CHAPTER 48

2.5K 59 2
                                    

Chapter 48 :

Nakita ko siyang nakaupo sa isang swing, naka-hoodie jacket din ito at nakayuko lang habang naghihintay.

Bumilis din ang tibok ng puso ko nang makita ko siya, gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa, gusto ko siyang tawagin at yakapin pero hindi ko rin magawa, napakagat labi ako at pinigilan ang paguudyok na tumulo ng mga luha ko, napatingin pa ako sa itaas para lang umatras ito at nagwagi naman ako.

Nang tiningnan ko ulit siya, nakayuko pa rin ito, ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.

Nang nakalapit na ko sa kanya, napatingin naman ito sakin, ngumiti siya at yayakapin niya sana ako nang magsalita ako.

"Pinapalaya na kita Parker.." mabilis kong sabi habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata, kunot noo naman itong napatingin sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Cab" anya, yumuko ako, hindi ko ata kakayanin, hindi ko ata mapipigilan, iiyak na naman ba ko. "Hindi ko naiintindihan, bakit, Cab."

Hindi ako nagsalita, nakayuko lang ako, maya-maya, naramdaman ko ang pagtayo niya tsaka niya ko niyakap.

"Parker, pinapalaya na kita" paguulit ko at tuluyan na akong napahagulhol.

"Cab, ano bang problema, lalaban naman tayo diba? Kasabay mo na ko oh! Dati ikaw lang, ngayon kasama mo na ko, ngayon ka pa susuko" anya tsaka niya ko tiningnan. "Pagod ka na ba? Masyado ka na bang naiipit sa sitwasyon natin? Mahal mo pa ba ko?" anya.

"Parker.." tiningnan ko siya. "Mahal kita, mahal na mahal kita, pero yung pagmamahal na to, hindi to para satin eh"

"Eh para kanino! Alam kong may mali ako pero Cab, sising-sisi na rin ako, na sana nagtiwala ako dito sa puso ko at hindi sa galit ko kay Minho para wala sanang problema ngayon" anya.

Napayuko ako, may nangyari nga sa kanila ni Sandra, at may posibilidad na anak niya ang pinagbubuntis nito ngayon, so, tama nga ang desisyon ko na iwan at palayain siya.

"C-Cabrielle, tumakas na lang tayo at takbuhan ang lahat please. Sumama ka na lang sakin, magsama na lang tayo at magpakalayo layo, handa naman akong iwanan ang la---"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Parker! Gusto mong sumama ako sayo at iwanan ang magiging anak mo, ang pamangkin ko, Parker, kaya mong gawin yun?" ako, yumuko siya, alam kong umiiyak na rin siya at alam ko rin na maging siya ay hirap na hirap na rin sa sitwasyon.

"You give me hope and love me, you  give me light when I am in darkness, you give me life and I breath again"

"Childish, I dont know what I am going to do,sa tingin mo, makakaahon pa ulit ako kapag nawala ka sakin?" tanong niya sakin, he's now crying too.

I tapped his back. "Parker I know you, alam kong makakaahon ka pa rin, alam kong may sasagip pa rin sayo, alam kong may maglalahad pa rin sayo ng kamay at tutulungan ka, at alam kong mas mamahalin ka ng taong yun kaysa sa pagmamahal na inilaan ko sayo"

"Binibitawan mo na nga ako" anya at tiningnan ako. "Pano kung ayaw kong bitawan ka, pano kung kakapit pa rin ako sayo kahit ayaw mo na, mahal mo ko pero gagawin mo to sakin" napayuko ako, ayaw ko siyang tingnan, mas nasasaktan lang ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.

"Kasi ito yung dapat gawin Parker, intindihin mo naman, magkakapamilya ka na, magkakaroon ka na ng anak at sa kapatid ko pa, isipin mo naman ang iisipin ng ibang tao kapag pinagpatuloy pa rin natin tong relasyon natin"

"Iniisip mo yung ibang tao pero ako hindi, Cab, anong klaseng pagmamahal yan!"

"Mahal ko ang Dad ko Parker, ayokong masira ang pangalan ba inalagaan niya, at sina Sandra, kahit pagbali-baliktarin kasi ang mundo, pamilya ko pa rin sila, hindi ko man sila kayang harapin at bigyan ng pagkakataon ngayon, alam kong dadating din ang araw na magkakaayos kami"

"Parker, sigurado akong pag nakita mo na ang anak mo, mababago ulit nito ang buhay mo, wag mo naman akong pahirapan, oo tama ka, pagod na nga ako, pagod na ko, kaya tama na, pakiusap" pagsusumamo ko.

Pinunasan niya ang luha niya pero patuloy pa rin ito sa pag-agos, hindi tumitigil sa pagtulo, kahit ako ay umiiyak pa rin.

"Ganun na lang ba yun, yung lahat nang yun, kakalimutan mo na lang" tiningnan niya ko. "Cab, parang itinapon mo rin ako eh, parang ginawa mo lang din yung ginawa ni Sandra sakin. Pakiramdam ko, ako na ang pinakawalang kwentang tao sa mundo kaya lahat ng minamahal ko, itinatapon ako na parang basura, tas pupulutin ulit, aayusin at ita--"

"Hindi, hindi, Parker hindi.."

"Paanong hindi, ganun yung nararamdaman ko, kasi Cab kung mahal mo ko, lalaban tayo eh, hindi ka bibitaw, hindi mo ko bibitawan" mas lalo akong naiyak nang lumuhod siya sa harap ko at nagmakaawa. "Cab, please, wag mo kong iwan, nakikiusap ako, mahal kita"

Ngayon ko lang siya nakitang ganito, nung una ko siyang nakilala, malamig siya sakin, ni hindi ko naisip na hahantong kami sa ganito, ni hindi ko naisip na iiyak, luluhod at magmamakaawa siya sa harap ko.

Sorry Parker, pero buo na ang desisyon kong palayain ka, kahit alam kong ang paglaya mo mula sakin ay ang magiging kulungan mo.

Lumuhod din ako at hinawakan ang mukha niya, tiningnan ko lahat ng anggulo ng mukha niya, tiningnan ko ang kilay, mata, ilong, at labi niya, mamimiss ko din naman ito, mamimiss ko din naman siya. Sobra.

"Parker Park, mahal kita, tandaan mo yan, mahal na mahal kita" umiiyak kong sabi at hinalikan ko siya sa labi.

"I'm sorry" tsaka ako tumayo at umalis sa harap niya. "Cabrielle please.." he pleaded, pero hindi ko na siya pinakinggan pa at tuloy tuloy na akong umalis.

Iniwan ko siyang nakaluhod roon at nakikiusap. Hindi ko na rin siya nilingon dahil baka hindi ko pa makayanan ang senaryong makita ko at baka bawiin ko lahat ng sinabi ko.

Nang makarating ako sa sasakyan ko ay doon lang ako napahagulhol, halos kalahating oras ang ginugol ko sa pagiyak bago ko nagawang ayusin ang sarili ko at magbihis sa loob ng sasakyan.

Nang maayos na ang lahat, huminga na muna ako ng malalim at tiningnan ang bukana ng park, hindi pa rin siya umaalis, hindi pa kasi siya lumalabas mula pa kanina, napapikit ako at nagdrive papunta sa isang condominium para ipark dun ang kotse ko at iwan ito doon pati na rin ang cellphone na binili ni Dad sakin, tsaka ako kumain sa malapit na fastfood restaurant at pagkatapos ay sumakay ako ng taxi papunta sa airport.

Pagkarating ko doon, agad kong ginawa ang mga dapat gawin, hanggang sa makasakay na nga ako ng eroplano.

Maswerte ako dahil may nabili akong condo roon noong isang taon na di alam ni Dad, di ko inaakalang magagamit ko pala yun, balak ko sanang ibenta yun kung natuloy kami ni Parker, kaso hindi.

I sighed. I put my earpods on at nagplay ng music, masyado akong napagod para hindi makatulog ngayon.

©itsIOOIOOIe

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now