CHAPTER 19

2.5K 49 0
                                    

Chapter 19 :

Mabilis lang lumipas ang mga araw, two days from now, magaganap na yung engagement party namin ni Parker, binigay ko na rin yung mga invitation card kina Vin, Nik, Jarvis na pinabigay ko kay Vin, ofcourse Nanay Kosing and Butler Jin.

Hindi ko din alam kay Parker kung sino ang mga ininvite niya, wag niya naman sanang maging si Sandra, iinvite niya.

Siguro kailangan ko yung itanong kay Parker, kaya naman agad akong nagpunta sa office nya na may dala-dalang coffee, at umaaasang wala doon si Sandra.

"Good morning, Love!" masayang bati ko sa kanya, syempre sinigurado kong wala si Sandra, panira yun ng moment.

"Stop saying that, Chua" sabi niya, di ko siya pinakinggan tsaka nilagay sa mesa niya yung coffee.

"Coffee."nakangiti kong sabi tsaka ko siya tiningnan.

"May problema ba?" tanong niya tsaka ako huminga ng malalim.

"About the engagement.."

"Ipu-pull out mo na ba?"agad niyang tanong na ikinanguso ko.

Di naman halatang ayaw niya sakin, noh.

"I'll never do that"mariing sabi ko, napaseryoso naman siya ng tingin.

"So what's about the engagement?"tanong niya ulit.

"Di mo naman inimbitahan si Sandra, diba?"tanong ko sa kanya.

"I'm not crazy for inviting her there.."sagot niya na ikinapayapa ng puso ko.

"May iba ka pa bang itatanong"anya.

"Bat ba ang tagal mo kong sagutin?" tanong ko na ikinangisi niya.

"You are not my type" sabi niya na ikinanguso ko.

"I'm better than Sandra either"nakasimangot kong sagot.

"Yeah, but she capture my heart" sagot niya.

Bat ba pinaglalaban niya sakin ang babaeng yun.

"Whatever, I can stole it from her"mabilis kong sagot na ikinatahimik niya.

"Wala ka talagang planong sumuko no" sabi niya.

"Because you give me hope" sagot ko.

Alam kong nagtataka na naman siya pero bahala na si batman, di ko talaga siya susukuan.

"Btw, pwede ba kitang maging date sa ball?" tanong ko sa kanya

"Sorry but I already asked Sandra and she already said yes" yeah fine, Sandra na lang lagi.

"Pero ano na lang ang sasabihin nina Daddy at Daddy Wil"sabi ko.

"Daddy Wil?" takang tanong niya.

"Your dad, sabi niya pwede ko na siyang tawaging dad" ako, napatango naman siya.

"Alam ba ni Daddy Wil, ang tungkol sa inyo ni Sandra" pagtatanong ko.

"Hindi niya alam, at wala kang sasabihin sa kanila" sagot niya.

"Ganito na lang, susunduin kita at ihahatid, pero si Sandra talaga ang date ko, ok?" pagpapatuloy niya.

"So parang palabas lang"ako tsaka siya tumango.

"O-ok.."nauutal kong sabi, di ako makapaniwalang pumayag ako sa desisyon niya.

Martir ka na Cab, martir ka na!

"Btw, aalis na ko, may pupuntahan pa ko eh, inumin mo yang kape ha.. Wag mong itapon" saad ko tsaka lumabas.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now