Alyanna saw it on her dreams. Her daughter Alina will get pregnant few days from now. Makalipas ang matagal na panahon ay nakaramdam siya ng saya. Nakita niya na ang magiging apo niya sa kaniyang anak na si Alina ay ang magdadala ng direktang dugo mula kay Faustus at Laurelia. Matutupad na niya ang misyon na iniatang ng kaniyang mga ninuno sa kaniyang ina. Na ipakalat ang lahi hangga't ipanganak na ang anak ng buwan.

But she's sure that their enemy will know about it. Kaya kailangan niyang magplano upang hindi mapahamak ang kaniyang apo. Upang tigilan na ito at maging ligtas habambuhay.

"Ate Alyanna, si Halsey ang anak namin ni Harry," masayang saad ni Julianna at pinakita ang isang sanggol na babae.

Pilit siyang ngumiti. Wala man lang siyang naramdaman sa bata. Martyr masyado ang kaniyang apo na si Julianna para tanggapin ang anak ng asawa mula sa ibang babae. Nakaramdam siya ng kaunting awa ngunit nangibabaw ang disappointment. Her first granddaughter is stupid. Mabuti na lamang hindi ito ang tagapagmana.

Naging matamis ang kaniyang ngiti nang may maisip. Pinilit niya ang sarili na laruin ang dala na sanggol ni Julianna at pasimpleng tinitigan ang apo.

"Kailan ba 'to magkakaroon ng totoo kong pamangkin?" malambing niyang saad at hinaplos ang tiyan ni Julianna. The lady smiled at her.

"Hindi ko alam ate ngunit ang mahalaga ay si Halsey. Isa pa ay matatanggap na ako sa airline na pangarap ko," Julianna smiled and played with the baby.

Napailing siya muli. Tanga talaga ang kaniyang apo na si Julianna. Bakit pa gugustuhin maging staff sa isang airline kung pwede naman niya ito gawan ng sariling airline? She rolled her eyes mentally but mumbled an incantation.

Nakangiti siyang lumisan. Ilang araw mula ngayon ay magkakaroon ng sanggol sa sinapupunan ng baog niyang apo na si Julianna. At para iyon sa tagapagmana.

Isang buwan bago nalaman na buntis si Julianna. Hindi man nito natupad ang pangarap na maging cabin crew ay abot-langit naman ang saya niya dahil mayroon na silang sariling anak ni Harry.

On the other side, Alina is pregnant too. Nagdiwang si Alina at ang kaniyang asawa dahil nakahabol pa sila matapos ang matagal na panahon.

Pinalabas ng bansa ni Alyanna ang kaniyang buntis na anak na si Alina at napagkasunduan na gawin iyon na sekreto. Tanging si Alyanna, Alina at ang asawa na si Lucas lamang ang nakaaalam na may pararating na panibangong sanggol sa kanilang buhay maliban sa anak ni Julianna.

Alagang-alaga ni Alyanna ang kaniyang anak habang buntis ito. She's so excited to meet their heiress. At nang manganak nga si Alina ay iniuwi ni Alyanna ang kaniyang apo sa kanilang mansion sa Batanes. Doon niya ito inalagaan sa sekretong kwarto. Matatagpuan iyon sa likod na pinto sa kusina. May lihim na kwarto sa ilalim ng malawak na damuhan. Inihanda niya iyon para may pagtataguan sila kay Laurelia Iulianna Therese.

Sumunod sa pag-uwi si Alina at Lucas Josef. Patago nilang binibisita ang kanilang anak sa tagong kwarto na iyon. Walang iba na pwedeng makaalam dahil ayon kay Alyanna, nanganganib ang buhay nito.

Nanganak na rin si Julianna. Halos araw lamang ang pagitan. Walang ideya si Julianna na mayroon siyang kapatid na ka-edad lamang ng kaniyang anak.

Alyanna can feel the presence of their enemy. Kaya oras na para isagawa ang plano.

She made a big party for Julianna's baby. Tuwang-tuwa naman ang ina ng bata sa pag-aakala na isa talaga iyon na selebrasyon. Ngunit trahedya pala ang mangyayari.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon