CHAPTER 46

2.5K 67 2
                                    

Chapter 46 :

Pagkaalis nila, tahimik lang kami sa loob, walang gustong magsalita, nagpapakiramdamam, habang ako, tuloy tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko at pinipigilang humagulhol.

Nakakuyom din ang mga kamao ko at nakayuko. Alam kong nakatingin si Dad sakin pero wala akong pakialam, naiinis ako sa kanya, sobra. Tatay ko siya pero mas pinili niya ang babaeng yun kaysa sakin. Si Sandra at isama na rin ang nanay niya.

"Anak, I'm sorry" yun ang narinig ko kay Dad. Tiningnan ko siya, pero napapikit lang din ako, hindi ko kayang tumingin sa kanya, matapos niyang gawin sakin to.

"Anong meron at bakit nandito sina Parker?" tanong ko.

"Cabr--"

"Just answer my question.."

"We'll going to plan about my wedding,  pero dahil sayo, hindi natuloy, dapat talaga hindi na kita pinapunta rito para mas lalo kang magmukang tanga!" bulyaw niya.

Mas lalo akong nainis sa inasal niya, nanggagalaiti na ko sa galit kaya agad akong tumayo at tsaka kinuha ang isang basong juice sa mesa at isinaboy sa mukha niya tsaka siya sinampal ng malakas.

"Cabrielle!" sigaw ni Dad. Napahawak naman si Sandra sa pisngi niya at umaktong umiiyak, peste! Agad naman siyang dinaluhan ni Daddy, ni Leigh at syempre yung Nanay niya.

"Anak, I know you're mad at.. nasasaktan ka, but please, wag naman ganito, buntis ang kapatid mo, dapat kasama ka sa nagaalaga sa kanya, please anak, dont..dont do it again, she's still your ate" sabi ni Dad, nakagat ko na lang ang pangibabang labi ko at napayuko.

Dati, ako lang. Dati ako lang lagi ang kinakampihan niya sa lahat ng oras, dati lahat ng gusto ko, sinusunod niya, dati ako lang ang 'anak' na nasa puso niya pero ngayon may kahati na ko.

I'm selfish and I am proud of that. Ni minsan hindi ko yun tinanggi. Dahil alam kong may dahilan lahat kaya napupunta sakin ang mga bagay bagay, kaya ingat na ingat akong hindi yun makuha ng iba lalo na kung pinaghirapan ko ang bagay na yun, but now, parang karma ito sakin sa pagiging selfish ko, siguro sobra na daw ang pagiging madamot ko kaya heto, nangyayari na ang lahat ng to sakin.

"Alam kong galit ka sakin pero mahal na mahal kita, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko anak, patawarin mo ko sa lahat ng pagkukulang ko sayo, intindihin mo sana lahat ng paghihirap ko at ng mga kapatid mo at  kahit alam kong wala akong karapatang humiling ako sayo, nakikiusap ako, bigyan mo kami ng pagkakataon, bigyan mo ng pagkakataong mabuo ang pamilyang ito, pakiusap, anak.."

Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko ding inalis. "Cabrielle!" sigaw ni Daddy, ano bang masama kung hindi ko kayang patawarin ang babaeng to sa harapan ko, gusto niya ba ng madalian.

"Tama na, Alfonso, tama na" anya.

"Cabrielle naman, alam kong matalino ka anak, alam kong malawak ang pagunawa mo, naaalala mo naman siguro ang sinabi ko sayo diba, please, wag mo nang pahirapan pa ang pamilyang ito, gusto mo din namang mabuo dati ang pamilya natin diba anak?" si Daddy, napatingin ako sa kanya, hindi rin nakailag sakin ang mga palihim na ngisi at irap ni Sandra.

Ate, damn her! Pano ko siya maituturing na ate o kapatid! kung ganyan siya!

"Gusto nyong maintindihan ko lahat ng to Dad, gusto nyong patawarin ko ka agad ang babaeng yan! Gusto mong ibigay ko ang lalaking mahal ko sa sinasabi mong 'Ate' ko, at itong pamilyang to na sinasabi mong gusto ko dating mabuo ay dati lang, wag mo nang asahan na mabubuo pa to, dahil kahit kailan, hindi na to mabubuo!" sigaw ko.

Pak.

Napahawak ako sa pisngi ko ng sampalin ako ni Daddy, napakagat din ako sa pangibabang labi ko at tumulo na naman ulit ang mga luha ko.

Bakit Dad? Bakit?

"Tito Alfonso!" sigaw ni Leigh at napakapit sa braso ni Dad.

"Hindi kita pinalaki ng ganito, Cabrielle!" sigaw niya.

"Pero pinalaki mo kong, ako lang Dad.." umiiyak kong sabi, natigilan naman siya dahil sa narinig. "Pinalaki mo kong nasa akin lang ang atensyon mo, pinalaki mo ko at ako lang ang pinuprotektahan mo, yung totoo nga Dad, mas ok sakin nung pinalayas mo ko para magtino ako, kasi alam ko namang kahit umalis ako, alam kong ako pa rin yung prinsesa mo, pero ngayon masyadong iba na ang sitwasyon, dahil sa lahat ng sinasabi mong pamilya na pwede kong makasama, kabilang pa ang babaeng naninira sa buhay ko, sa tingin mo pano ko siya matatanggap?" mahaba kong sabi kay Dad, napayuko naman ito at alam kong kahit anong segundo o minuto, iiyak siya, at dahil yun sakin.

"Am I that bad?" he asked me. Napayuko ako, kahit naman kasi naiinis ako sa ginawa niya, Daddy ko pa rin siya, siya pa rin ang laging nandyan sa mga school activities ko lalo na nung nasa grade school pa lang ako, siya pa rin ang nagaalaga sakin kapag may sakit ako, siya lagi ang tinatakbuhan ko at alam ko sa sarili kong hindi siya masamang tao, its just me, masyado lang akong selfish sa lahat, spoiled brat, at may pagka-pride din.

"No.." I answered

"Pero bakit nangyayari to?" tanong niya, napatingin ako kina Sandra, Leigh at sa nanay nila, nakayuko din ang mga ito habang nasa likod ni Dad at inaalalayan ito, I look at Sandra, she's now having this sad face at marahang hinahaplos ang tiyan nito, nakita ko din ang pagtulo ng luha nito tsaka ito napatingin sakin.

Nagkatinginan kami, I know that she's sincered of what she feel for at alam kong nalulungkot din siya ngayon, malungkot ang mga mata niya at tila nagsasamo. Ako ang unang umiwas ng tingin, napayuko ako at huminga ng malalim.

"I should g-go" nauutal kong sabi, akmang tatalikod na sana ko ng tinawag ako ni Sandra.

"Cab..please.." she said, napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko, at nagulat ako sa sunod niyang ginawa, kahit nga sina Dad, Leigh at ang mommy nila.

"Ate Sandra.." si Leigh.

"Please, I'm begging you, ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko Cabrielle, wala akong kinalakihang ama, maawa ka sa magiging anak ko, my child dont deserves this, wala siyang kasalanan kaya ayaw kong magbayad siya sa lahat ng ito, Id just want to give my child a family that I dont have when I was just a little girl. Alam kong wala na akong pag-asa pa kay Parker, ginagawa ko ito para sa magiging anak ko Cabrielle, at handa akong magtanga-tangahan ulit para sa anak ko, handa akong sumama sa iisang bubong kay Parker kahit alam kong hindi niya ako mahal, basta para lang sa anak ko Cab, kaya please, nakikiusap ulit ako, ikaw na lang ang magparaya, pakiusap.." natulala ako sa kanya habang nakaluhod siya sa harap ko, she's now crying at hindi ko naiintindihan ang pakiramdam ko, kahit ako ay umiyak na rin sa harapan niya.

She's doing this because of her baby? I want to question her about that but I feel her sincerity on her words. Inang - Ina at mukang wala man lang akong magiging laban ngayon sa kanya.

Napapikit ako, gusto kong ilabas na lang ang lahat ng narinig ko sa kabilang tenga ko para magpaka-selfish ulit ako. Pero hindi ko magawa, parang mas tumatak pa lalo ito sa utak ko.

I looked at her, umiiyak pa rin siya, I know she's still human, nagagalit din siya, umiiyak din siya, nasasaktan din siya, nahihirapan din siya, nakakagawa din siya ng mga bagay na nakakasakit sa kapwa niya dahil tao din lang naman siya, tulad ko, nakakagawa din ako ng mga pagkakamali. Pero nakakagawa din naman tayo ng mga kabutihan right.

"Cab, alam kong mahirap, pero please, ikaw na lang..ikaw na lang ang magparaya"

Napatingin ako kina Dad, nakatingin pa rin siya sakin, at tska ako napapikit.

I'm sorry.. I'm really sorry..

©itsIOOIOOIe

Sa tingin nyo, anong desisyon ni Cabrielle? Gusto kong malaman opinyon nyo..

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt