6

3K 68 0
                                    

Chapter 6 :

"Good morning!" I happily greeted Parker when I entered his office. He even straighted his back towards the back of the office chair and pointed his pen on his cheeks and give me an intent look from head to toe. 

Yeah, I'm in my usual style, the 'dress is life' motto with high heels. Agad kong nilapag ang tupperware na may lamang adobo sa mesa niya kasama ang isang tupperware na may kanin.

Tiningnan ko ang mukha niya, totoo nga na may pasa siya, napanguso na ako dahil medyo nabawasan ang kapogian niya.

"Sorry, nagalusan tuloy 'yang mukha mo dahil sa'kin." saad ko at napabuntong hininga pa.

"You're not the one who punched me." sagot niya.

Di na lang ako sumagot saka ako kumuha ng dalawang band-aid sa dala kong bag at inilapag ko iyon sa mesa niya.

Napatingin na lang siya roon at saka binalik sa'kin ang tingin niya.

"It's a personalized band aid of me." I told him. "Just put in your bruises." sabi ko pa sa kanya, saka ako tumayo, hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon, ang bilis din ng tibok ng puso ko.

Isa pa, I want to put the bandaid myself on his bruises. Kaso nakakahiya kasi.

"Nga pala, hindi ako ang nagluto 'yan" agad kong sabi saka siya hinarap. "Si Nanay Kosing, hindi naman kasi ako pinayagan ni Daddy magluto." wika ko para kung hindi masarap, e di hindi niya ako masisisi saka para maalis naman ang kaba ko pero shemay!

But Parker still eyeing me for an unknown reason, kaya talagang ilang na ilang na 'ko. Like, ano ba nagawa ko ha?

"A-Aalis na a-ako." pagpapaalam ko saka ako tumakbo palabas ng office niya. Makailang exhale inhale muna ang ginawa ko bago ako naglakad papunta sa room namin.

"Cab!" agad akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko, si Xander.

"Bakit?"

"Mukhang mawawalan ka ng kapartner bukas sa school foundation ha, balita kasi dito na nag-transfer na raw si Zeke."saad nito, yeah iilan nga lang pala ang nakakaalam tungkol sa nangyari sa'min. "Gago 'yon, hindi man lang tinapos 'yong foundation bago umalis." he added, napangiwi ako.

Hearing Zeke's name really annoyed me. That jerk.

"It's fine actually." sabi ko saka ako ngumiti. "I can do it alone. Without his help." dagdag ko pa at iniwan siyang nakatayo do'n sa hallway.

Nang makapasok ako sa room ay bigla na lang tumunog ang phone ko, pagtingin ko, ang modeling company na kinabibilangan ko, may photo shoot daw kami bukas, pa'no 'yan school foundation na namin?

"Hey Leah! anong oras ba tayo bukas magsisimula?" tanong ko kay Leah na kaklase ko sa isang subject at ka-club ko.

"6 PM tayo, ikaw nga pala ang pinakahuling magpi-perform, teka wala na-" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil alam kong maririnig ko na naman kasi ang pangalan ng baliw na muntik ng sumira ng kinabukasan ko. And take not, he's also the one who almost destroy's Parker's face.

"Kaya ko naman." I told her and seated on my seat.

Sa totoo lang after nine years bukas ko na lang ulit maririnig ang boses ko habang nasa stage. Isa din 'yon sa dahilan kaya nagsisimula na naman iyong kaba ko.

Hindi naman sa ang panget ng boses ko, ang totoo, naging vocalist na ako ng isang banda, kaso no'ng umalis ang main guitarist namin, nabuwag na kami at mula no'n, hindi ko na narinig ang boses ko sa taas ng entablado. And actually I never expected it to happen again, if it's not for Parker, hindi na ako babalik.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now