CHAPTER 20

2.6K 47 0
                                    

Chapter 20 :

Bukas na yung engagement party namin ni Parker, nasa bahay na din yung isusuot ko pero heto ako ngayon at di man lang makangiti.

Bwesit kasing Sandrang yun! Pa epal ng buhay! Mamatay na sana siya! Kidding!

Maya-maya, bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si daddy.

"Anak, di ka ba papasok?"tanong ni dad sakin.

"Medyo masakit ang ulo ko dad eh, siguro maghahalf day na lang ako"sagot ko, oo medyo masakit talaga ang ulo ko ngayon.

"O siya, kumain ka na tas uminom ka ng gamot pagkatapos"sabi nito tumango na lang ako.

"Nga pala anak, bigyan nyo agad kami ngunyan apo ni Wilson ah"bigla nyang sabi na ikinatingin ko.

"Dad!"sigaw ko feeling ko tuloy namumula ako, tawa naman ng tawa si daddy.

"Binibiro lang kita, ang lungkot mo kasing tingnan"sabi niya. "Ok lang ba kayo ni Parker, gusto mo na bang umatras sa engagement nyo?"

"Ok naman kami tsaka di na magbabago ang isip ko" sagot ko sa kanya, napatango naman siya tsaka nagpaalam na aalis na daw siya, dahil may importante pang gagawin.

I sighed at tsaka pumunta sa cr para maligo, nang matapos ako ay agad ding naman akong kumain at uminom ng gamot, nagsepilyo na rin ako.

"Brie..."tawag sakin ni Nanay Kosing, nilingon ko naman siya. "Matamlay ka ata?"

"Masakit lang ang ulo ko, Nanay.." sagot ko.

At itong puso ko, at kagagawan yun ni Parker, idagdag pa si Sandra na kontrabida sa buhay ko.

"O sige, magpahinga ka muna...papasok ka ba mamaya?" tanong niya, tumango naman ako bilang pagtugon.

Agad ko namang kinuha ang phone at agad tinext si Parker.

'Oy.'

'What?!'

Napangiti ako ang totoo, di ko inaasahan na magrereply  siya sakin ng ganun kabilis.

'May sakit ako.'

'So?'

Napanguso ako, 'so?' talagang wala man lang siyang pakialam sakin.

'I need hugs and kisses and it's better if   those things came from you.'

'Crazy.'

'Tss. Oo na baliw na ko, baliw sayo, yieee. '

'Stop it Childish.'

Napairap ako, pero agad ding ngumiti,  baliw na ata talaga ko. Well, ngayon ko lang nagustuhan ang salitang 'childish' sa tanang nang buhay ko.

'There's no way I can stop it Serious.'

'Tch! Now what? What do you want, anyway?'

'You love, you..'

Pagkatapos non, ayun, hindi na sya nagreply, baka andun na si Sandra, iniistorbo na naman ang moment namin ni Parker.

Lumipas ang ilang minuto ay bumaba na ko, naboboring ako sa loob, nawala na rin ang pananakit ng ulo ko kaya may gana na ko ngayong maglimaliw.

Lumabas ako ng bahay, gusto Kong maglakad-lakad at hindi pa naman masyadong mataas ang araw.

Maya-maya, isang cyberian dog puppy  ang bigla na lang lumabas galing sa isang kanto..

Napakunot noo ako, sino naman ang mangiiwan ng kanyang alaga sa ganitong lugar.

Isa pa mukang alagang alaga din ang asong to.. Malinis at malusog kasi syang tingnan.. Napakaganda din ng pinaghalong puti at abo nitong kulay.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now