Kabanata 2

29 5 16
                                    

Kabanata 2

Nagpasalamat ako sa diyos pagkarating namin sa room kasi wala pa si sir. Nag review nalang kami ni Chanel kasi baka magka suprise quiz ulit.

"What's your ideal man?" Chanel asked out of the blue

"Ha?"

"Your type." umirap siya

Napalabi ako. "I don't know."

"Wala kang ideal? Wala kang gusto mo sa lalaki?"

I creased my forehead. "Kahit naman may mga ideal ang mga babae, sa unexpected na tao pa rin sila nahuhulog."

Napatigil siya at napaisip. "Tama din.. Pero hindi mo ba crush si Azure?"

"Hell no!"

I mean, may itsura naman siya pero ayoko sa ugali niya. Kung magkaka crush man ako, hindi sa tulad niya.

"Grabe! He got the looks kaya! Tsaka he introduced you sa ex niya as his girlfriend!"

Napatigil ako. What? Ex ni Azure yung babae kanina?

"How did you know?" I asked

She rolled her eyes. "Duh girl famous 'yang dalawang yan. Sikat na sikat kaya sila sa buong University!"

"Kilala mo na si Azure dati pa?"

"Ofcourse! Madami kayang babae ang naghahangad diyan but he reassured and even announced na he was taken by Yvonne. Umuwi ka kasi agad n'on para mag 'review' kaya hindi mo naabutan." nag quotation mark pa siya sa ere

Nanatili akong tahimik. I didn't know. Wala naman akong pakiealam sa mga famous sa University namin. They aren't celebrities.

"But it's all in the past. Ship ko kayong dalawa hehe." aniya

Inirapan ko siya.

"I think, kinukulit pa din siya ni Yvonne but they're over na nga tsaka ayaw na ni Azure so maybe ginamit ka niya para layuan siya ni Yvonne?"

Nagkibit balikat ako. "I guess so. Basta. Hindi ko siya crush. Hindi pa pumapasok sa utak ko 'yan." I sighed. "And I'd rather spend a day with reading novels than flirting."

It's just a waste of time for me. Instead of flirting na wala namang patutunguhan, why don't you use your time in learning? Atleast 'yon worth it ng oras mo.

Tsaka sa ngayon, wala pa sa isip ko magkaroon ng boyfriend. Gusto kong mas mag focus muna sa pag aaral kasi kailangan kong i maintain yung grades ko since scholar ako.

"Charlotte.. Don't tell me.." nanlalaking matang aniya.

"Ano nanaman?"

"Are you planning to be a nun!?" niyugyog niya ako.

Nasapo ko nalang ang sarili kong noo. She's unbelievable.

"Please don't! Sayang hidden beauty mo!" patuloy niya pa.

Yeah sa sobrang hidden, hanggang ngayon hindi ko mahanap. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagrereview. 30minutes na ang nakalipas pero hindi pa din dumadating si sir. Absent siguro.

"Ugh! Charlotte, absent si sir. Have a little chitchat with me naman!" sambit ni Chanel

I looked at her. "We had a little chitchat earlier. Gusto ko munang ipahinga ang utak ko."

And I took a nap.

Ginising ako ni Chanel nang mag time na. Lunch na agad!

"Our feet will hurt nanaman later my gosh. Ground floor ang cafeteria tapos next subject natin, 18th floor? Dapat may elevator tayo dito eh." she pouted

(Alonte Series #1) Dying EmbersOn viuen les histories. Descobreix ara