CHAPTER 44

2.4K 58 0
                                    

Chapter 44 :

Kakabihis ko pa lang ng tinawagan ako ni Minho. Sinabi niyang pumayag si Sandrang makipagkita ngayon kung saan ding lugar ko sinabi.

Kinakabahan din ako sa magiging takbo ng usapan namin, gusto ko lang kasing malinawan sa lahat ng nangyayari, bahala na kung magmukha akong desperada sa harap niya, basta hanggat kaya ko, lalaban ako.

Kasi alam kong deserve kong maging masaya...

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin at nagpakawala ng isang ngiti bago umalis, wala din naman si Daddy dahil may senate meeting sila ngayon, namiss ko ding i-drive yung kotse ko na nakagarahe lang sa garage namin, mabuti na lang at hindi nasira, halata ding alagang alaga ito, dahil sa kintab ng sasakyan ko.

Agad akong nagpunta sa Ku-Fi kung saan doon kami magkikita, ala syete pa lang ng umaga, isang oras akong maaga kaysa sa napagkasunduang oras, ganito ko ka-excited na makausap siya hindi dahil masaya ko, kundi dahil gusto ko nang matapos ang lahat at malinawan pero at the same time, sobra na rin akong kinakabahan.

Umorder muna ako ng hot chocolate at isang slice ng chocolate cake at nagsimulang kumain, madalas din akong tumingin sa orasan ng café, at sa suot kong relo, maging sa phone, pilit ko ding nililibang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbisita sa mga social media accounts ko.

Naka-ilang hot chocolate na rin ako, kumain na nga ako ng breakfast dito, mas tumitindi na rin ang kabang nararamdaman ko, may ilang estudyante na rin ang labas masok sa café.

Maya-maya, dumating ang isang sasakyan at nagpark ito malapit sa sasakyan ko, kitang kita ko ito dahil salamin ang dingding ng café, bumaba roon sina Minho at Sandra, humugot naman ako ng malalim na hininga at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.

It's okay Cab, wag kang kabahan, makikipagusap ka lang naman diba? you can do it! it's for your own, too. Don't be scared.

At bakit nga ba ako natatakot?

"Cabrielle..."nilingon ko ang nagsalita, si Minho, katabi nito si Sandra, naka-maternity dress ito kahit hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan niya. Napangisi na lang din ito ng makita ako.

"Minho.."ngumiti ako sa kanya, at ganun din ito, pinaghila niya naman ng upuan si Sandra, at binalingan ako ng tingin.

"Maiiwan ko na kayo" sabi niya at mahinang tinapik ang balikat ko.

"Thank you" I said to him and he mouthed, welcome and smiled. Tsaka ito lumabas, napatingin naman ako kay Sandra na nakangisi ngayon.

"Now what Cab?" tanong niya. "Bakit mo daw ako kailangang makausap?" dagdag  pa nito.

"I just want to say that, please, stay away from us, layuan mo na kami ni Parker, if I know, hindi naman yan kay Parker, ginagamit mo lang yan para masira kami, maaari ngang may nangyari sa inyo, pero baka naman hindi si Parker ang ama, who knows, may iba kang lalaki" dire-diretso kong sabi, wala na rin akong pakialam kung ano ang mga lumabas sa bibig ko, masyado akong kinakabahan ngayon para pagisipan ang lahat.

"How dare you!" inis na sabi niya. "Kung nagagalit ka sakin dahil sa nangyayari sa inyo ngayon, don't blame me! though you deserve it, isa pa, hindi ako lalaban kung hindi ako sigurado and what do you think of me, pokpok!?" dagdag na sabi nito, pinipigilang lakasan ang boses.

"Ano ka nga ba? After Minho, tas ngayon si Parker, sino ang sunod si Dwight?" sabi ko, tiningnan niya naman ako ng masama, nakita ko rin ang pagyukom ng kamao niya, hindi ko alam pero mukang nagkasomething talaga sila ni Minho, well, ginamit ko lang naman ang lumabas sa bibig niya nung nakaraang sinugod niya ko.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat