Kabanata 7

13 2 2
                                    

Kabanata 7

"Class Dismiss."

Nagsitayuan ang lahat at nag ayos ng mga gamit. Estatwa pa din si Chanel hanggang matapos ang klase. I told her about papa (skipping the fake relationship part with Azure) tapos sobrang hindi siya makapaniwala. Parang dad na rin kasi ang turing niya kay papa.

"I want to help!" inayos ni Chanel ang gamit niya at sumunod sa akin. Umiling ako sakaniya. This is a family problem, ayokong may ma involve na iba kasi hindi naman nila obligasyon na tulungan ako lagi.

"It's fine." I reassured her and put a smile on my face.

"It's not fine, Charlotte. I know hindi biro ang limang milyong pagpapagamot. Please let me help kahit 800 thousand lang." sinabit niya ang kamay niya sa braso ko. She's really willing to help.

"It's really fine. Hindi mo naman obligasyon ang tulungan kami. But, thanks though." I hugged her. Alam ko gusto niya lang naman tumulong pero hiyang hiya na talaga ako eventhough we're best friends. Hindi naman pwedeng sakanya lang ako lagi aasa.

"I'm not helping you because I feel obliged. Hindi kita tinutulungan kasi pakiramdam ko, kailangan ko. Tinutulungan kita kasi gusto ko, Charlotte. Papa Roberto is like a dad to me. So please. Kung tungkol 'to sa pride mo, babaan mo muna ngayon." seryosong aniya at mabilis akong iniwan.

I sighed. Ang hirap ng sitwasyon ngayon. Is it really about my pride? Nahihiya lang naman ako kasi ang dami ng nagawa ni Chanel para sa amin. That's enough.

Nang tuluyan na akong makababa sa ground floor, sinalubong ako ni Azure habang nakasabit sa kaliwang braso niya ang bag niya. I waved and smiled at him.

Kumunot ang noo niya. "You okay? Are you sick?"

"Ha? Hindi."

Hindi siya mukhang kumbinsido. "You don't usually wave and smile at me. Did you fall for my hug and kiss?"

Sumimangot ako at umirap sakaniya. Lesson learned. Never wave and smile at Azure. Lumalaki ang ulo niya kasi iniisip niyang crush mo siya. Napaka feelingero talaga.

"Ang kapal mo. Ako na nga 'tong nagiging friendly dito." I crossed my arms. Nagulat ako nang humalakhak siya bigla. Some students were looking at us with confused faces. Hindi ko sila pinansin at tumingin muli kay Azure.

"I'm sorry." aniya habang tumatawa pa din. "I-it's just that.. you look like a kid who lost its lollipop." umiling iling siya habang nakangisi at ginulo ang buhok ko.

Suminghap ako. Hindi ko alam na ang babaw na tao lang pala ni Azure.

"But seriously, chihuahua. You look problematic even you smiled at me earlier." nagsimula kaming maglakad palabas ng building. "Is something bothering you?"

Bumuntong hininga ako. Should I tell him? Sige na. He's a friend after all. Nagsimula akong magkwento tungkol sa kaninang pag uusap namin ni Chanel. He just stayed silent and listened to me hanggang matapos.

"She just wanted to help, lil' chihuahua. You told me that she's close to your family."

"Yeah but--"

"Just let her be. Kung ikaw ang nasa posisyon niya, i'm sure you'd do the same thing. Besides, pride ba ang una mong iisipin sa sitwasyon mo? Your dad has a cancer and you need 5million. Hindi aabutin ng pagpapart time job mo 'yung ganong kalaking halaga."

Yumuko ako at lumabi. Ang sakit pakinggan pero hindi nga kakayanin ng pagpa part time job ko kahit ilan pang part time job ang pasukan ko. Kailangan na kasi maipagamot si papa kaagad kasi kung hindi, mas lalala yung sakit niya.

"You're right. Pero hiyang hiya na kasi talaga ako, Azure. Pakiramdam ko inaasa ko nalang sa iba lahat ng problema ko at ng pamilya namin." I bit my lower lip to stop myself from cying.

"Listen, you're not passing your problems to others. You have two choices, chihuahua. Accept the help and your father will be cured or... don't accept the help and you won't have enough money for the treatment?"

Yumuko ako ulit. "I-I don't know.."

There was a moment of silence..

"Let's go somewhere." he held my hand and pulled me to the parking lot. Nagpatianod lang ako sakaniya.

Pumasok kami sa loob ng SUV niya at naglagay ng seatbelt. "Where are we going?" I asked.

"Secret."

"Saan nga?" pangungulit ko.

"I said secret."

"Wala 'kong pake. Saan tayo pupunta?"

"Do you know what secret means?"

Tumigil ako sa pangungulit at inirapan siya. He's unbelievable. Siguraduhin niya lang na masusurprise niya ako sa secret secret niya.

Binuksan ko nalang ang radyo para maibsan ang katahimikan. Halos isang oras ang byahe kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kinuha ko ang nokia ko sa bag at nakitang 5:30 na.

Hindi ko alam kung saan kami papunta pero naaninag ko sa di kalayuan ang ferris wheel. Na excite ako kaya naka tingin lang ako sa bintana hanggang makarating kami.

"We're here."

Lumingon ako sakanya ng may malaking ngiti sa labi. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa amusement park!

"Tara!" I grinned. Nauna akong lumabas ng kotse at tumakbo papasok. Nakita ko si Azure na sumusunod sa akin habang naka lagay ang kamay niya sa pocket.

"What do you want to ride first?" he asked.

"Roller Coast-- no. Bump car-- ay hindi! Carousel nalang-- Roller Coaster na pala." I don't care if I look childish right now. Miss ko na 'to.

He looked confused. "What?"

"Roller Coaster!"

"Alright, chihuahua. Wait here. Bibili lang ako ng ticket. 'Wag kang aalis dito." bilin niya sakin. Tumango ako ng ilang ulit at nag thumbs up sakaniya para bumili na siya. Gusto ko na sumakay!

Habang naghihintay ako kay Azure, may napansin akong batang umiiyak sa likuran ko. Palinga linga siya sa paligid at mukhang nawawala.

Lumapit ako sakaniya at umupo para maging magkapantay kami. "Are you lost, baby?"

She nodded, still crying. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang panyo ko. "Y-yes po.. I'm looking.. f-for my kuya."

"What's your name?"

"P-porsha.." she was still sobbing.

"Alright, Porsha. Ate Charlotte will help you find your kuya okay?" I reassured her. Buti nalang at ako ang unang nakakita sakaniya. Siguro, kung ibang masamang tao ay kinidnap na ang batang 'to.

We searched every corner in the amusement park. Tinanong ko kay Porsha kung natatandaan niya ba ang damit ng kuya niya, sabi niya oo raw. Hindi kami tumigil sa pag iikot, kahit yung mga nasa pila ay sinisilip namin.

Lumakas ang iyak ni Porsha na parang nawawalan na ng pag asa. I was going to comfort her and say that it's going to be fine pero may biglang humigit sakaniya ng malakas palayo sa akin.

"Who are you?! Are you going to kidnap my sister?!" pagalit na tanong sa akin ng isang matangkad na lalaki.

"I am helping your sister kasi nawawala siya! Bakit ba naman kasi hindi mo bantayan ng maayos yung kapatid mo?" I hissed.

"I don't believe you." he said. Still glaring at me.

"Then don't. I don't care. Sa susunod bantayan mo ng maayos si Porsha. Pasalamat ka, sa magandang kamay napunta yung kapatid mo." tumataas ang dugo ko sa lalaking to. Ako na nga itong tumutulong! Walang utang na loob!

(Alonte Series #1) Dying EmbersWhere stories live. Discover now