintuan sa gilid ko kasi baka daw hindi ko nasara ng maayos at baka lumarga kami tapos biglang bumukas ang pinto.

"Have you eaten?" tanong niya at inabot sa akin ang iced coffee na nasa loob ng mason jar at may stainless na straw pa. Feeling ko tuloy ang yaman yaman ko kapag kasama ko si Azure.

Tinanggap koi ito. "Hindi pa. Pero thank you dito."

Nagsimula na umandar ang kotse kaya tinikman ko yung iced coffee na binigay ni Azure. Ang sarap ah?

"Hindi ako gumawa niyan." aniya at tumingin sakin.

"Alam ko."

Inirapan niya ako at binalik ang mata sa daan. Tamo ang sungit nanaman? Parang nung isang araw ngisi ng ngisi to tapos ngayon nagsusungit nanaman.

Halos 20minutes lang ang byahe papunta sa St. Emerald. Paglabas naming dalawa sa kotse, nagulat ako nang akbayan niya ako at inuntog ako sa biceps niya! Sinuntok ko siya sa tiyan kaya humalakhak siya. Tingnan niyo tingnan niyo! Happy nanaman siya ngayon. Bipolar ba 'to?

Naglakad lang kami habang naka akbay siya sa akin. Nagreklamo siya na mas gusto niya daw sana sa beywang ko kaso hindi niya maabot sa sobrang baba.

"Where's your class?" tanong niya at ginulo ang buhok ko. Wag niya nga akong idamay sakaniya na magulo ang buhok! Ano, fake relationship goals?

"Mamaya pang 9:30 ang klase ko. Library muna ako." utas ko. Magrereview lang ako saglit ng notes at magbabasa ng libro. 9 o'clock pa lang naman. Chanel suddenly came into my mind. Mas papaulanan niya ako ng asar nito kapag nakita niya kami ni Azure. Prepare yourself, Charlotte.

"What? Boring doon." aniya. Boring daw pero nandoon siya nung una kaming nagkakilala.

"Hindi ako tatambay don, Azure. Magrereview ako." inilingan ko siya at nagmartasa papunta sa library.

I heard him groaned. "Fine. I'll join you since i'm a good and responsible boyfriend."

Akala mo talaga.

"You don't have to. Kaya ko naman magreview mag isa tsaka wala ka bang klase?" humarap ako sakaniya. He shook his head. Alam ko first year college na si Azure kaya sa kabilang building na siya.

"I have a class later. 9:30 din." sumunod siya sa akin sa loob ng library. Hindi talaga ako sanay na clingy si Azure. Hindi naman kailangan na magkasama kami lagi. Sabi niya, kapag nandiyan lang daw si Yvonne. Wala naman akong nakikitang bakas ni Yvonne pero ang clingy niya. May crush ata to sakin eh.

Mabilis lang kaming dalawa sa loob ng library kasi kabisado ko naman na lahat ng nireview ko kagabi.

"Let's go. Hatid kita sa klase mo." he stood up and put his hands in his pocket.

Umiling ako sakaniya. "14th floor pa ang klase namin, Azure. Yung klase mo, sa kabilang building pa."

"I have long legs, baby. I can manage." pagpupumilit niya. Nag init ang magkabilang pisngi ko sa bagong endearment niya sakin. Calm down, Charlotte. Si Azure lang 'yan.

"Hindi na nga. Kaya ko naman. Male late ka lang sa class mo." I replied. Nauna akong lumabas ng library, naramdaman kong nakasunod siya sa akin.

"Alright, maam. But first.." hinarap niya ako sakaniya. Yumuko siya kaunti para pantayan ako. "I need my goodbye kiss."

"What?! This is just a fake relationship. Why would I kiss you?" I whisphered while looking at his eyes.

"Because I want to." he smirked. No way in hell i'm going to kiss this guy. I promised myself in the future that i'm only going to kiss the man I love really the most. I won't give my lips to someone I don't love.

"What the heck, Azure? Nagpapanggap lang nama--!!"

He was very quick to cut me off and kissed me for like--two seconds pero parang ang tagal. Na estatwa ako at nanlaki ang mata. It was a smack kiss but it means a lot to me. It's my first kiss! At napunta sa walang modong lalaking to! Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Humalakhak si Azure at kinagat ang pang ibabang labi niya.

"I know you don't know how to kiss so I managed to just smack kiss you." he shrugged. Sa wakas ay bumalik na ako sa katinuan. Pinagsusuntok ko siya sa dibdib with all my energy and force pero parang wala lang sakaniya kasi patuloy siya sa pagtawa.

"Bwiset ka! Sayang yung first kiss ko! Naka reserve to sa mapapangasawa ko pero kinuha mo kaagad!" akmang susuntok ulit ako nang masalo niya ang kamay ko. I glared at him.

"Then I'll take your second kiss also para mas lalong sayang." he tilt his head. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ng kamay ko ang labi ko. Mahirap na.

Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. I threw a deadly glare. Pakiramdam ko ang bruha bruha ko na!

"Goodbye, my lil' chihuahua. I'll meet you later." he said before waving his hand. Tumalikod na siya at naglakad palabas ng building. Goodness, Charlotte. Ano ba tong kalokohang pinasok mo?

(Alonte Series #1) Dying EmbersWhere stories live. Discover now